Prologue

11 1 0
                                    

Tagaktak ang pawis sa aking katawan, habang naka-upo sa isang tabing kalye.

Kanina pa ako libot nang libot sa buong siyudad para maghanap ng panibagong trabaho.

Gusto ko kasi, iyong malapit lang sa apartment at sa paaralan ni Sela. Bukod sa magastos na nga ang paaralan ng kapatid ko, sa mga kinakain namin at gastusin pang araw-araw, bayad sa renta ng apartment na tinitirahan namin, magastos din sa pamasahe.

Kaya gusto kong maghanap ng panibagong trabaho ay para makapag-ipon naman ako upang makapag college naman ako kahit papaano.

Malaki naman ang sahod sa restaurant na pinagtatrabahuan ko pero, hindi pa rin kasiya sa pang araw-araw naming gastusin. Kaya mas mabuti nalang muna na maghanap ng mas maganda, malinis, at malaking sahod na trabaho.

Dumaan muna ako sa pinaka-murang grocery store para bumili ng iilang pagkain para sa mga susunod na araw na pang kain-kain namin ni Sela. Nang matapos ay agad din naman akong sumakay ng jeep pauwi.

May pagkalayuan talaga ang pinagtatrabahuan ko sa kung saan ako nakatira. Kaya matagal-tagal din ang byahe.

Nagising lang ako nang nasa tapat ng luoban na pala ako.

"Ate!" Sela run towards me, with a full smile.

Feeling ko, sobrang blessed ko kasi meron akong Sela. Kasi, kahit na wala na sila mama at papa, naririyan pa rin siya para maging kasama ko.

"Kumusta ang school?"

"With high honor po ako!" Masaya siya sa una. Pero kalaunan ay lumungkot ang kaniyang mukha.

"Oh? Bakit parang hindi ka na masaya sa balita mo? May problema ba, Sela?" Lumuhod ako sa kaniyang harapan para magkapantay kami.

"Sorry, ate... Kunti nalang sana, with highest na po sana ako..."

I looked at her with disbelief. "Sela... Kahit wala kang honor, ate will always still be proud of you, okay?"

Hindi ko gustong napipressure siya sa pag-aaral. Gusto ko ay habang bata pa siya, ini-enjoy na niya ang pag-aaral niya. Imagine that? Sela is only 7 years old, yet, mataas na ang grade. And even if she doesn't have a high grade, magiging proud pa rin ako sa kaniya.

"Talaga po?" Lumigaya ang kaniyang maliit na mukha.

Can't believe that she's already grade 1 now. Dati, ni-umiiyak pa 'to kapag inaagawan ng pacifier.

"Ano gusto mo? Syempre may premyo ka from ate!"

I gave her what she wants. At kapag magkaroon na ako ng madaming pera, I want to spoiled her, na para bang sarili ko siyang anak. That's one of my dream. My number one dream, perhaps.

Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising, as usual. Plinantsya ko ang uniporme ni Sela, habang hinihintay na maluto ang mga pagkain.

I already took a bath, before I went to Sela's room, and wake her up.

Ito ang lagi naming routine. Mauuna akong magigising, maghahanda ng lahat-lahat, at gigisingin si Sela.

"Opo, ate... Babangon na..." Bumangon nga siya nang nakapikit ang parehong mata. Ganito siya lagi, kaya hindi na ako magtataka.

After kong ihatid si Sela sa paaralan niya ay nagtungo na rin agad ako sa kung saan ako nagtatrabaho. Gaya rin dati, masiyado pa akong maaga dahil alas otso ang bukas nitong restaurant.

Kaya nakakapagtaka ngayon kung bakit bukas na ang restaurant, gayong alas syete pa lang.

"Alli, anong meroon? Bakit bukas na ang restaurant?" Nilapitan ko ang isa kong kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're Ice Hearted, IceWhere stories live. Discover now