DISCLAIMER
This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents are all fictitious and a product of the author's playful imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.
No part of this book shall be reproduced or transmitted in any form, or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without a written permission from the author.
Plagiarism is a crime!
__________________________________________________
If you're thinking this is yet again, another cliche story to read. Think again.
I'm not a fan of any sugar coated words, overly disgusting display of affection, or romantic movies. Yuck! This generation romanticized romance so much it all felt like fairytale.
Ben and Ben's, araw-araw is not true. Hindi lahat na oras, minuto, segundo o araw ay siya ang pipiliin mo. May mga pagkakataon na kailangan mong unahin ang trabaho, ang mga ibang bagay, lalo na ang sarili mo.
There is no perfect person. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang tinatagong sikreto. Huwag magpapadala sa taglay nitong pisikal na anyo.
Huwag kang tutulad sa akin. I fell in love with someone I thought was normal. It was too late when I found out na isa pala siyang aswang.
"Crush kita, Kira." Iyon ang sinabi niya sa akin dati. Mahirap paniwalaan dahil crush niya naman ang kahit sinong maging malapit sa kanya.
Lahat ng banat niya at panghaharot ay binabara ko palagi. I honestly don't see myself liking her.
Pero may lahing aswang ata talaga siya dahil sigurado akong ginayuma niya ako.
"Umamin ka nga, may gusto ka sa kanya noh?" Tanong sa akin ng kaibigan ko. Inikutan ko lamang siya ng mata bago uminom ng yakult na binigay niya.
"Hindi." Maikiling sagot ko at inabot naman ang dala niyang chichirya.
"Weh?"
"Hindi ka nagkakamali." Sagot ko at ngumisi.
"Gago! Sinasabi ko na nga ba! Yung tingin mo at pagtatanggol mo sa kanya iba na eh!"
"What? Anong iba? Tao pa rin naman tingin ko sa kanya."
"Duh! You don't treat your friends like that. Heck! You don't even treat me like that, I mean, yeah, you're protective because I am your best friend but when it comes to her? Ibang iba talaga bespren. Alam mo yun? Kumikinang pa mga mata mo pag nakikita mo siya at heto ah! Natutunaw pagka ice candy mo pag andyan siya."
"Ang corny mo." Maikling sagot ko rito.
"Sana all. When ko kaya mahahanap ang akin?" Sakto naman na papalapit ang taong nagkakagusto dito.
"Tingin ka din minsan sa harap, baka yan na hinahanap mo." Sakto namang tumigil sa harapan namin ang babaeng nagkakagusto dito.
"Hi Engineer! Ano, crush kita, okay lang ba?" Pareho kaming nagulat ng kaibigan ko sa sinabi nito. Alam namin na may gusto ito dito pero kahit kailan ay hindi ito lumapit sa katabi ko at tanging nakatanaw lang sa malayo.
"Okay lang." Sagot ng kaibigan ko at ngumiti. Yuck! Corny talaga. Napailing nalang ako at napadako ang tingin kay Eira, ang babaeng sinasabi ng mga kaibigan ko na nagpatunaw ng yelo kong puso.
Simple lamang na t-shirt at pants ang suot nito, nakalugay ang mahaba nitong buhok at nakapaskil sa kanyang magandang mukha ang mga ngiting nagbigay init sa puso ko.
Corny pala ha.
"Hi! Tara na?" Ngumiti ako dito at nilahad ang kamay ko sa kanya para hawakan niya.
"Besp-ang galing, sumama agad sa babae niya." Natatawa kong saad nang makita ang kaibigan kong palabas na ng canteen kasama ang umamin sa kanya kanina lang. "Coffee date tayo?" Malambing kong tanong dito.
We have been together for three months now, sa kulit ba naman nito at sobrang lambing, sino ang hindi mahuhulog? Natural ang pagka sweet nito na laging namimisinterpret ng iba na panghaharot. Sa sobrang bait nito, lagi siyang inaabuso ng ibang tao.
"Hindi naman tayo nagkakape, pareho tayong bawal dun." Nagsimula kaming maglakad papalabas ng canteen.
"Naaalala mo ba nung araw-araw kita kinukulit dahil gusto kong patunayan sayo na may gusto talaga ako sayo?" Tanong nito na tinanguan ko bilang sagot. Iyon din ang panahon na may sabi-sabi na may karelasyon ito. Madaming nagkakagusto kay Eira, kaya sa lahat ng nagkakagsuto dito, ang hirap paniwalaan na sakin sya magkakagusto.
"Iba ang crush sa gusto. Paghanga lamang ang crush, at ang gusto ay mas malalim kesa doon."
"Yes, I know. Crush kita noon dahil tingin ko ang astig mo. May something sa iyo na kahit tahimik ka lang, makukuha mo ang atensyon ng kung sino man." We stopped sa gitna ng kumpulan ng mga tao. Nakatingin lamang siya sa akin at nakangiti.
Ngiting may halong lungkot.
Bakit?
"Hanggang sa mas nagustuhan pa kita dahil sobrang caring mo. Behind your cold personality, may tinatago ka palang lambing at cuteness."
Mas nagustuhan ngunit di pa rin mahal.
"Kira, gusto ko. Sobrang gusto kita pero..." Isang butil ng luha ang tumakas sa kanyang mga mata.
"Di mo pa rin makuhang mahalin ako." Pagpapatuloy ko.
Malapit na kaming mag three months pero hindi bilang magjowa, kundi bilang dalwang taong may gusto sa isa't isa.
"Pero ayokong mawala ka sa akin. Bahagi ka na ng buhay ko at di ko kayang mawala ka sa akin."
Pero hindi sapat ang mga salita.
"Kung gusto mo pa rin siya, hindi kita pinipigilan na bumalik sa kanya. Don't take this the wrong way, ang gusto ko lamang ay maging masaya ka. Iyon ang mahalaga sa akin. Hindi kita pipilitin kung talagang hindi mo ko kayang mahalin. But please don't ask me to stay dahil lang nasanay ka, because it's selfish. Let me move on from you, then maybe, after that, we can still be friends." Patuloy ang iyak nito, ngunit tila nakadikit ang dalwa kong braso sa tagiliran ko at hindi ko magawang mai-angat ang mga ito para yakapin siya o di kaya ay punasan ang mga luha na patuloy na lumalandas sa pisngi niya.
"Sana hindi nalang kita ginulo, para sana di na din kita nasasaktan ng ganito."
Sana nga. Pero di ako nagsisisi.
"I don't regret anything. I chose this and I am happy, kahit sandali lang, kahit ako lang ang talagang nagmamahal sating dalwa." Saad ko at kahit kumikirot ang dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ngayon, nagawa ko pa ring ngumiti sa kanya.
Ngiting may halong lungkot.
"I love you-"
"But not in the same way, I love you, Eira." Lalong lumakas ang iyak nito.
"I don't regret anything..." Inabot ko ang isang kamay nito at hinalikan. "And I will always choose you in another life, in another universe, up until forever."
Bughaw na kalangitan ang unang bumungad sa akin nang buksan ko ang aking mga mata. Nakatulog nananaman pala ako mula sa pagbisita sa puntod niya.
"I will always choose you in another life, in another universe, up until forever, Eira."
_________________________________________________
Season Oneshot Series #1: Winter Kira Light
BINABASA MO ANG
In Winter's Arms
Romance"And I will always choose you in another life, in another universe, up until forever."