TANIA'S POV
"Marco please, wag mo gawin to!" sigaw ko sakanya habang pinipigilan ang luha ko sabay yakap sakanya.
"Please Tania, Let's end this. Wala rin namang patutunguhan tong relasyon natin e." pinipilit niyang tanggalin yung pagkakayakap ko pero nakakabalik ako agad sa pagkayakap.
"Ano bang ginawa kong mali? Answer me Marco! Answer me! Pinapayagan naman kita sa mga gusto mo a? ano ba ang pagkukulang ko!" Sa pagkakataong to tinanggal na niya ang pagkakayakap ko sakanya at humarap siya sakin.
nakita ko yung mukha niya. kanina pa kami nagaaway pero ngayon lang ako napatingin sa mukha niya. mukhang galit na galit na siya at namumula. mukha narin siyang naiiyak.
tinignan niya ko mata sa mata at sinuklian ko din naman ito ng tingin. napaisip ako bigla "ayoko nang marinig ang sasabihin mo." pero huli ng lahat.
"Tania, I fell out of love. Yes akala ko ikaw na talaga sa huli and you're the type of girl na talagang pinapangarap ng mga lalaki para mapangasawa pero sa hindi ko malamang dahilan ay nawalan na ko ng gana sayo" dry niyang explain sakin
Hindi ko na kinaya pang tumingin sakanya, sobrang sakit ng sinabi niya. Gad! parang gusto kong magpakamatay ngayon as in now na sa narinig ko sa kanya.
Tinulak ko siya papalayo
"Leave." wala nakong nasabi pang iba kundi yan. Jusko sobrang sakit hindi ko malaman kung ano gagawin ko. Pero ayokong magbreak down sa harap niya. Baka maawa lang siya sakin at hindi pa ituloy ang break up na to.
"T-tan.." sambit niya pero di ko na siya pinatapos
"I said LEAVE!" putol ko sa sinabi niya. Tsaka ako tumalikod sakanya.
Ramdam kong nakatayo parin siya sa likod ko pero di na kinaya ng mga mata ko na pigilang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.
Nung narinig kong sumara na ang pinto saka ako humagulgol sa iyak. Nilabas ko yung sakit sa narinig ko mula sakanya. Sa taong pinakamamahal ko. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Kahit saang sulok siya ang naaalala ko hanggang sa nagpasya akong pumirmi sa kama.
Umiyak ako ng umiyak. "bakit? ano bang pagkukulang ko. ano ba nagawa ko para mawala pagmamahal mo sakin?! ginawa ko naman ang lahat. binigay ko sayo lahat lahat. Wala nakong tinira sa sarili ko, kahit awa manlang"
iyak padin ako ng iyak. iniisip ko kung paano ko sisimulan ang araw ko ng wala siya sa tabi ko. Nasanay na akong nanjan lang siya. Katuwang ko na siya sa lahat ng ginagawa ko.
Hanggang sa hindi ko na namalayan pang nakatulog na ko ....
Author's note:
o diba prologue palang intense na? syempre ganyan ko kayo ka love! Hi po sa inyo yung mga nais basahin tong story ko sana po nagustuhan niyo! Mag uupdate po ako as much as I can don't worry po I'll try everyday or every other day! xx
thank you po sa pagbabasa xx fangirlsheiress
BINABASA MO ANG
What About US?
Teen FictionUmibig ako ng wagas, nasuklian naman ito ng higit pa sa inaakala ko. Kasama ko siya sa hirap at ginhawa. Sa rollercoaster ng buhay ko. Simple lang, itinuon ko ang buo kong atensyon sakanya. Pinaikot ko ang mundo ko sa kanya. Maayos naman nung umpisa...