Chapter 9: Bonding

17 1 0
                                    


[ Sooyeon PoV ]

Nakakainis! Hindi ko parin talaga makalimutan ang mga nangyare sa amin noon ni Chelle.

Inagaw niya lang naman ang lalakeng minahal ko ng sobra at hanggang ngayon nasasaktan parin ako! At mas nasasaktan ako dahil KAIBIGAN KO PA ANG SIYANG UMAGAW!

Umiiyak ako nanlalabo na ang paningin ko sa kakaiyak. Kung hindi lang para kay Hyomi hindi ako mananatili sa 12 muses. Hyomi is our bestfriend kahit ganyan siya makitungo sa amin minsan.

Lakad ako ng lakad ng bigla akong matisod ng kahoy kasabay nun nadapa ako at nasugatan.

"Ouch!"- napasigaw ako sakit sh*t malayo na rin itong nalakad ko at ang worst asa gubat pala kami urgh! Tatayo na ako ng may ahas na gumagapang papunta na sa Akin.

Pumikit nalang ako at ready na akong mamatay sa tuklaw sa akin ng Ahas na yan. Ready na akong malason sa kamandag ng ahas na yan. At ready na ako na ang kauri ni Chelle ang papatay sakin.

Ilang minuto na ang nakalipas bat wala paring tumutuklaw sakin na ahas napadilat ako. Wala na sa harap ko ang ahas. Anyare? Inilibot ko ang paningin ko. Lagi nalang ganito ang ngyayare sa akin.

Nung isang araw nung asa bathtub ako may bumulong sakin ng "You makes me smile baby" nung dumilat ako nun wala na yung bumulong sakin nun nagtataka ako wala namang naka pasok sa bahay namin nun.

Nababaliw na ba ako? Magpapa check up na ako? Ano ba? Hays.

"Sooyeon!"- sigaw ni Sundae ng nakita ako

"Anong ngyari sayo?!"- nagaalalang tanong niya sakin. Hindi ako sumagot.

"Halika na. Pinahanap ka sa akin ni Hyomi eh"- itinayo niya ako at nakatingin siya sa tuhod ko.

"Sugat lang yan Sundae. Manhid na ako kaya hindi ko narin mararamdaman ang sakit immune na kasi ako haha!"- nag fake laugh lang ako para hindi na siya magalala sakin.

Bigla akong niyakap ni Sundae at sinabing "Andito lang kami Sooyeon, Minsan kasi kaylangan mo ng mag Let go sa Past mo wag mong hayaan na makulong ka sa nakaraan. Maganda ka at maraming lalake ang nagkaka gusto sayo Sooyeon. Kapag ready kana patawarin mo na si Chelle."

----

Exo's Mansion...

[ Tao Pov ]

Nakakaboring na dito sa mansyon gusto ko rin namang lumabas tsk.

Nagulat nalang kaming lahat ng biglang bumulagta ang mukha ni Kai sa harap namin na may dalang Ahas! Oo AHAS!

"bitawan mo yang ahas at susunugin ko"- sino pa bang may Kapangyarihang Apoy Dito edi si Chanyeol

"Mga Hyung tara namang mag bonding o bored kaya dito." - pagpapa awa ni Kai sa Amin nakatingin lang kami sa dalawang Leader na si Suho at Kris haha

"Oo nga tara ding mag bonding mga hyung bored din ako dito sa mansyon."- nakapout kung sabi haha!

"Saan ba gusto niyo?"- sabi ni gramps suho haha!

"Kung saan may mga chicks."- baekhyun

"Mukha mo chicks!"- sabay batok sakanya ni chanyeol

"Magluto muna tayo ng pagkain para di tayo magutom dun." - d.o

"Mag packup na kayo"-sabi ni Kris na nakapamulsa hay yes! Aalis kami!

"Ako na bahala sa Place na pupuntahan natin ^_^" makangiti itong si kai akala mo haha

--------

Wow! Ang ganda dito sa pinuntahan namin. Galing naman ni kai at sobrang ganda talaga rito. Medyo mag gagabi na ng nakarating kami rito. May usok kaming nakita usok siguro ng bonfire un. So hindi kami nag iisa sa lugar na to.

Naglakad kami papunta roon at nanlaki ang mga mata namin ng makita ang 12 MUSES!

(O_O)

Napatingin kaming lahat kay Kai na Nakangiti!

"Ano ba sila lang naman ang andyan dont mind them. Ang alam ko nag bobonding lang din sila haha!" - Kai

Medyo malayo kami sakanila pero kitang-kita namin sila.

Nagtatawanan kami ng mga Exo talagang bonding time ito haha!

"Bwahahahahahaha!"- tawa naming lahat kay Baekhyun na kumakain ng Lemon

"Putik ka Chanyeol ang Asim!"-singhal niya kay Chanyeol

"Lemon nga diba? Baliw lang?"- tawang tawa na sabi ni Chanyeol kay Baekhyun

At ang sumunod na ngyari itong si Chen! Pinahiran niya kaming lahat ng Lemon! Sh*t ang asim!

"Pfttttt bwahahahaha! Ang papanget niyong lahat!"- si chen na,halos mamatay na sa kakatawa!

At dahil dun hinabol naming lahat si Chen. Ng nahuli nanamin siya ipiniga namin sa bungaga niya ang isang buo ng lemon hahaha!

"Mas panget ka ahaha!"- Xiumin

"MukASIM!"- Sigaw ni Lay at natawa nalang kaming lahat xD

Natahimik kaming lahat ng may isang umiiyak sa 12 muses. Malakas ang pang rinig nin noh.

"Sooyeon"- bulong ni Kai

"Kaya ba nag yaya ka dito?"- selos ata tong si Kyungii ah haha

"Oo. Nakita ko kasi siyang umiiyak kanina alam niyo naman ako mahilig mag teleport kapag nag teteleport ako laging napupunta ako sa lugar niya, nadapa siya kanina habang umiiyak siya muntikan na siyang tuklawin ng ahas pumikit siya at ready na siyang matuklaw pero kinuha ko yung ahas para di siya matuklaw."- sabay kamot niya ng ulo.

Tumahimik kaming lahat ng biglang magsalita si Sooyeon.

"Bakit Chelle sa dami ng Lalake sa mundo! Bakit siya pa!"- umiiyak na sabi nito

"Hindi ko kasalanan na magka gusto ako sakanya, tulad mo mahal na mahal ko rin siya."- sabi naman ni Chelle

"Thunder is Mine! Pero inagaw mo siya sa akin! Anong klase kang kaibigan! Itinuring kitang parang kapatid peri bakit! Chelle! Bakit!!!!!!!" Humahagulgul na sabi nito kay Chelle kawawa naman itong si Sooyeon

"Nagmahal lang ako Sooyeon and I will do everything para mapasaakin siya, bat one day napasaakin naman siya, yung nakita mo nun? Totoo yun na may nangyari sa amin, alam mo ba kaya iniwan ka niya? Its because hindi mo maibigay pangangailangan niya bilang Lalaki!"- singhal naman nitong si Chelle kay Sooyeon.

"Sa lalaking pakakasalan ko lang ibibigay ang gusto niyang kunin sa akin, hindi ako tulad mo Chelle na pati kaluluwa mo ibibigay muna sakanya hindi ako tulad mo tandaan mo yan!!"- halos umalingawngaw ang sigaw ni Sooyeon.

So ang pinaguusapan dito ay ang perlas ng silanganan -_- kung ako sympre irerespeto ko ang babaeng mamahalin ko noh.

" Alam mo Araw-araw akong napapaisip kung bakit ko nagawa sayo ang lahat ng yun Sooyeon, araw-araw kong pinagsisihan ang mga ginawa ko sayo! Araw-araw akong umiiyak! Pero alam mo ba? Ikaw parin ang hinahanap niya ng mga panahong kami na ang magsama, at ang masakit pa dun, ayaw niyang malaman mo na may sakit siya hanggang sa nawala na siya dito sa mundo."halos hindi naakahinga itong si Chelle. Napatingin kaming lahat kay Suho gramps napa sapo nalang ng ulo niya.

Alam naman naming lahat na may gusto siya kay Chelle obvious naman eh, pero sa mga nalaman niya mamahalin pa kaya niya si Chelle?

"Sana, mapatawad mo pa ako Sooyeon sa lahat sorry, sorry sa lahat-lahat." Umiiyak paring sabi ni Chelle

"Hindi ko alam kung kelan kita mapapatawad." Bigla naming narinig na lumakad si Sooyeon palayo sa mga ka grupo niya. Siguro kaylangan niya munang mapagisa.

Hanggang sa pati kami nag saya na tawanan lang kami hindi ko alam kung natirinig kami ng mga 12Muses haha

Trouble Maker[Exo Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon