Chapter 14

366 12 0
                                    

Nagpatuloy sa pag-iyak si Athena at ako naman ay inaalo siya.

"What the fvck is wrong with him, Athena? Anong dahilan niya at ginawa niya yon?" tanong ko sakanya. Kahit naman kasi kinainisan ko yung gagong 'yon ay mukhang baliw din yon kay Athena.

"H-He said that I-I cheated on him with Henson" napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

"He gave me a lot of pictures at nakalagay don na magkasama kami at papasok sa hotel. Marami pang pictures na parang nagdi-date kami at parang naghahalikan pero lahat yon never naming nagawa. I swear to god, Fynn, never akong nagloko" she said at nagpatuloy sa pag-iyak. Hindi na ako nagkomento at patuloy lang siya na inaalo.

"I-I also told him that I'm pregnant but he didn't believe me. He said na hindi daw siya sigurado kung siya ang ama ng dinadala ko" pagpapatuloy niya. Agad namang nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"What? Eh tangina pala niyang asawa mo eh. Nasan ba yang gagong yan at pupuntahan natin. Ang walang hiya, nagawa niyang magpakasarap tapos sasabihin niya na hindi sigurado na siya ang ama" sabi ko sakanya.

Kung noon ay medyo natuwa ako sakanya dahil nakita kong masaya si Athena, ngayon ay nasa sukdulan na ang galing ko. How dare him say that to my friend! Isa siyang gago na walang ibang ginawa kundi ang magpakasarap pero ngayon ay nawawala na dahil may responsibilidad na siya. At dahil sa ginagawa niya ay mas lalo lang tumindi ang galit ko sakanya noon.

"Lauren, what pictures are you talking about? I'm sure that it's edited" sabat nitong kasama ni Athena.

"M-Maddie gave that pictures to him. I e-explained to him that it's edited pero hindi naniwala sakin. Mas naniwala pa siya sakanya kesa sakin na asawa niya" sa sinasabi ngayon ni Athena ay baka mabugbog ko sa inis ang asawa niya. Napakawalang hiyang lalaki.

"I can't believe na magagawa yon ni Kuya. Akala ko na nagbago na siya pero hindi pa rin pala"

I agree sa sinabi nitong kasama ni Athena. Ang akala ko rin noon ay magbabago na ang talipandas na 'yon pero anlaki pala ng pagkakamali ko na ipinagkatiwala ko sakanya ang kaibigan ko.

"Let's go to that bastard husband of yours, Athena. Hindi niya dapat ginawa yon sayo. Tangina niyang gago siya. And dapat sakanya, pinuputulan ng hinaharap dahil wala siyang bayag. Akala ko rin noon na nagbago na yang letche mong asawa pero hindi ko alam na mas lalo pa siyang lumalala" I said to her. Hindi na talaga ako nakapagpigil diyan sa asawa niya.

"Hayaan nalang natin siya, Fynn. I already signed the annulment papers. Sabi niya ay siya na ang bahala na i-process yon" nang sabihin 'yon ni Athena ay mas lalo lang uminit ang ulo ko.

"YOU FREAKING WHAT, ATHENA?" hindi ko na talaga napigilang mapasigaw dahil sa sinabi niya. Para namang naalarma si Aiden sa pagsigaw ko.

"Dapat hindi mo pinirmahan, Athena. Mas maganda na pinakulong mo nalang ang hayop na yon. Ikaw ang lalabas na masama rito, Athena" sabi ko sakanya. Mas maganda kung diretso ipakulong nalang ang walang hiyang 'yon. Mas matutuwa pa 'ko kung makita ko siya sa kulungan dahil hindi sapat ang kung ano mang rason niya para gawin 'to sa kaibigan ko.

"O-Okay lang ako, Fynn" sabi ni Athena at mas lalo pa akong nainis sa desisyon niya.

"Athena, hindi ka okay. Kasi kung okay ka, wala ka rito ngayon at umiiyak. Ang dapat dyan sa gago mong asawa at sa kabit niya ay makulong. Wala akong pake kung gaano sila kayaman basta makulong lang yang demonyo mong asawa"

Desidido talaga akong mapakulong ang walang hiyang 'yon. Isang sabi lang talaga ni Athena na ipakulong siya ay ako na mismo ang tatayong abogado niya pero wala pa rin talaga dahil mas inuuna pa niya ang nararamdaman niyang pagmamahal sa asawa niya kesa yung ginawa nito sakanya.

The Doctor's TemptressWhere stories live. Discover now