Million Stars [One Shot]

5.9K 161 54
                                    

“Isang bouquet nga po nito.” Sabi ko sa babae. Tinuro ko naman yung bulaklak na paboritong paborito niya.

“Eto lang?” tanong  nung nagtitinda.

“Opo.” Kinuha ko ang wallet ko para magbayad. “Magkano po?”

“Nako, hindi ko naman talaga ito binebenta sa totoo lang. Libre lang kasi ito sa mga in-order kong bulaklak eh.” Kumuha siya ng kalahati nung nasa lalagyan. “Ibibigay ko na lang sa iyo. 'wag mo ng bayaran.” Sabi niya.

Napangiti naman ako dun. “Talaga po?” Masayang masaya ako dahil hindi ko na kailangang bilhin yung bulaklak. Pero bakit hindi na lang kaya niya ibenta?

“Sa iyo na lang itong kalahati. Marami pa namang dadating mamaya eh. Nabubulok lang kasi 'yang mga 'yan… Minsan kasi, ayaw ng mga buyer na lagyan ko ng ganyan yung mga bulaklak nila.” paliwanag niya bigla na parang nabasa ang nasa isip ko.

“Ganon po ba? Hmm, salamat po ah!” kinuha ko na yung binigay niya. Pinakiusapan ko na lang na ilagay nya sa plastic na parang bouquet talaga. Sabi ko kahit yun na lang ang babayaran ko pero hindi din niya pinabayaran. Sarado na kasi yung dati kong binibilhan ng bulaklak.

Lumabas ako sa flower shop na iyon ng nakangiti.

Pinagmasdan ko din yung dala-dala kong bulaklak. Sana naman magustuhan niya.

Binuksan ko ang pintuan ng kanyang kuwarto. At nakita ko agad ang kanyang ngiti, at sa pagkakataon na 'yon, naalala ko naman ang lahat…

 

***

“Matthew!” tawag niya sa pangalan ko. Nakakunot ang noo niya, nakapamewang at halatang inis na inis na siya. “Magpakita ka na kasi! Uupakan talaga kita!” mariin niyang sinabi.

Natawa na lang ako ng mahina. Ang cute niya lang kasi kapag nakasimangot. Lalo siyang gumaganda sa paningin ko.

“Matthew ano ba! Isusumbong na kita sa adviser natin! Ang ligalig mo! Sasabihin ko palagi kang wala sa practice at sasabihin kong ibagsak— Ahhh!”

“Hahahahaha!” tawa ako ng tawa, hindi ko mapigilan eh. Napaupo kasi siya sa sobrang gulat niya nung bigla akong sumulpot sa kanyang tabi. Sakto, dun pa sa may putik. Ayun, ang dumi dumi na niya tuloy.

“Nakakaasar ka! Tama ba daw na gulatin ako?!” mataas na yung boses niya at parang galit pero hindi… alam kong hindi siya magagalit sa akin kahit kailan, kasi hindi naman siya marunong magalit. “Ayan tuloy! Ang dumi dumi at ang baho baho ko na!” tumayo at pilit na pinupunasan yung parte ng katawan niya na nalagyan ng putik. Pero lalo lang naman itong kumalat sa may pantalon niya.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kanyang mukha. “Kahit na ano pa man ang hitsura mo..” tinitigan ko sya sa kanyang mata. “Mahal pa din kita, Vanessa.” At saka ko siya hinalikan sa labi.

~

Fourth year high school ako nung makilala ko si Vanessa. Nung panahon na iyon, wala akong pinapansin na kahit sino pwera sa mga kabarkada ko na parang hindi ko naman mga kaibigan. Ilap ako sa mga tao noon, at ganun din sila sa akin. Sa totoo lang, isa ako sa kinatatakutan sa school. Walang may balak na kumausap sa akin noon dahil daw nambubully ako at parag walang pakialam sa paligid.

Million Stars [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon