15

4.5K 137 30
                                    

.....




"Are you ready, Bella?" Tanong sa akin ni Mom habang naglalagay ako ng light pink lipstick.



"I am ready. I just don't know if the board members is ready as well." Sabi ko naman habang tinitignan ang sarili kong replesksyon sa salamin.



Today is the day that I will going to meet all of the board members. I'm quite nervous and at the same time excited. Excited sa magiging reaksyon nilang lahat once they see me. I also heard na Xander will be there, so, no need for him to be surprised. I just wonder kung nasaan si Alex yung huling pagkikita kasi namin ay sa Alaska pa at hindi na siya nagparamdam.




"Miss Bella, handa na po ang sasakyan." Singit ni Mr. Jackson at agad ko naman itong tinanguan.




Hindi ko alam kung anong sasalubong sa akin sa kompanya ni Lolo, pero isa lang ang alam ko, yun ay handa na akong harapin ang mga taong kumakalaban sa kompanya namin. Hindi sila maaaring makalusot.



Pagkarating namin samu't saring tingin ang kumikilatis sa akin habang kami ay naglalakad. Nauuna si Mommy sa paglalakad at magalang siyang binabati ng mga empleyado.



Nasa likod lamang ako ni Mom ganon din si Mr. Jackson. Direcho lang ang aking tingin. Dinig ko rin ang bulungan ng mga naroon na tila ba'y nahihiwagaan kung sino ako.



Agarang sumalubong sa amin ang sekretarya ni Mommy na aking magiging secretary rin mula sa mga oras na ito.



"Ma'am, nasa loob na po ang lahat." Tinanguan lamang siya ni Mommy.

Nakatayo lamang ako sa harapan ng double doors ng silid kung saan gaganapin pagpupulong.



Unti-unti itong binuksan ni Mr. Jackson. Hinawakan naman ni Mommy ang aking likod kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako at tumango.



"Go" Tila isang magic word ang sinabi ni Mommy kaya naglakad kaagad ako papasok at pumunta sa kung saan ako nararapat maupo.



Kitang kita ko ang pagtataka ng mga taong nandoon at tila ba naguguluhan sa pagdating ko. Si Xander naman ay may mumunting ngiti na sumisilay sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin.



Naupo na si Mommy sa kanyang upuan habang si Mr. Jackson naman ay nanatiling nakatayo sa aking tabi na tila'y naghihintay ng aking iuutos sa kanya.

A Search to my GF (Black Butterfly fan fiction) *HIATUS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon