ALICE

526 11 0
                                    

JERICO'S POINT OF VIEW

"Hindi kaagad nagplano ng kasal ang mga magulang namin kahit dalawa na kaming anak nila. Hindi kasi naniniwala sa kasal si Mommy kaya nahirapan si Daddy na kumbinsihin ito. Dalawang araw bago ang kasal, nagkaroon ng bridal shower sina Mommy dito. Dito sa Camp Chromatica." nag-paused ako at isa-isang tumingin sa aking mga kaibigan huli sa nobyo ko at kapatid. "Sa bridal shower na iyon, nagkaroon ng isang malagim na kaganapan. Pinatay sina Mommy at ang mga kaibigan niya. Napaka-brutal ng mga pangyayari at kahit sinong makakita dito ay hindi ito kakayaning sikmurain. Walo ang mga naging biktima at pawang mga babae ang mga ito. Iyong mga escort na kinuha nila para maging pang-aliw, lahat ng mga iyon ay buhay at wala ni isang galos sa katawan."

"Ang ibig mong sabihin, puro babae lang ang mga pinatay habang iyong mga hosto e buhay na buhay?" tanong ni James sa akin.

"Ganoon na nga. Naging suspect kaagad iyong tatlong lalaking puta, pero kaagad din silang na-clear dahil walang sapat na ebidensya laban sa kanila. Mula nang nangyari iyon, marami ng mga kababalaghan sa lugar na ito ang nangyari. Tulad ng may mga babae na bigla na lang mawawala at pagkatapos e makikita nilang na patay na." paliwanag ko.

"Kung ganoon, hindi tayo nasa panganib?" tanong ni Kei.

"Iyon ang inisip ko dahil kahit may bading sa iilan sa atin, e maituturing pa rin naman tayong mga lalaki. Iyon din ang dahilan kung bakit nanatili pa rin dito si Mang Taron." sagot ko.

"Kung ganoon, bakit nangyayari ang mga nangyayari sa atin ngayon?" tanong ni Van.

"Hindi ko alam. Sa tingin ko e may nagti-trip lang sa atin." sagot ko.

"Wala ba ni isa sa inyo ang nakapansin?" biglang tanong ni Patrick.

"Anong sinasabi mo?" tanong ni James sa nobyo ko.

"Nandidito ang motor ni Raymond. Naka-park pa rin ito sa puno malapit sa bahay. Tinignan ko ito at wala na rin itong gaas." ang sabi ni Patrick.

"Ang ibig sabihin e nandidito pa si Raymond?" tanong ni Kei.

"Shit! Totoo ata ang sinasabi ni Mang Taron na patay na si Raymond." natatakot na sabi ni Van.

"Hindi, sa tingin ko e si Raymond ang nananakot sa ating lahat." si Patrick.

"Bakit naman ito gagawin ni Raymond?" tanong ni Kei.

"Para namang hindi ninyo kilala si Raymond. Isa siya sa pinakamaloko na tao na kilala natin." ang sagot ni Patrick.

"Hindi e, nararamdaman ko talaga na may iba. Basta hindi si Raymond ito." ang savi ni James.

"Dude, tinatakot mo na lang kami at ang sarili mo. Tumigil ka na dahil walang killer dito o sumpa." ang sabi ko.

"Sinasabi mo lang iyan dahil ayaw mong aminin sa sarili mo na may mali talaga." sabi ni James sa akin.

"James, tama na nga ang paninisi mo sa nobyo ko. Kusa ka namang sumama dito ah. Ngayon napakareklamo mo dahil hindi nasusunod ang gusto mo." pagtatanggol sa akin ni Patrick.

"Kusa nga akong sumama, pero hindi ko naman inaakala na may killer pala dito." sagot ni James.

"Huwag mo na lang patulan. Hahaba pa ang usapan." sabi ko kay Patrick.

"Nakakaasar na kasi e. Ang arte-arte. Parang pinilit natin siya na sumama sa atin dito. Kung tutuusin nga hindi naman natin siya ganoon ka-close. Inaya lang natin siya dahil nakakahiya, baka isipin niya bastos tayo." sabi pa ng nobyo ko.

Natahimik si James at napayuko na lang ng ulo. Alam ko na napahiya siya at kahit na naiinis ako sa kaniya, hindi ko rin nagustuhan ang mga sinabi ni Patrick.

CHROMATICA IWhere stories live. Discover now