Chapter 9 (JA Moves)

16 0 0
                                        

Jazmin POV

Nalaman na lahat nang dapat malaman medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil alam kong wala na akong ilinilihim pa pero iniisip ko ang pag amin din ni Ja sa akin. He likes me too! Gusto kong tumili ng sobrang lakas pero hindi ko magawa. Napaka gandang umaga ang bumungad sa akin magandang ngiti sa lahat pati syempre ako maganda. Charouuught!

Calling..... JA

"Hello sunshine goodmorning!"

"Anong meron?"

"Wala nag gogoodmorning lang. Masama ba?"

"Oo kasi nakaka istorbo ka!!"

Pinatayan ko na agad sya ng phone. Hindi ko alam kung bakit ko sya tinarayan sadyang maarte lang talaga ako. Hindi rin kasi ako sanay na tumatawag sa akin para lang mag goodmorning. Harot diba? Grade 7 palang lumalovelife na. Tsssk tskkk ibang generation na nga kasi pero syempre mas okay kung alam ng magulang. Eksakto pag baba ko eh kakain na rin ng breakfast.

Viol: Goodmorning! Ganda ata ng ngiti mo ngayon Jaz ah!

Fiona: Inspire ba?

Nissi&Brianna: Ayieeee! Ikaw ha!

Jaz: Nope,maganda lang yung gising.

Yaya Jing: Bago kayo mag ayiee ayiee jan kumain na kayo habang mainit pa.

Ayoko talagang nag kekwento sa mga pinsan ko about sa love life ko mahilig kasi silang mang asar kung hindi mang aasar isusumbong ako kay Mommy. Pero okay lang naman daw kay Mommy yun kasi part daw ng pagiging Teen.

Gello: Ano yung nabalitaan ko about sa Lady wet? Ikaw daw yun?

Jaz: Yupp.

Gello: Aba palaban ka na pala ha! Astig mo fre! (Sabay apir nya sa akin)

Buti nalang at hindi madaldal tong si Gello baka kasi hindi nabalitaan nila Brianna yung about kay Lady wet dahil lagi lang naman silang nasa loob mg classroom. Mas okay na yun baka pagalitan lang nila ako eh iba pa naman kung manaway ang mga pinsan ko daig pa ang nanay ko. Kaya nga mahal na mahal ko sila eh hindi nila ako pinapabayaan kahit napaka kulit ko.

Calling..... Allyssa

"Hello Allyssa? Bakit?"

"Hey Jaz! Starbucks tayo later?"

"Owsure! What time?"

"Hmm... 2pm exactly!"

"Okay bye see you later"

*End call*

Nag ayos na ako agad para makapag ready syempre ayoko naman malate sa lakad namin ng Allyssa dahil namiss ko rin sya ang tagal din naming hindi nag kakasama dahil sa mga practices.

2pm at Starbucks-

Jaz: Heyy boo! I miss you! (Then beso sa kanya)

Allyssa: I miss you too! So okay ka na ba?

Jaz: Yupp okay na natapos na rin ang mga paghihirap.

Allyssa: Hmmm.. Mukhang may hindi ka pa nakekwento sa akin.

Jaz: Nakooooo! Meron nga. (Then sumipsip ng Cookie Choco Frappe)

Allyssa: Then ikwento mo na.

Jaz: Ano kasi.....

Allyssa: Anoooo!?

Jaz: Si.....

Naputol bigla ang pag sasalita ko ng biglang tinapik ako ni Gio na kasama si Ja.

5 Real Signatures (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon