Ring~ Ring~
"Hey, what's up?"
"Anong magandang pangregalo sa lalaki?" dire-diresto kong tanong.
"What? Why? Para kanino?"
"Nicolas. Birthday niya na next week"
"Oh. Umm... siguro pabango? Or a watch? handkerchief? I don't know. Why don't you ask Kuya Kyle or Ate Sef? They're Dilan's friends"
Napasapo ako sa noo ko. "Why didn't I think of that?" bulong ko. "Okay, thanks Kay"
"No problem"
Right after the call ended I called Kuya Kyle, kapatid ni Kaylie at boyfriend ni Ate."Hi Kuya!" bati ko nang sumagot siya.
"Hello? Lar? What's up? Kamusta ka na?"
"Okay lang naman po. Umm, kuya, diba best friend niyo po si Nicolas?"
"You mean Dilan? Yes, why?"
"Umm... birthday na po kasi niya next week so gusto ko lang pong itanong kung anong magandang iregalo sa kanya?" I asked.
"Ah, Di ko rin alam eh. I also don't know what to buy him. But, he always talks to Sef about acads so I think you should ask her."
"Okay po. Bye" I said then ended the call. Hinagis ko ang phone ko sa couch at inis na napahiga. Kanina pa ako tumatawag sa mga kakilala ni Nicolas pero wala sa kanila ang nakapagbigay ng matinong sagot. Hindi na nga matino yung sagot pinagpasa-pasahan pa ako.
I sighed and stood up. Naglakad ako papunta sa kwarto ni ate. Hindi na ako nag-abalang kumatok at bigla nalang binuksan ang kwarto. Nakita ko siyang nagbabasa ng libro habang nakiga sa kama at nagsa-sound trip. Hindi pa nga niya napansin ang biglaan kong pagpasok. I went near her and pulled one of the earphones. "Huy ate. Sagotin mo ng matino ang tanong ko ah. Anong magandang ibigay kay Nicolas sa birthday niya?"
Sinara niya ang librong hawak niya at inis akong tinignan. "Ano?"
"Bingi ka te? Sabi ko anong magandang ibigay kay Nicolas sa birthday niya?" pagulit ko.
"Aba malay ko sayo. Bat mo ba ako tinatanong? Ako ba si Nicolas? Lumabas ka na nga. Inaabala mo pa ako" inis niyang sabi at hinagis sa akin ang isa sa mga unan niya. "Layas. Go away. Shoo"
Napairap ako at umalis. "Ah, screw it." sabi ko nalang at kinuha ang wallet ko sa kwarto. I looked at myself in the mirror. I was wearing a black oversige tshirt and denim shorts. Maayos naman ang buhok ko. I just shrugged and walked out of my room. Habang pababa ako ng hagdan, nakasalubong ko si Sera na pababa rin ng hagdan. Sabay kaming bumaba at pumunta sa garage. Napataas ang kilay ko at lumingon sa kanya. We were both about to enter our cars. "Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Mall. Ikaw ate?"
"Mall din. Sabay na tayo?" I offered.
Nagisip siya. "Okay basta ikaw magda-drive" sabi niya at sinara ang pinto ng sasakyan niya at pumasok sa sasakyan ko.
I just shrugged. Hindi na ako umangal dahil pwede niya akong tulungan pumili ng regalo.
"Ano bang bibilhin mo?" tanong niya habang nasa biyahe kami.
I shrugged. "Di ko rin alam"
Napalingon siya sa akin na para bang naguguluhan. "Ha? Hindi mo alam yung bibilhin mo? Lilibot ka?"
Umiling ako. "Maghahanap akong regalo"
"Huh? Para kanino? Lalaki?"
"Para kay Nicolas. Birthday niya next week"
"Ohhhh"
After that nanahimik siya. Bigla kong naisip na magpatulong sa kanya. But then a part of me didn't want to. But screw it. "Hey, can you help me choose a gift?"
Napalingon sa akin at ngumisi. "What did you say? Paki ulit di ko narinig"
Napairap ako. Alam kong sinasadya niya yan pero ako yung nagpapatulong kaya di ko siya pwedeng awayin. "I said, can you help me choose a gift?"
"Why should I? Ano muna yung magic word?" tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko.
Mukhang nageenjoy siya ah.
I sighed. "Please"
"Okay! Ano bang gusto niya? Is he athletic? Or does he like academic books? Or what?"
I shrugged. "Dunno"
"Wala kang alam sa kanya?"
Napatahimik ako sa sinabi niya. Tama siya. I dom't know anything about Nicolas. Medyo naguilty ako kasi parang alam niya ang lahat ng tungkol sa akin pero ako, ni kung ano ang hilig niya hindi ko alam.
"Ah whatever. Pili nalang tayo dun. Don't worry I'll help you." she said with a smile on her face. Napatingin siya sa labas. "Ah, nandito na pala tayo"
Nagpark ako at bumaba na kami ng sasakyan. We spent the whole day in the mall. Syempre kumain din kami at namasyal. Nagshopping din si Sera at bumili rin ako ng mga libro kaya natagalan kami. We arrived at the mall at 10:00 and we went home at 7:00.
----
Its already 10:30pm and I'm already ready to sleep. Nakapajama na ako at lahat. Humiga na ako sa kama at matutulog na sana ng mapatingin ako sa paper bag na nasa couch. I decided to buy him 3 handkerchiefs and a pair of rubber shoes.
I stared at it for a while. "Sana magustuhan niya" I whispered and closed my eyes.
-----
NICOLAS'S BIRTHDAY"Is this the right address?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harap ko. "Bahala na nga" Pinindot ko ang doorbell at hiniling na nasa tamang lugar ako dahil nakakahiya kung nasa maling address ako.
After a while, bumukas din ang gate at bumubgad sa akin ang isang babae na hula ko ay kasambahay nila. "Sino po sila?" tanong niya sa akin.
"Ah, kaibigan po ako ni Nicolas. Larena---"
"Ahhh, kayo po yung nililigawan ni sir? Pasok na po kayo. Kanina pa po niya kayo hinihintay" pagputol niya sa sinasabi ko at pinapasok na ako. Sinundan ko lang siya papasok hanggang sa nasa backyard na kami. Konti lang ang bisita sa labas kaya naisip ko na nasa loob siguro ang iba. "Nandun po si sir" sabi niya sabay turo kay Nicolas na may kausap na babae. "Sige po alis na ako may gagawin pa po kasi ako"
Tumango ako at umalis na siya.
Naiwan ako dun na nakatayo magisa. Ewan ko ba pero hindi ko magawang lumapit. Nagtataka kong tinignan ang babae. Maganda siya at mukhang mestiza. Ilang minuto ko lang silang pinanood na magusap. They look comfortable with each other. Tumatawa sila na para bang nagbibiruan at hinahampas hampas pa ng babae si Nicolas. Ni hindi man lang nila napansin na nandito ako at pinapanood sila.
BINABASA MO ANG
Love Mess (Willford 2)
RomanceLarena Safire Willford has 4 close friends, magulo ang lovelife nilang apat and she's very tired of dealing with her friend's love mess. She didn't expect that she herself will have a love mess. What will happen when 3 guys enter her life? Who will...