CHAPTER 7: PREMYO SA TALUNAN

100 67 7
                                    


JINNY'S POV,

"Saan po kayo pupunta?" Tanong ko habang sinusundan sila ni Rio palabas ng bahay.

Hinarap niya ako. "Sakin muna si Rio ngayon, and don't worry uuwi rin kami mamaya.:

"Ganun po ba, pwede po ba ako sumama, baka kasi-"

"Wag na ija, ako na muna bahala kay Rio. Kaya ikaw magstay ka rito with Aldred magenjoy kayong dalawa ah, bybyee~" at tuluyan na nga lumabas ng bahay.

Sa tono ng pananalita niya may ibang meaning yung enjoy niya. Nagkibit balikat na lang ako at isinara na yung pinto. Pagkaharap ko halos lumabas yung puso ko sa gulat.

"Bakit ba nangugulat ka!" Inis ko sa kanya at pinalo siya sa braso.

"Hindi kita ginugulat kasalanan ko bang magugulatin ka? At saka bakit namamalo ka amo mo ko ah!" 

Sinamaan ko siya ng tingin sabay irap. "Tse!" Nilampasan ko lang siya para pumunta sa kusina.

Pagkapasok ko dito sa kusina bumungad sakin ang napaka raming pagkain sa lamesa. Dumaan sa likod ko si Aldred at naupo sa pwesto niya.

Tumingin siya sa akin. "Ano pa tinatayo tayo mo diyan? Kumain na tayo, nagugutom na ako."

Inirapan ko na lang siya at naupo sa katapat niyang upuan. "Tst! Meron ka ba ngayon? Ang taray-taray mo ngayon."

"Tsss!"


Ang weird ng lalaking to simula kahapon pa talaga ganto ba talaga tong lalaki na to kapag nagleleave sa trabaho? Sinasapian ng ibang katauhan nakakapanibago naman na yung Aldred na ubod ng sungit ay tumatawa ngayon sa harapan ko.

"Ready ka na ba sa parusa mo?"

Napalunok ako ng laway. "Parusa?" Ano naman kaya yun? Lulunurin niya kaya ako sa pool? O hindi kaya ikukulong sa bodega?

"Oo, nakalimutan mo na bang natalo ka? So kailangan mo sundin ipagagawa ko sayo hindi lang bilang amo mo, kundi bilang premyo sa pagkatalo mo."

Psh! Akala naman niya bigdeal sa akin yung pagkatalo ko sa basketball kahapon.

"Okay fine-"

Tumayo siya. "Wait," nilapag niya muna yung phone sa tabi nung plato niya saka umalis sa kinauupuan niya. Napansin ko yung phone niya umilaw dahil sa notification. Nawala ako sa focus ng makita ko yung lockscreen niya.

"Eto tikman mo pa itong niluto ko kanina." Ani niya at nilapag sa harapan ko yung plato na may laman na japchae

Umayos ako ng upo. "Niluto mo yan?"

"Kasasabi ko lang diba, bakit ano ba problema at ganyan itsura mo?" Takang tanong niya at kinuha yung phone.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Wala."

Habang kumakain ako para akong nasa cloud nine dahil sa sarap nung mga pagkaing nakahain sa harap ko. Nawala ako sa pagiimagine ko ng tumunog yung phone ko kaya parehas kami napatingin ni Aldred.

Kinuha ko yung phone. "Sagutin ko lang." Ani ko saka lumabas ng kusina. Dumeretso ako sa labas.




Hindi pa man nakakalapit yung phone sa tenga ko rinig ko na yumg tili ni Eunice. "OMG!!!!!! BWISET KA TWINNY!"

Lumingon ako sa paligid ko bago magsalita baka kasi may taong makarinig. "Pwede ba kumalma ka! Ano ba problema?" Panic ko.

"Asus! Patay malisya ka pa teh! Kinikilig ako!!! KYAHHH!!"

When She Caught My Attention Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon