2

118 7 1
                                    

Philip's POV

It's wednesday night duty ko ngayon sa OVP. isa ako sa security detail na naka assign kay madam vp simula sa 2nd yr na ng term niya ako nalipat sa psg, pero ngayon tutulong muna ako mag repack sa mga ipapamahagi na relief goods. dahil nasa condo lang naman nila si maam

dito muna ako sa OVP magbubuhat medyo masaya naman ang atmosphere nila dito magaan sa feeling ang mga tao

nang patapos na ako ay biglang nag ring ang cellphone ko, nakita ko caller id ni Mang Lester

"Magandang gabi Philip, pwede ba pasalo ng shift ko ngayon"

"Sir, magandang gabi rin ho, ay opo ok lang po wala din naman si maam ngayon nasa bahay lang nila" sagot ko sa kanya.

nag sir ako kasi kahit mas mataas  ranggo ko sa kanya nirerespeto ko yung tao sabi ng ahia ko 'maam and sir must always be used if u want to gain respect' kung hindi ako naka graduate sa academy malamang sa malamang mas malaki ang ranggo niya kaysa sakin

"Salamat talaga philip pasensya na talaga nasugod kasi si misis sa ospital ngayon ko lang nabasa text ng anak ko tsaka text ko nalang loc namin ngayon, si maam tricia kasi yung nandito" sabi niya pa sa kabilang linya.

pagkababa niya ng tawag ay mga ilang minuto lang ay na send na ni Sir Lester ang location ni Maam Tricia, nang tinignan ko ang location..... club velez

agad naman akong lumabas ng ovp at nag tungo sa sasakyan ko ay este sasakyan ni ahia, nasabihan pa ako kanina ng guard sa gate na magara daw kotse ko eh di naman akin to

kung magaan lang yung mga libro na i do-donate ko sana nag motor nalang ako tamang-tama dahil walang available na car service ang ovp ngayon dahil hinatid pa si sir boyet

pagkarating ko sa club ay agad kong nakita ang isang van na white yun siguro si sir Lester.

lumapit ako sa van at kinatok pa yung bintana, bumaba naman kaagad ito

"oh,nandito kana pala capt. pasensiya na talaga emergency lang talaga"

"nandiyan lang si maam tricia sa table 12, puntahan mo nalang di na ako nakapag paalam dahil mukhang nag sasayahan pa sila" dagdag pa ni Mang Lester

tumango lang ako at sinabihan siyang ako na ang bahala at di na rin kailangan ipa declare yung switch sa OIC namin, para di mabawasan sweldo niya.

as i entered the club i searched for the table #12, hmm ayun! nahanap ko rin di naman masiyadong crowded sa loob dahil mukhang exclusive ang club na'to agad kong namukhaan si maam tricia. dahil siya lang naman ang naka glasses 

nakasandal pa siya sa inuupuan niya nang inangat niya ang kaniyang ulo alam ko na kaagad gusto niyang tumayo.

lumapit na ako at baka mapano pa ang sisihin pa dito si mang lester pa kung bakit pinabayaan

tama nga ako, ng pagka tayo niya ay muntik pa siyang mahulog. buti nalang ay nahawakan ko ang mga braso niya kung hindi ma ki-kiss na sana niya ang sahig

"Mang lester, bakit lumaki po katawan niyo" sabi nya sabay sinok. hindi ako umimik at pauupuin ko na sana siya ulit ng biglang niyakap niya ako. nabigla ako dun,parang di ko na naririnig ang music ng club. parang tibok nalang ng puso ko ang naririnig ko

this is the first time na may ibang babae ang yumayakap sa akin, si manang lucing lang at clara lang ang madalas kong nakakayakap, di naman kumakalabog ang damdamin ko pag sila kayakap ko. pero ito iba bigla akong nawala sa pag-iisip ko ng sinukahan niya t-shirt ko.

awts. pano na to ngayon

"excuse me guys, iuuwi ko na po si maam tricia" anunsyo ko sa grupo na kasama niya pero tinignan lang nila ako. nabibigatan na ako sa dala dala ko

A Long RoadWhere stories live. Discover now