"Naku ang sama na naman ng tingin mo kay Jacob, Mita!" sabi ni Lyn sa akin.
"Kasi naman yang mga haliparot na babae! Lapit ng lapit kay Edward ko! akin lang si Edward!" sagot ko naman
"ARAY!" reklamo ko...lumingon ako para makita kung sino ang nambatok sa akin at nakita ko si Gael na nakatingin sa akin at nag-smirk sabay balik ng paningin niya sa lecture na binabasa niya.
"Bakit mo naman ako binatukan!?" tanong ko sa kanya.
Tumingin sa akin si Gael at sinabing walang sayo Mita! Akin lang si Adrian! Akin lang ang asawa ko!"
"Sira ka Gael dapat ang sinabi mo Jacob hindi Adrian! Si Edward kaya ang crush niya!" sabat ni Cess
"Ganun din yun." sagot ni Gael sabay balik ng paningin sa binabasa.
Nandito kami sa classroom wala yung teacher namin sa last subject kaya yan may mga sarili kaming mga mundo.
Yung tatlong babae kanina ay mga bestfriends ko si Gael na medyo weird, haha..si Cess na laging naggugupit ng split ends tuwing may klase at si Lyn na laging facebook ang inaatupag sa cellphone niya..
Grabe kung minsan iniisip ko na ako lang ang matino sa aming apat! joke lang... kahit mga abnormal yan mahal ko ang mga yan at tunay silang mga kaibigan.
"Yes! Uwian na!" sabi ng mga kaklase ko. Inaayos ko na ang bag ko para makauwi na...nagulat ako ng biglang tumakbo sina Lyn at iniwan ako.
Mga sira talaga hindi ako hinintay! Pagkapunta ko sa pintuan nakita ko ang dahilan kung bakit nila ako iniwan.
Nandito pala si Jake at hinintay ako, kababata ko siya. Minsan nga sinabihan ako ni Gael na parang may gusto daw sa akin si Jake. Pansin ko din pero di ko na lang inisip ang tungkol dun.
"Sabay na tayong umuwi." nakangiting sabi niya. Gwapo si Jake pero mas gusto ko si Jacob. Chos! para namang pinapipili ako. Sasagot na sana ako...
" Sa akin sasabay si Mita.." bumilis ang tibok ng puso ko at paglingon ko..
" J-Jacob..." Yup si Jacob nga! Biglang kinuha ni Edward ang kamay ko sabay takbo!
Di ko namalayan na nandito na kami sa bahay..actually malapit lang naman ang bahay ko sa school at magkapitbahay kami ni Jacob pero ngayon lang kami nagkasabay umuwi.
" Huwag ka nang sasabay umuwi kay Jake." sabi ni Jacob at nakita kong namumula pa siya! Kyaaahh ang cute niya! Pagkatapos nun ay tumalikod na siya at umalis...lord eto na ba ang sign....
Na gusto nya rin ako!!!???
--------------------------
Pagkatapos ng pangyayaring yun lagi ko nang kasama si Jacob! Ewan ko ba kasi pag-nanadiyan si Jake parang possessive na boyfriend si Jacob lagi niya akong binabakuran. Pansin ko rin na parang palagi siyang nakatingin kay Jake.
Pero keri lang kinikilig nga ako eh!!
Nandito ako ngayon sa hall way ng school nang makita ko si Jacob na may babaeng nakapulupot ang braso sa kanya! Grabe! Mukhang tuwang tuwa pa ang mokong!!
Tumakbo ako papuntang garden ng school nang nakita ko si jacob.
Lalapit siya sana sa akin pero bigla na lang may humatak sa akin.
Hindi ko na nagawang magreact at paglingon ko nakita kong si Jacob pala ang humila sa akin.
"Bakit mo ko dinala dito?!" naiinis na sabi ko kani-kanina lang may kalandian siya tapos dadalhin niya ako dito.
"Bakit kasama mo si Jake?! nagagalit na tanong nito.
" E-eh sino yung kasama mong babae kanina?!" grabe nakakatakot siyang magalit!
Kumunot ang noo niya at sinabing.. "Si Shina yun..pinsan ko."
Napahiya naman ako dun! Kapatid pala niya yun.
"Huwag ka nang lalapit kay Jake...di kayo bagay." sabi ni Jacob
"Sampalin mo ko." sabi ko sa kanya. Nagulat siya sa sinabi
"Sampalin mo ko!" hinintay ko na lumapat ang labi niya sa akin kasi tingin ko talaga hahalikan niya ako kasi ganoon yung nabasa ko sa isang love story.hiniling niya sa guy na samapalin siya pero imbis na sampalin bigla siya nitong hinalikan
"ARAY!!! bat mo ko snampal?!" sigaw ko sa kanya! ABA! masakit kaya yung sampal niya.
"Sabi mo kasi eh.." sagot niya
"Dapat hinalikan mo ko!!" naiinis na sabi ko
"Ayoko nga.." sagot niya
"Diba gusto mo ako kaya ayaw mo kaming makita na magkasama ni Jake pati kaya-----" sagot ko
Nagulat ako sa sunod na sinabi ni Jacob....
"Gaga! Si Jake ang gusto ko! Hindi ikaw! Bruhilda ka! kaya kita pinapalayo sa kanya at nilalayo sa kanya dahil mas bagay kami! Akin lang si Jake baby! Ilusyonada!"
The End
BINABASA MO ANG
Sampalin mo ko! ( One Shot)
HumorMalalaman mo kaya ang damdamin ng mahal mo dahil sa isang sampal?