Love Hurts

57 3 0
                                    

Five years ago, umibig si Rhica kay Mark Villaruel. Ibinigay niya rito ang lahat, para lang masaktan sa bandang huli. Nalaman niyang nakatakda na pala itong ikasal sa isang babaeng kapareho nito ng estado sa buhay.

Nasaktan siya nang husto kaya minabuti niyang lumayo. Kakayanin niyang makabangon. Kakalimutan na rin niya ito at ang pag-ibig niya rito.

Pero muking nagkrus ang kanilang mga landas. Humingi ito ng tawad sa kanya at sinabi nitong mahal siya nito. Dapat ba siyang maniwala.?

Wotwot!!! Yessssss!! Nabuhay rin ang munting utak ko.!!!

Keep reading :D

Prologue (5 years ago)

Tahimik na nakasilip si mark sa bintana ng condominium unit nito. Nakahubad-baro ito, tanging boxer shorts lamang ang suot. Ang matipunong katawan nito ay punong puno ng muscles gayundin ang mga braso at hita nito. Nakangiti si Rhica habang pinagmamasdan ang nakatalikod na si mark. Dinala siya nito roon pagkatapos nilang mag dinner para e-celebrate ang 6th monthsarry nila, at doon nahantong ang lahat, hindi siya nagsisi sa nangyari dahil mahal niya ito kaya nagawa niya iyon. She was so lucky tohave him. He was her man--her one true love. Hanggang ngayon hindi siya makapaniwalang ang isang gaya niya ang minahal nito.

Minahal?

Napalunok siya. Hindi marahil iyon ang nararapat na term na gamitim. Anim na buwan na ang relasyon nila. Naibigay na niya rito ang lahat-lahat sa kanya pati ang kanyang puso at kaluluwa. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nito binabanggit sa kanya ang salitang mahal kita kahit paulit-ulit niyang sinasabi rito na mahal niya ito.

He would just smile back at her whenever she said those words. Nauunawaan naman niya ito. Mark was a serious person and he was not always vocal of what he felt. Bsta ang alam niya, masuwerte siya dahil nagustuhan siya nito.

Scholar siya sa paaralang pinapasukan niya at isa sa trabaho niya ang maging tutor dito,anak kasi ito sa isang board member sa school na pinapasukan nila, kahit inis na inis siya rito, pero wala siyang magagawa dahil yun ang kabayaran sa pagiging scholar niya. It was her third month as his tutor when she felt he had an eye for her. Dahil palagi silang magkasama lalo na kapag may exam, naging malapit sila sa isat isa. Unang araw na nakita niya ito.humanga na siya rito. Ang paghangang iyon ay. Hindi niya akalaing tutugunan nito ng espesyal na pagtingIn. Until oneday,

being young,inlove, and vulnerable, nahulog siya nang husto rito. Ang matalik na kaibigan niya na si Mariel at ang boyfriend nitong kaibigan din ni mark, siya ang palaging nagpapaalala sa kanya na baka mapariwa siya. Mayaman at guwapo raw si mark at baka dumating ang araw na masaktan lang siya nang labis. Pero hindi niya ito pinakinggan, sarado ang isipniya sa anumang paalala sa kanya. Basta ang alam niya, labis siyang nagmamahal at handa niyang gawin ang lahat para kay mark.. Napapawi ng mga yakap nito ang takot at pangamba niya na isang araw ay bigla nalang matatapos ang lahat sa kanila.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung anong relasyong mayroon sila. Wala silang commitment sa isat isa. Pero umaasa siya ma nasa, sa pagdaan ng panahon. Magkaroon ng linaw ang lahat at marinig niya mula rito ang mga katagang matagal na niyang gustong marinig.

Mark was very sure of himself. Malayo pa ang gusto nitong marating. Alam niyang medyo hindi maganda ang kalagayan ng kompanya nang daddy nito, kaya hindi na ito nakakapasuk sa klase nito dahil inaasikaso niya ang problemang iyon.

Hanggang ngayon ay hindi parin niya lubos maisip na papasok siya sa ganoon ka open na relasyon. Alam nang kaibigan niyang si Mariel ang relasyon nila pero hindi nito alam na humantong na sila sa puntong pisikal. Ang bagay na iyo ang hindi pa niya magawang iopen up kay Mariel. Mahal niya si mark kaya nagawa niyang ibigay ang sarili niya rito. Ngayon niya napatunayan na kapag nagmahal nang sobra, kaya ring magbigay nang sobra. Ganoon niya kamahal si mark. Tumayo siya at ibinalot ang puting kumot sa hubad niyang katawan. Lumapit siya kay mark at niyakap ito mula sa likuran.

Hindi ito humarap. "Hmmmmm?"

"May problema ba?" Tanong niya.

Umiling ito

"Bakit parang malungkot ka?"

Saka ito humarap at tiningnan siya. "Nothing."

Kinulit niya ito. Hinaplos ang mukha nito. "Baby, bakit nga?"

"Im just......confused."

"O-of what?"

"O-of so many things."

Nakadama siya ng tensiyon. "K-kasama ba ako sa nakakapagpa-confuse sa iyo?"

Hindi ito nagsalita.

Kinabahahan siya. "M-mark?"

He held her chin and kissed her gently on the lips.

"No." Kapgkuwan ay sabi nito. "Im just confused. I dont know."

"Eh, bakit?"

"Im leaving"

"A-alam ko. You have a one month business trip in europe. Ako ang tutor slash assistant mo. I should know."

Iniba nito ang usapan. "Baka matagal akong mawala."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Hinapit nito ang kanyang baywang. " I might be away for a couple or months or more."

"Sabi mo, isang buwan lang." Gusto na niyang umiyak. Hindi na nga niya napigilan ang paguulap ng kanyang mga mata.

"May aayusin akong problema."

"Sabihin mo sa kin kung ano yon."

"Rhic, please..."

"A-alam kong wala akong karapatang kulitin ka pero diba, ganoon ang mag boyfriend? N-nagsasabihan ng problema?"

"Its too personal, Rhic."

She felt a lump in her throat. Hindi nito kayang magsabi ng personal na problema sa kanya samantalang lovers sila. Tama ba iyon?

"Kailan ang alis mo?" Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Sa isang gaya nito, hindi bagay rito ang mahinang babae. She had to be tough. She had to be strong.

"Sa makalawa."

Niyakap niya ito nang mahigpit. "Mamimiss kita. I love you."

Hinaplos nito ang kanyang likuran pero hindi ito nagsalita. Sa pamamagitan ng mga yakap at halik nito. Nararamdaman niya ang pagmamahal nito. Nasasagot ang mga munting tanong sa sulok ng kanyang isip.

She loved him dearly. God knew how much she loved him.

Binibilang niya ang araw ng pagbabalik nito. Minsan lang itong tumawag sa kanya mula nang umalis ito. She missed him terribly pero wala siyang magawa. Ilang araw bago bumalik si mark mula sa europe ay nagpatawg ng general meeting si don leon Villaruel.Ang ama ni mark na chairman ng paaralan na pinapasukan niya. Ipinatawagnito ang lahat ng scholar at working students ng paaralang iyon. Siya, bilang tutor slash assistant ni mark, ay kailangang kasama sa meeting na iyon dahil may sopresa raw na ihahanda sa pagbabalik ni mark.

Masaya ang bungad ni don leon sa kanila. He was the older version of Mark. Guwapo parin ito matikas ang matanda kahit sesenta y dos na ang edad nito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon