JAZ
Isa akong babaeng palabiro pero iyakin. Aaminin ko iyan. Hindi ako ganoon katalino tulad ng mga kaibigan ko at wala rin alam pagdating sa lovelife pero madiskarte pa rin naman kahit papaano. Ako pala si Leah Jazelyn Alvarez. Madalas ang tawag sakin sa bahay naming ay Jaz pero ang tawag sakin ng mga kaibigan ko ay Lj
Active ako sa school namin kahit na hindi ako nasa top ng klase. Sa totoo lang, okay naman talaga ako pagdating sa pag-aaral. Fourth year student na ako. Graduating na rin. Ang hirap pala maging 4th year dahil sobrang dami ng ginagawa. June pa lang! sunod sunod na ang mga quizzes at projects. Speaking of quizzes...nagrereview ako sa library nang biglang may pumalo sa likuran ko.
"Lj Mataba! Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."
"Ang sakit naman ng hello mo Jasmine!" sagot ko sa kanya
"Hay nako! Parang hindi ka na nasanay sa akin." At tumawa siya ng malakas
"Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya. "Diba dapat naglilinis ka sa room kasi cleaner ka nga diba!"
"Ano ba yan, huwag kang maingay at huwag ka rin magsusumbong kay papa James."
"Anong papa James ka diyan! Kadiri ka Jasmine." I just rolled my eyes at itinuloy ang pagbabasa. "Bumalik ka na sa room at hintayin mo ako doon dahil sabay tayong uuwi."
"Sige na nga"
Bumalik na si Jasmine sa room pero forever tamad talaga yung babaeng yun. Siya na ang may forever.Si Jasmine kahit na tamad ay maituturing kong tapat na kaibigan. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko sa aking mga secrets. Kapag magkasama kaming dalawa halos kalokohan ang aming mga ginagawa. Pagtritripan namin kahit sino pa. Pagtritripan naming kahit na si James Cedric Chan pa. Kayang kaya ko tapatan si James. Si James na palabiro at matalino. Si James na magaling magdrawing. Si James na kinababaliwan ng buong school. Si James na poker face at cold hearted. Si James na nakakainis kahit kalian. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw ko sa taong yun. Nagiging mayabang kasi madalas. I'm so not going to be friends with him. Not now and not ever.
JAMES
Being a fourth year student is not easy. Mababaliw ka sa dami ng ginagawa. Mababaliw sa sobrang dami ng mga pwedeng pagkaabalahan pero syempre hindi lovelife. Ni minsan hindi ko naisip manligaw sa kahit na sinong babae pa na pwedeng ligawan. Ayaw kong pabayaan ang pag-aaral ko. Ayaw kong maagaw sa akin ang pagiging 1st ko sa Klase.
" Hoy! Palabasin mo na nga kaibigan ko... kita mong 5:30 na tapos ang hirap kayang makahanap ng masasakyan na jeep!" Pasigaw na sabi sa akin ni Lj
"Pwede ka naman kasing makiusap ng maayos ah. Wala kang respeto sa mga officers dito sa classroom."
"Anong wala! Sa iba mayroon akong respeto pero sa iyo lang talaga ako nawawalan kasi ang yabang mo!"
"Hay nako, tama na nga ang away. James hayaan mo na sila. Uuwi naman na lahat eh tapos na kasi tayo maglinis." Biglang sumabat si President
"Sige bro." At pinayagan ko na rin umuwi si Jasmine at nang makalabas siya ay hinila siya bigla ni Lj at sinabayan niya ito ng masamang tingin na para bang sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya.
Nakakastress talaga tapos dadagdag pa itong si Lj na sobrang nakakainis na. Wala naman akong ginagawa sa kanya pero lagi siyang galit sa akin. Lagi niyang pinapamukha sa akin na sobrang yabang ko raw. Hindi ko naman siya pinapakialaman ah! Nakakainis talaga yung babaeng yun.
JAZ
Habang pasakay naghihinatay kami ng jeep ni Jasmine...
"Hay nako! Buti na lang at pinalabas ka rin kung hindi talaga sinuntok ko na siya" galit nag alit kong sinabi kay Jasmine.
"Chill ka lang Lj baka mamaya mawala yang beauty mo eh." Sabay tawa
"Bakit ko naman aaksayahin ang kagandahan ko a taong yun?"
"Ito naman nagjoke lang yung tao akala mo naman diyosa na hahahaha"
"Ikaw! Ikaw na magaling magjoke. Pumara ka na nga ng jeep"
At pasakay na nga kami ng jeep pero itong si Jasmine makulit lang talaga kaya...
"Uy Lj"
"Ano?"
"Hindi naman sa palatanong ako pero bakit nga ba sobra sobra yung inis mo kay James?"
"Ha? Eh... ewan ko ba"
"Alam mo Lj sabi ng mama ko ...THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE DAW"
"Ewwwwwww! Kadiri ka talaga Jasmine. Seryoso? Bakit naman ako maiinlove sa taong saksakan ng yabang."
"Huwag na nga, ewan ko ba sayo! Hahaha O sige Lj bye muna baba na ako"
"Bye, magtext ka mamaya ah"
"Lagi naman eh "
BINABASA MO ANG
I'm With Mr. Genius
Teen FictionHow long will you wait for the perfect one? How far will you travel to find the one?