❤❤❤

18 3 0
                                    

dear, my first LOVE/true LOVE?

grade 3 tayo nung makita kita sa school at grade 3 din nung mag transfer ka sa school na pinapasukan ko, sabi ko pa nga nun sa mga kaklase ko 'bakit niyo siya naging crush e di naman siya gwapo?' at ang tanging sagot lang nila 'gwapo kaya' ea di gwapo sa isip isip ko. Di tayo mag kaklase nun pero madadaanan ko yung room niyo kasi dun ang daan pauwi, madalas rin akong may kasabay at halata sa mga galaw nila na nag papapansin sila sayo.

buwan ang lumipas at di ko talaga alam kung anong nagustuhan nila sayo, ako ba ang may problema sa mata o yung mga nag kakagusto sayo? Madalas na din kitang nakikita kasi pag nadaan ako sa gilid ng room niyo, andun ka sa may upuan sa gilid sa taas ng hagdan at nag iintay ng sundo mo, nagulat na nga lang ako na malayong kamag anak namin ang lola mo na nasundo sayo. so ano kita? Pinsan o what?

pag nakikita ko si lola nag mamano ako, madalas na kayong kasama nun, kasama mo yung mga kapatid mong nakakabata sayo at yung ate mo.

Nung isang beses nakita mo ko pauwi na, wala kong kasama nun kasi nauna ng umuwi si kuya at si ate naman may sakit, nilapitan mo ako noon at sinabing "sabay ka na samin, wala ata ate at kuya mo. Uso pa naman yung nagunguha ng bata" (uso pa po kasi yung napapabalitang kinukuha yung bata at kinukuha ang lamang loob nito) panakot mo pa sa akin, tumango na lang ako kasi natakot din ako sa sinabi mo. Ngumiti ka pa nga nung tumango ako at ng makita ko yung ngiti mong yun may parte sa isipan ko na sinasabing 'wow ang gwapo niya nga' ngumiti na lang din ako sayo baka kasi sabihin mong suplada ako.

Nung makauwi ako sa bahay nun di ko alam pero nakikita ko yung mukha mo na nakangiti at napapangiti din ako kasi ikaw yung nag approach sakin na sumabay sa inyo.

Simula nun lagi na tayong mag kasabay umuwi kahit kasabay ko na din sina ate kaya lagi na lang nila akong inaasar pagka-uwi namin o kaya naman kahit kasabay pa namin kayo pero ang tanging sagot lang natin nun 'friend kami e' sa tuwing sasabihin mo o ako yung mga salitang yun nakakaramdam ako ng konting kirot sa kaliwang dibdib ko. Ewan ang weird nga, pero napag tanto ko na lang na may part ka na pala sa puso ko kasi sa bawat araw na makakasabay kitang umuwi dun na pala nag simulang humanga ako sayo at nalungkot ako ng dumating ang bakasyon. At dahil sa alam ko yung bahay niyo at nadadaanan ko yun pag pupunta ako sa bahay ng lola ko o nina ate snow white, tinitingnan ko kung andun kayo pero ni isa sa inyo wala akong nakita. Kaya yun! Natapos ang bakasyon na di kita nakikita pero napalitan yun ng saya nung dumating ang pasukan.

pasukan na ulit at makikita ko na ulit siya kaya ito sayang saya ako.

Nasa school na ako, hinahanap ko yung name mo dun sa listahang nakadikit sa pinto ng classroom ng grade 4 at dahil sa isa lang ang room ng grade 4 nag assume ako na maging classmate kita pero hindi. Nang makita ko na ang pangalan mo tiningnan ko kung pang anong oras ka at ng makita ko medyo nanghinayang ako, mag kaiba kasi ng oras tayo, ako pang umaga at ikaw pang hapon. Nalungkot ako pero at the same time masaya kasi kahit papano makikita pa rin kita pag labasan na kami.

May bago kaming classmate at ang name nia ay jake medyo silahis siya pero may itsura, kaibigan ng nanay ko ang nanay niya kaya pinag tabi niya kami. Nung makita kitang nakatingin sa amin tatawagin sana kita pero nag taka ako ng nag iwas ka ng tingin at yayain ng umuwi ang mama mo kahit pwede namang maki-sit in kasi nga di na-annouce bago mag pasukan. 'ano kayang problema nun?' sa isip isip ko pero di ko na masiyadong inintidi kasi may klase na kami.

Mabilis lumipas ang buwan, at kung ilang buwan man yon ay di ko alam. Di na tayo tulad ng dati, bukod kasi sa naiwas ka na sakin e may kasama ka ng iba hindi man babae pero nakakalungkot kasi yung pinag samahan natin parang wala na sayo.

Isang araw, uwian na non at masama ang pakiramdam ko, nakita kong nag papasukan na yung afternoon class nasa upuan ko pa rin ako at iniintay na sunduin ng nanay ko. Lumapit kayo sakin ng classmate mo, nilagay mo yung gamit mo sa upuan kung saan ako nakaupo. Nakatingin ka lang sa akin ganun din ang mga kaklase mo, siguro dahil nag tataka ka at sila kung bakit di pa ako nalabas ng room. Kinuha ko yung bag ko at tumayo na pero laking gulat ko ng hawakan mo ang kamay ko "jan ka muna, di pa naman mag sisimula ang klase" yun lang ang tanging sinabi mo pero tinanggal ko ang kamay mo ng tawagin ako ng adviser namin at sinabing andun na ang inay, daredaretso akong lumabas at di na lumingon at nag paalam sayo yung mga ngiti na binibigay ko sayo ay tuluyang nawala na. Nag tampo ako sa pag trato mo sakin ng mga nakaraang buwan.

dear, my FIRSTLOVE slash TRUELOVE <3 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon