7 years ago .....
MARCO'S POV
Ano ba naman 'to kung kelan naman ako nagmamadali tsaka pa nagkandaleche leche mga gagawin ko.
Mabilis na kong naligo, nagbihis at nagpapaalam sa nanay ko na aalis na ko.
"Nay! Alis nako ha?" sigaw ko sakanya habang papunta nako sa may pinto palabas ng bahay.
"Nak, Marco wag mo kalimutan na may date ka mamaya ha?" bigla akong napaisip. At naalala ko nga pala na may sinet si mama na blind date para sakin. Grabe naman, di pa nga ako nagkakatrabaho e. Si mama talaga atat.
"Opo, anong oras po pala yun?" sagot ko kay mama. Nahalata niya ata na nakalimutan ko.
"7PM, sa Hotel Shanghairila" paalala niya habang sinundan ako papunta sa labas.
"Ah, sige ma. BYEEEEEEE" Nung makalapit na si mama sakin kiniss ko na siya sa cheeks sabay alis nako.
Nag aabang nako ng jeep na sasakyan ko. Kung kelan naman! Late na late nako sa first subject ko baka di ako makaabot. jusko! Sawakas nung malapit na sana ako maglakad e may dumaan ding jeep na hindi puno.
Pagsakay ko bayad ako agad. Ok readers sasamantalahin ko na magpakilala sa inyo. Ako nga pala si Chris Marco Santafebuella. Anak ako ng isang mayaman na businessman at businesswoman pero simula nung nagloko ang tatay ko at sumama sa ibang babae, Nagbago ang takbo ng buhay namin. Sobrang nahirapan ang nanay ko para maitaguyod niya ko at mabigay lahat ng kailangan ko. Sa ngayon stable na ang pamumuhay namin di tulad na dati na halos mamalimos kami para makakain. Wala nakong balak hanapin yung tatay kong gago, sorry for the word. Pero may choice siya na hindi gawin yun pero ginawa niya parin ang mali. Ibahin na nga natin ang usapan! Langya naman kayo e. HAHAHAHAHAH.
So eto nagaaral ako ngayon at malapit nako malate! Tas nagpagas pa tong si manong driver! May narinig akong babaeng nagsalita galing sa tabi ko lang
"Manong wala na bang ibibilis to? Pipila ka pa o. Anong oras na po, ang hirap po maghanap ng jeep na masasakyan. Late na po ako. For sure hindi lang ako madami samin!" Pakiusap niya.
Napatingin ako sakanya hindi ko na namalayan na natulala na ko sakanya. Grabe sobrang ganda niya. Yung mata niyang nakakaakit at yung labi niyang pulang pula. Nakita kong bumuka yung bibig niya pero wala kong marinig natulala talaga ako sakanya.
*PAKKKKK!*
Nyeta sinong bumatok sakin! pagtingin ko si ateng maganda pala!
"Buti natauhan ka na kuya?! Nakakabastos na kasi yung tingin mo e. Tinatanong ko kung may dumi ba ko sa mukha pero di ka naman sumasagot" Sabi niya sakin sabay taas ng kilay.
Aba, sadista pala tong si ate! Mataray pa. Pero isa lang ang napansin ko pareho kami ng school! Meant to ba na ba ito? Love At first sight?! totoo ba yun?
"A-a-ah wala" nautal utal pa ko. "Wala ka namang dumi sa mukha e" dag dag ko sabay iwas ng tingin sakanya.
Hindi na siya nagsalita kaya di narin ako umimik.
TANIA'S POV
"A-a-ah wala" nautal utal pang sabi nung lalaki. "Wala ka namang dumi sa mukha e" dag dag niya sabay alis ng tingin sakin.
Hindi nako nakaimik sa sinabi niya. Pero infairness kay kuya ha. Gwapo! Ay nako Tania! Lumalandi ka nanaman. Mag move on ka nga muna letse.
Oo, Kakabreak lang kase namin nung jowa kong timer. Langya yun sabay kaming niligawan nung girl tas nagkataon pang sabay din namin siyang sinagot. Walanghiya talaga tong mga lalaking to.
Ang tagal magpagas ni Manong! Sirang sira na araw ko sobra buti nalang nakita ko si kuyang pogi! Btw ako nga pala si Tania Marichelle Escudero. Nagaaral pa lang ng kolehiyo dito sa isang sikat na university sa manila. Hindi kami mayaman, Hindi rin kami mahirap tama lang, Sakto lang. Wala namang masyadong iba sa pamilya ko. Hiwalay na sila, I'm living with my mother. Ang never kong nakasundo kong nanay pero wala akong choice, siya ang nakakuha ng full custody ko.
Ayan na sawakas! andito na kami sa school! grabe. Tumakbo ako agad sa classroom ko. First day ko pa nmn ngayon!
Pagkadating ko sa classroom ko nakita ko si kuyang guwapo na nakasabay ko sa jeep kanina. Siya agad nakita ko kase katabi niya yung bakanteng upuan. Nagiisa pa! ano to? Meant to be? Hindi ko napigilan na napatawa ng malakas at dun nako tuluyang napansin ng prof ko.
"So Ms. Escudero is already here. I guess she's having a good time right now. Go to that chair near Mr. Santafebuella but don't seat yet." utos sakin ng prof. ko.
Kinakabahan akong pumunta sa upuang iyon. Pagkamalas malas naman ng araw kong to!
"So whats with the laugh Ms. Escudero?" tanong niya with a sarcastic tone.
"Nothing sir, I'm just delighted after 500 years I found my room" sagot ko.
Nagsitawanan ang lahat, nahiya ako bigla buti pinaupo na ko. Pero pagkaupo ko may narinig akong babae sa likod na bumulong ng "Yan ang mga nangyayare sa mga hindi umaattend ng freshmen orientation! HAHAHAAHAHAHA!"
Nainis ako sa mga narinig kong yun pero hindi ko na pinatulan. Ayoko nang mapahiya ulit.
After ilang hours ng paghihirap natapos din ang class namin. Agad agad naman akong nagligpit ng gamit at inayos ang sarili ko. Akmang aalis nako sa ikinatatayuan ko nang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko si kuyang guwapo pala!
"Miss ikaw yung nakasabay ko sa jeep diba?" tanong niya sakin.
"Oo? bakit? hindi ba obvious?" mataray ko namang sagot.
Nakita kong nagiba bigla yung aura niya nung nagtaray ako.
Author's note:
Sorry po mga be! joke readers pala. Sorry po kung bitin/putol ung update. Will publish the continuation later. Promise mamaya pong gabi! xx All the love :)
BINABASA MO ANG
What About US?
Teen FictionUmibig ako ng wagas, nasuklian naman ito ng higit pa sa inaakala ko. Kasama ko siya sa hirap at ginhawa. Sa rollercoaster ng buhay ko. Simple lang, itinuon ko ang buo kong atensyon sakanya. Pinaikot ko ang mundo ko sa kanya. Maayos naman nung umpisa...