Simula

8 0 0
                                    

Simula. 

Tamara Margaux Salazar

My story with Uno started when we were six years old.

Malinis na bata si Uno at madalas ay hindi nakikipaglaro sa amin. He just always reads books, listens to music or studies. Wala siyang ibang ginagawa kundi ang mga bagay na hindi naman madalas gawin ng bata.

And I was Uno's opposite. Madalas akong gusgusin, halos araw-araw ay nasa labas ako at nakikipaglaro sa mga bata kong kapitbahay. But despite our differences, Uno and I get along really well.

Siya ang una kong naging kaibigan at ako ang una niyang naging kaibigan.

Uno was often bullied and ostracized by our peers since he was different. He was more mature, a lot more serious and he lived a completely different life. Napakaraming bata ang palaging nang-aaway sa kaniya and as a friend, I thought it was my duty to protect him so I always did.

"Iyakin, Uno! Uhugin dapat pangalan mo hindi Unovin!"

Naglalaro ako sa di kalayuan nang marinig ko ang pang-aaway na naman ng mga bata naming kapitbahay kay Uno. Araw-araw nalang ay ganito sa tuwing sinasama ko si Uno sa labas. Palagi tuloy itong umiiyak at umuuwing may sipon, ako rin tuloy ang nasisisi.

Naiinis akong tumayo mula sa aking pagkakaupo at naglakad papunta sa kung nasaan sina Uno at yung mga bata.

"Alam mo ikaw, inggit ka lang kay Uno eh!" pang-aasar ko don sa bata na nang-away kay Uno.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Bakit naman ako maiinggit dyan eh ang pangit-pangit niya naman!" sagot nito.

Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig. Hindi makapaniwalang nagpabalik-balik ang tingin ko kay Uno at sa kaniya.

Si Uno, panget? Ha? Saan banda? Eh ang gwapo-gwapong bata ni Uno. Kung magkakacrush nga ako ay malamang si Uno ang magugustuhan ko at saka napakarami kayang may gusto kay Uno! Halos lahat ng mga kaibigan kong babae ay siya ang gustong gumanap na asawa sa tuwing naglalaro kami ng bahay-bahayan!

"Ha?! Mas panget ka! Tingnan mo nga itsura mo kumpara kay Uno!" apila ko.

Napansin ko ang pamumula ng kaniyang mukha dahilan para maisip ko na asar na asar na siya sa akin.

"Crush mo siguro si Uno 'no! Bagay naman kayo, pareho kayong panget!" doon na ako tuluyang napikon at sinugod ko na siya.

Lumapit ako sa nang-aaway kay Uno at sinabunutan siya. Hinatak ko ang kaniyang buhok dahilan para siya ay umiyak ng napakalakas.

"Aray! Bitawan mo ko!" nagpupumiglas siya habang hawak-hawak ko pa rin ang buhok niya.

"Sabi mo panget ako diba?! O ayan, kasi panget ako!"

Iyak na siya ng iyak pero ako ay tuloy pa rin sa pagsabunot sa kaniya. Habang pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa buhok niya ay hindi sinasadyang nakalmot niya ako sa mukha dahilan para ako ay mapangiwi dahil sa sakit.

"Aray! Bakit ka nangangalmot?!" di makapaniwalang tanong ko. Nabitawan ko ang buhok niyang hawka ko kanina dahil kailangan kong hawakan ang aking mukha.

Kinapa ko ang parte ng aking pisngi na kinalmot niya at pagtingin ko roon ay marami sa mga kasama naming bata abng nagulat at umiyak. Ako rin ay nagulat nang makita na may dugong tumutulo sa aking pisngi. Gusto ko ring maiyak pero halos lahat na ng mga kasama kong bata ay nag-iiyakan. Hindi na ako nakidagdag. Tiniis ko yung sakit at yung pagkagulat.

"Ara!' tinawag ako ni Uno, nag-aalalang lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso, "Ayos ka lang ba? Nagdudugo yung mukha mo." sabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What We Could've Been Where stories live. Discover now