"Vien umidlip ka kaya kahit saglit lang?" sabi ni Reese sa akin, kaibigan ko at kasama ko dito sa dorm ng university.
Abala ako sa paggawa ng powerpoint para mamaya sa thesis defense. Fourth year college na ako at graduating. Hindi pa ako natutulog simula kahapon dahil tinapos ko pa iyong mga kailangan. Alas sais na ng umaga at mamayang 10 am ang thesis defense ko.
Ngayon ang huling araw ng thesis defense at ngayon ako naka-schedule for defense.
Individual thesis ang ipinagawa sa amin at wala akong choice kundi ang gawin at tapusin ang kailangan dahil hindi ako makakagtaduate kung hindi ko ito maipapasa. I need to make my Ate proud dahil malaki ang hirap na ginagawa niya para sa akin.
Habang abala ako na sa pagtatype sa laptop biglang umilaw ang cellphone ko at tumatawag iyong real estate agent na kausap ko. Kaagad ko itong sinagot.
Nakakastress! Bakit nagkakasabay sabay ang mga kailangan kong gawin ngayong araw!
Alas nuebe na ng umaga at narito ako sa condominium building. Dahil nasa abroad ang Ate ko, sa akin niya pinaasikaso ang bahay na binili nya para sa aming dalawa.
Excited ako para sa bagong bahay naming dalawa ni Ate dahil simula noong nagcollege ako nag abroad si Ate at sa school dormitory ako tumutuloy simula noon.
Isa nang Engineer ang Ate Janine ko at doon siya sa abroad nakakuha ng magandang trabaho. Limang taon ang agwat naming dalawa ng Ate ko at siya ang nagpapaaral sa akin sa university na pinapasukan ko.
Inaantok ako ngayon, gutom ako dahil hindi ko na nagawang makapag almusal at wala ako ibang choice kundi gawin ang mga dapat gawin.
May thesis defense pa ako! Dapat before 10:00 A.M nasa school na ko pero sumakto naman na 9:00 AM ang schedule ko ngayong umaga para magpirma ng mga papeles para sa bahay. Magbabyahe pa ako pa papunta sa university! Sana naman hindi traffic!
"Vien, ito ang Deed of Sale na kailangan mong pirmahan," sabi ng real estate agent na nakausap ko.
Kaagad kong pinirmahan ang papel na binigay nya. Hindi ko na masyadong binasa dahil inexplain naman na ni Sir Mon ang mga nakalagay kanina at isa pa nagmamadali ako dahil may thesis defense ako ngayong umaga.
"Ito ang susi at key card nang bahay nyo," sabi ni Sir Mon pagkatapos kong mapirmahan ang papel na binigay nya.
"Thank you po Sir!" sabi ko at kinuha ang papel at ang susi bago ako tuluyang umalis.
Tumatakbo ako papunta sa building ng department namin. Late na ako! Ang layo pa naman ng building namin mula sa gate ng university.
Dali-dali akong umakyat sa hagdanan at dumiretso sa conference room dahil doon ginaganap ang thesis defense. Muntik pa akong madapa sa hagdanan sa sobrang pagmamadali! Pati sa thesis defense late pa rin ako!
"Last call for Ms. Vien—-"
"Present! Sorry I'm late," hinihingal na sabi ako at kaagad na pumunta sa harap, isa-isa kong inilabas ang laptop at thesis book ko.
"You are failed, next please," sabi ng professor ko na isa sa mga strikto sa oras at isa siya sa mga panel ngayon, si Sir Kelvin Ganzon.
Para akong na estatwa sa sinabi niya.
"Po?"
"You're five minutes late Ms. Franscisco and I hate wasting my time,"
Bakit ba palagi na lang niya ako napag iinitan? Kahit sa classroom ako ang lagi nyang napupuna. Alam ko naman strict siya sa oras pero kaunting consideration naman sana. Pinaghirapan ko itong thesis ko, pinag effortan at hindi rin biro ang nagastos para mabuo itong thesis ko.
BINABASA MO ANG
I Think I Love You
Romance"Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own."