I opened my eyes and saw the white ceiling. I attempted to look around ngunit hindi ako halos makagalaw dahil nanghihina ako. My hand is hurting as well dahil sa may nakatusok doon na dextrose.
"Mabuti at gising ka na, Eve."
Hindi ko kaagad napansin si Professor Jed na nakaupo sa tabi ng hospital bed. He instantly press the intercom above my headboard at kaagad na tinawag ang doctor.
"W-what happened?" I asked in a weak tone, kahit naman na obvious na inatake ako.
"Kamusta na pakiramdam mo?"
Hindi ko na iyun nasagot pa ng makapasok na kaagad ang doctor. She checked my vitals, at pagkatapos makapagtanong ng ilang bagay, she said that I am well, fortunately.
"Ano ba kasi ang ginawa mo at na-overdo mo ang katawan mo? Mabuti at naidala ka kaagad ni Mr. Alarcon dito sa ospital nang himatayin ka" pagtutuloy niya.
"Mr. Alarcon?"
Kaagad na pinaningkitan niya ako ng kaniyang mga mata. Sa tingin ko'y kilala ko na kung sino.
"Yung binatang kaibigan mo. Himala't meron ka na ngayon nun " wika niya na may tonong nakakaasar. I sighed and just look at the window. Masyadong mataas ang salitang kaibigan...
It's already evening, at ang bilog na buwan ang natatanaw ko sa labas.
"Pano? Kailangan ko nang umuwi. May pasok pa bukas. Pasado alas nuwebe na..." Paalam niya habang nakatingin sa wristwatch niya.
"I'm good."
Narinig ko siyang bumuntong hininga bago sumagot.
"Don't worry. Sige, magpalakas ka."
Tuluyan na siyang lumabas ng hospital room pagkatapos sabihin iyun.
"I'll be well..." I said to myself bago titigan ang malaking pasa malapit sa wrist ko.
Mabilis akong napalingon sa pinto ng bumukas ito. I thought it's the doctor again.
"Eve! Mabuti at gising ka na!" He said with a lot of energy before entering the room, dala-dala ang isang backpack at paper bag.
"It's almost midnight, anong ginagawa mo rito?"
Ibinaba niya ang mga dala at inilagay sa mahabang couch bago umunat at lumingon sa akin.
"Malamang, ako ang magbabantay sa'yo ngayong gabi. Tsaka nga pala, dahil sa makalawa ka pa makakalabas, eto, nagdala na ako ng mga gamit mo" kasuwal na sagot niya.
"You intruded into my place without my consent?"
"This is an emergency situation, and that complaint won't be applicable..."
"Bahala ka..." Suko kong atas.
Ang dami niyang tinanong. Mula sa anong nararamdaman ko ngayon, kung nagugutom ba ako, kung bakit hindi ko sinabing masama na pala ang pakiramdam ko, at ang pagsugod niya sa akin sa ospital, maging ang pagpunta niya sa university para ipaalam na hindi ako makakapasok dahil nga't andito ako.
"Kung may sasabihin ka pa, ipagpabukas mo na lang." I nonchalantly said.
"Nga pala, malayo ba rito ang---"
"I said, save that for tomorrow..." Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil hindi na naman siya titigil.
Tumawa lang ito bago niya inayos ang hihigaan sa mahabang couch. May dala siyang unan at kumot na nakalagay sa loob ng paper bag. Staying in the hospital might look like a camping for him.
Pareho na kaming tahimik. Ang tanging naririnig lamang ay ang tunog ng orasan. Siguradong tahimik na rin sa hallway ng ospital sa mga oras na'to. I'm still weak, kaya't gusto kong matulog sa ngayon, kahit na buong maghapon akong natulog.
BINABASA MO ANG
𝐏𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬✓
Novela Juvenil[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who started hating people after what happened two years ago which changed his outlooks in life. The loathing in his heart created an overwhelm...