R A E
"GIRL ANO NA?" nagulat ako sa biglang sigaw sakin ni Arky"Matutunaw na yan." natatawa nyang dagdag, hindi ko kasi namalayan kanina pa pala ako nakatingin doon sa lalaki
"Siraulo."
"Papa picture ka ba?" Tatawa tawang pang aasar nya
"No way. Ikaw napaka dami mong alam bakla ka." naiwas kong sabi sakanya.
Tumingin sya doon sa lalaki tapos binalik nya ulit yung tingin nya sakin
"Anteh pogi nga. Keri luhuran" malanding sabi nya
"Siraulo ka talaga, bastos." Naiinis na sabi ko sakanya
Tumawa lang sya tapos tinawag na si Charlie at itinuro nya yung lalaki
"Sis knowing mo sya?" tanong nya kay Charlie, hinanap naman ni Charlie yung lalaki at tinry nyang mukaan eto.
"Familiar sya sis pero hindi ko alam name." sabi nya tapos tumingin sakin "Bet mo?" naka taas kilay nyang tanong
"Pogi lang." balewalang sabi ko
"Tawagin ko ba?" nangiting sabi ni Charlie.
"Subukan mo lang, pagbubuhulin ko kayo ni Arky." sabi ko tapos tinalikuran ko na sila at sumunod na ako kung saan pumunta kanina si Ylona narinig ko pang nag apir yung dalawa at tumawa.
Tumingin muna ako doon sa lalaking busy sa paglalaro ng basketball bago pumasok sa isa pang pinto para sa court ng iba pang laro.
Pagdating ko doon ay may kalaro si Ylona na dalawang babae, sila ata yung dalawa pa namin na ka team.
Iniikot ko lang yung paningin ko sa buong lugar netong court na pinaglalaruan nila Ylona. May mga babae pa na nandito pero mukang nag wawarm up lang sila.
"Hello." Bati ko doon sa dumaan sa may harapan ko, "Sa Volleyball ka din?" tanong ko sakanya
"Hindi eh, basketball girls kami." Turo nya sa kasama nya
"Oh I see. Rae nga pala, nice to meet you." nakangiti kong pagpapakilala sakanila
Ngumiti naman sya pabalik at inabot nya ang kamay nya sakin "Rhian nga pala tapos sya si Gaye. Nice to meet you too."
Nakipag kamay lang ako sakanila at nag patuloy na ulit sila sa kanilang pag wawarm up.
"Rae, wanna join us?" Tawag pansin saakin ni Ylona
"Sure."
"Si Vie at Cass nga pala. Ka team natin." Pagpapakilala ni Ylona sa dalawa
Nakipag kilala lang ako sakanila tapos nag proceed na din agad sa pakikipag laro sakanila. 1st year palang pala sila kaya senior nila kami.
Napataas ang pagkaka palo bi Cass sa bola kaya bigla itong tumalbog papunta sa kabilang pinto kung nasaan yung mga nagbabasketball.
Agad ko itong kinuha at inilibot ko saglit ang paningin ko sa mga naglalaro doon at napansin na nawawala na yung lalaki kanina.
"Ano tamang hanap lang?" napatingin ako sa biglang nagsalita sa gilid ko, si Arky nanaman pala
"Umalis muna saglit sis. Ano, bet mo ba?" Natatawang singit ni Charlie
Umirap lang ako sakanila at tumalikod na para ibato pabalik kanila Ylona yung bola
"Tantanan nyo nga akong dalwa dyan."
"Alam mo kasi gwapo naman talaga, kaya feeling ko kahit naman magpa picture ka sakanya ngayon hindi na yun bago sakanya eh." nang aasar na sabi ni Arky
"And asan na yung Rae na magaling umawra sa mga boys" patuloy nya sa pang aasar saakin