Ang Sibuyas BOW [ONE SHOT]

854 34 28
                                    

Katuwaan lang po ito hahaha! wag niyo po sanang icritic na kesyo panget o walang kwenta hahaha napagtripan ko lang dahil wala pa ako sa mood hihihi :)

dedicated to my ATE MHYCUTE hihihi :) ang sobrang nagpapakilig saking reader hehe <3. Please do support her stories po. Search lang ang "mhycute" makikita niyo na. :))

                                                        Ang Sibuyas BOW 

                                                  written by CLsakuraloves

                                © February 22, 2013 by CeeryL. All rights reserved.

Akalain niyo may boy bestfriend ako? Alam niyo bang mahal ko siya? Hindi dahil BBF ko siya, mahal ko siya dahil iniibig ko siya, pero siya mahal niya iba. Palagi niya kong ginagawang sandalan, ang akala niya yata PADER ako para sandalan! Ganun na ba ko katigas? Siguro nga matigas ako, matigas sa paraang nagpapakamartir na ako para sa kanya. Papukpok nga ako at ng magising. Daliiii try lang ohh??

engkk (8.*) naduling naman ako! Pano pa ko makakapagkwento LOL..

heto na nga!

Palagi panga na kapag magsusumbong siya sakin e saktong nanghihiwa ako ng sibuyas, hindi ko alam kung bakit pero parang timing ang pagluluto ko. At yun nga dahil sa sibuyas hindi niya nahahalatang umiiyak talaga ako, di din halatang nasasaktan ako dahil selos na selos ako! Ang galing lang ng sibuyas di ba?

At heto timing nanaman siya. Bakit naman kasi palaging involve ang napakabangong si mr. sibuyas?

“Ming ming” yan ang tawag sakin ni Gino ang napaka manhid na bbf ko! Ang totoong pangalan ko ay MIYUKI ohh di ba? HAPONESA lang PEG kuno.. “Bakit ang sakit sakit? Palagi niya nalang akong inaaway, kapag di mo pinagbigyan nagagalit, tapos pag naman sinunod mo naiirita? Hindi ko na siya magets Ming Ming”

Tapos ngayon iiyak iyak pa siya! Kabuysit! Lalaking to ang drama!dinaig niya pa ako. E hindi ba’t ginusto niya naman yun? Tapos ngayon parang pinaiyak siya ng sandamakmak na sibuyas!

“Ming, sobrang mahal ko talaga siya pero bakit? Ako nalang ba ang magbababa ng pride lagi? Ming help me please…” sabi niya habang umiiyak, yung tipong maaawa ka kasi nararamdaman mo din yun sakit.. aw tagos! asan ang tagos? IvI over there kita mo? ay pasintabi po LOL.

Tumingin nalang ako sa sibuyas na hinihiwa ko. E kasi naman MASAKIT E! Masakit na makitang umiiyak ang mahal mo dahil sa mahal niya. Pero AKO? AKO? Ako na bestfriend lang para sa kanya na tumatayong PADER para sandalan niya. huhuhu it really hurts you know?

SNIFF SNIFF.. hindi ako sinisipon. Alam niyo yun? Yung kapag pinipigilan niyo yung iyak niyo? Mahapdi sobra kasi masakit nga e! Ilang beses ko na inulit na masakit? E kasi nga masakit! Wag niyo nalang ako intindihin, focus nalang kayo sa binabasa niyo.

“Uy best umiiyak kadin? Sino nanakit sayo? Si Bobby ba?” Bobby agad? Di ba pwedeng ikaw kasi hindi ka marunong makiramdam? Si Bobby ang masugid kong manliligaw na sobrang bait tapos siya ang sasabihan niyang may kasalanan ng pag-iyak ko? Hay naku. Buti pa nga si Bob mahal ako. E siya? Ahh owww!

“Ahh hindi nu! E to kasing sibuyas, oo itong sibuyas nga! Napaiyak nya ko kaya heto sniff sniff ako hehehe” tas nag sniff pa ako ulit. At siya naman naniwala agad. Psh e manhid kasi yan e. As if naman mag iisniff ako ng dahil lang sa sibuyas. Hindi ba pwedeng umiyak talaga ko kasi nahuhurt ako?

*pak pak* “Yang sibuyas talagang yan! Palagi ka nalang pinapaiyak a?” Sira siya tama? Ibang sibuyas nato diba? Nailuto ko na yung ibang sibuyas na nagpaiyak kuno sa akin. At sa susunod siya na ang isasalang ko sa kumukulong mantika! Baka kasi mas malasa pa siya sa sibuyas e. Imported na sibuyas yata siya e!

Ang Sibuyas BOW [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon