PROLOGUE

3 0 0
                                    

                             R A E

"Dito pala ang Iñigos." bungad ko kaagad pagka baba namin sa sasakyan

Nandito kasi kami ngayon sa Sports Center para mag practice ng Volleyball para sa darating na Intramurals.

Inililibot ko lamang ang mata ko sa paligid ng Iñigos dahil hindi ko din mapigilan na humanga sa ganda at lawak neto.

"Ngayon kalang pala talaga nakapunta dito?" nagtataka na sagot ni Arky, ang isa sa mga kaibigan ko na bakla.

"Yup, alam mo naman na hindi ako masyadong lumalabas ng bahay lalo na at ang dami natin gawa ngayon sa School." tinatamad kong paliwanag sakanya

Tumawa lang si Arky at lumapit sa nakita nyang teammates nya na si Charlie.

"Rae asan daw sila?" Napatingin agad ako sa biglang nagsalita sa may likuran ko, si Ylona pala.

Si Ylona ay kagaya kong nursing student din at kasama ko naman din sya sa team.

"Hindi ko alam eh, first time ko palang na makikita yung iba sa mga teammates natin." Napapailing na sabi ko sakanya pagkatapos kong bumeso sakanya

"Tara nga sa loob baka andon na sila." Aya nya saakin, napatingin naman ako kanila Arky at Charlie na busy padin mag chikahan sa loob ng badminton court.

May kausap sila doon, yung WSO President na nag aasikaso ng mga player para sa representative ng aming department.

"Arky, Charlie!" agaw pansin na sigaw ni Ylona don sa dalwa

Napatingin naman agad sila at agad naman na sumenyas si Ylona na uuna na muna kami sa loob para mailagay na din namin yung mga gamit namin.

Malayo palang kami ni Ylona sa loob ng gym ay rinig na namin ang tunog ng mga bola, may nag babasketball pa pala.

Pagkapasok palang namin sa loob ay napatingin na kaagad saamin yung mga tao don na paniguradong ka department lang din namin.

Naglakad lang kami ni Ylona papunta doon sa dulong bleachers dahil nakita namin si Gel na boyfriend ni Ylona na doon nakaupo.

"Ano oras tapos nyo?" bungad agad ni Ylona sa boyfriend nya

"Hindi ko lang alam. Hindi pa sila tapos sa pa tryout eh." sagot ni Gel habang focus na focus sya sa panonood.

Inilapag ko lang yung mga gamit ko sa bleachers at inayos, umupo na din ako sa kalapit ni Ylona.

Pinagmasdan ko yung mga players na paspasan sa paglalaro ngayon ng basketball at meron agad isang nakaagaw sa atensyon ko.

Sa kanilang lahat, siya lang yung agad kong napansin dahil bukod sa kanyang suot na jersey na nakalagay ay ibang school, ibang klase din talaga yung facial features nya.

To the point na lahat sila ay pawisan na sa sobrang paglalaro pero siya lang yung tanging natitira na kahit saang anggulo, malinis at malakas padin ang dating.

Smells so mahirap abutin.

My Superficial LoveWhere stories live. Discover now