Chapter 3

2 1 0
                                    

Susana POV

    PAGDATING namin, naunang pumasok sa bahay si Sir Larson.

   Diyos ko! naman po, dalawang maleta ang mga gamit niya tapos isa naman sa'kin, ambigat nito. Di man lang ako tinulongan ng walang hiyang yun, pasalamat siya amo ko siya Kung hindi nakoo!

   No choice to, babalikan ko nalang 'tong sa'kin.

   "Haysss ambigat talaga, di man lang tinubuan ng pagka gentle dog yung bugnutin na yon!" inis ko pang saad habang hila-hila yung dalawang maleta ni Sir.

    "Anong sabi mo, gentle dog?! At sinong bugnutin?" ayyy sheyttt ba't andito to?

   "Ahh..ehh..ano p-po hehe" napa utal² pako. Litseeee lang

   "Ahh wala po sir, may nakita po kasi akong aso kanina. Oo aso nga." Sabi ko pa sabay tango. Maniwala ka please kahit di kapani paniwala. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa maletang hawak ko para iwas gulo ng...

   "Arayy ko namang bugnutin ka! Namimitik ka ng noo . Eh, kung ikaw kaya pitikin ko?" Sabi ko pa sa kanya sabay pitik din sa noo niya. Swerte namn niya kung siya lang ang pipitik!

     "Huyyyy babae! Bumalik ka dito! Yung maleta ipasok mo na!" Sigaw pa ni sir. Tumakbo kasi ako pagkatapos ko syang pitikin. Mahirap na haha. Buti na yung advance. Mindset ba, mindset!

   "Kaya mo na yan sir, babalikan ko nalang yang akin. Magluluto pa po ako ng hapunan hehe. Pasok well ng maleta sir mwah. Alam kong kaya mo na yan HAHAHA" tinawanan ko lang siya. Bahala siya dyan. Si ma'am Suzette naman magpapasahod sakin, di naman siya.

Larson Ace POV

    I really can't believe that woman. Pagkatapos akong pitikin pabalik, tumakbo agad? Bumalik talaga ako kanina para kunin yung maleta ko kaso naabutan ko siyang binabacksnab ako.

  Sakit talaga sa ulo tong babaeng to. Di pa siguro aabot ng isang buwan, magkaka high blood na'ko dahil sa kanya. Fuck!

   Di naman mabigat ang dalawang maleta ko, sakto lang kaso sa liit ba naman ng babaeng yun..mabibigatan talaga yun. Haysttt ba't ba kasi pinasama pa ni mommy yung batang yun. Parang wala naman atang alam yun sa gawaing bahay. Mambwesit sa buhay pwede pa.

   Pagkapasok ko sa room ko, di muna ako lumabas. Papahinga muna ako. Kapagod bumyahe. Sana lang masarap magluto yung batang yun kundi palalayasin ko talaga sya.

Susana POV

   Ano kaya lulutuin ko? Ayshhh di pa naman ako magaling magluto. Sabi naman kasi ni ma'am Cheska na may tagaluto namn daw sila ma'am Suzette kaya wag daw ako mag-alala pero Diyos ko po Lord anong kinalagyan ko ngayon? Mapapaiyak ka nalang sa saya huhuhu. Maaaa tulong pooo huhu!

    Inopen ko nalang yung fridge baka may stock si sir. DIYOS KO po puro can goods and sausages lang naman ito. No choice, ito nalang pagdidiskitahan ko. Sana lang talaga tama ang pagkaluto ko nito.

   Goshhh first time ko magluto for God's sake. Dati kasi pa bili² lang ako o kaya kina auntie ako kakain nung di pa ako pumasok kina ma'am Cheska. Tapos di naman ako ang tagaluto dati.

   "Ma, kung naririnig mo'ko ngayon...gabayan nyo po ako para maluto to ng tama huhu" 'wag lang sumagot si mama baka di na talaga ako makapagluto HAHA.

My Craziest Thing Where stories live. Discover now