CHAPTER 10NAPATIGIL ako sa pagsubo ng nahagip ng gilid ng mga mata ko sina Clark at yung babaeng kahalikan niya. Simula nung nangyari nung isang araw parang mas lalo akong iniwisan ni Clark.
At usap-usapan ang pagbabalik ni Clark na mambabae. Ang pinagkakataka ng iba dahil sa tatlong araw, iisa lang ang babaeng kasama nito na si Cleo Salvador. Ang nag-iisang anak ng Senator. Ang daming nangsabi na baka ng seryoso na si Clark, at mukhang nagbabago na siya dahil kay Cleo.
Napatas ang kilay ko ng pagyakap niya sa braso ni Clark habang napangiti tingin kay Clark. At ang lalaki naman, hindi man lang pumalang. Well, playboy siya 'yan ang gusto niya ang aggressive na babae. Yung hindi na sila mahihirapan, yung willing ibigay ang sarili sa lalaki.
Sa nunuot ng Cleo 'yan ang mga gusto niya. Habang ako simpleng t-shirt at jeans may kunting light make-up sa mukha habang ang straight kung buhok ay nakabagsak. Humawi naman ang bangs ko sa hangin kaya napatigil ako nang tumingin siya sa gawi ko.
Pasimple kung inayos ang bangs at inipit sa likod ng tyenga.
"Alis na ako." Paalam ko sa kaibigan bago tumayo.
"Bes! Wait, hintayin mo ako!" Nagpatuloy lang ako sa paghakbang palayo sa cafeteria. Hindi ko kayang magtagal sa lugar na 'yon kung nandoon sila.
NAPA-ANGAT ako ng tingin ng may dalawang satapos nasa harap ko. Napatayo ako sa gulat sa bibit niya.
Paano niya, nakuha 'yan? Papaano na napunta sa'kanya 'yan?
"Bakit na sa'yo yan?"
Ang naalala ko, tinapon ko na 'yan sa dagat. Alam kung nagiisa lang yan dahil kami mismong pumili ng kwentas at may pendant na eyeglass at ang nasa kanya ang pendant na libro.
Eyes glass dahil sa lagi siyang nagsusuot nito kahit wala ng magsira ang mga mata niya. At yung akin naman dahil mahilig daw ako sa libro.
Yung araw na umalis kami yang kwentas nalang ang naiwan sa'kin na galing sa'kanya dahil sanay akong suot ito. Lahat ng bagay na binigay niya ang iniingatan ko at pinahahalagahan.
Masyadong importante ang taong nagbigay sa'kin para itapon ang lahat ng bagay na binigay niya. Pero nung umalis na kami, I decided na iwan at itapon ang lahat ng bagay galing sa'kanya. Ayaw kung magdala o magtago kung yung bagay ay galing sa taong sinaktan ako. Ayaw ko na pang maalala, gusto ko na siyang kalimutan.
Nakasandal ako sa bintana ng sasakyan habang magdrive si mommy patungo sa dating lugar na kinalakiyan ni mommy.
Napaayos ako ng upo sa sasakyan ng makita ko sa malayo ang dagat at magandang sunset.
"Ihinto mo muna mom." Walang alinlangan na huminto si mommy sa gilid ng daan.
Nag-alala namang nakatigin si mommy sa'kin. I smiled at her and mouthed 'I'm okay' Para hindi siya mag-alala pa.
Lumabas ako ng sasakyan at lumukad ng ilang hakbang para matanaw ang magandang pagbaba ng araw.
Namangha naman ako sa sobrang ganda ng sunset lalo na kapag nasa dagat ka. Dinala ng malakas ng hangin ang buhok ko sa likod at nahawi naman ang bangs ko kasabay sa hangin
Nangingining ang mga kamay ko tinanggal ng kwentas sa leeg. My tears slowly down my face. Pagkatanggal ng kwentas agad kong naramdaman na may kulang sa katawan ko, parang may kulang na bagay nasa katawan ko hindi ko kayang mawala.
![](https://img.wattpad.com/cover/256492548-288-k352686.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving the Playboy (Montenegro Series # 1)
RomanceClark Kenneth 'The Playboy' Montenegro meet a girl named Ellise Jean Zamora who is secretly in love with him. They become bestfriend since they were kids until Ellise confess his feelings to Clark. But after that day Ellise just suddenly leave while...