Chapter 6: Jerusha Dela Merced

2 0 0
                                    

NANGGIGIGIL SA MGA bagong impormasyon na nakalap ko, nagdesisyon akong bumalik ng Estrella del Sur at paglalimin ang imbestigasyon. Busy si Alex, pansin ko nitong mga nakaraang araw lagi syang nasa opisina o di kaya sa home office nya dahil marami syang inaasikasong kaso.

I had to tell him I won't be home for the night, and when he asked where I was going, I told him that I'd just have a sleepover with Krizzy.

Hindi na sya nag-usisa pa.

But that wasn't true. I lied because I didn't want him to know what I was going to do for the day.

Because if he knew, I figured he would insist on coming with me. He's busy and I didn't want to bother him. Pabor na kung iisipin na nakikitira ako sa kanya para sa sarili kong proteksyon. Ayokong abusuhin sya.

It could be that or worse, baka pigilan nya lang ako.

Pagkarating ko sa bayan, humanap lang ako ng turo-turo malapit sa terminal. Umu-order ako ng pagkain nang bigla akong kalabitin ng isang ale'ng tingin ko ay nasa late 40s na.

"Ineng, taga-rito ka ba?" Tanong nya.

Tipid akong ngumiti at umiling.

"Talaga? May kamukha ka kasi." Tila ba nag-iisip na sabi nito.

Kinuha ko ang inabot na tray sa akin ng serbidora, ipinatong nya roon ang order kong dalawang order ng kanin at isang bopis. Pagkuwa'y tumalikod na ako para maghanap ng mesa.

I sat on the nearest table I found, the woman from earlier followed me.

"Ay, naku! Alam ko na." Nakangising bulalas nya at umupo sa tapat ko. "Nakita kita sa Facebook!"

Hindi alam ang isasagot, ngumiti lang ako at nag-isip ng kung anong pwede kong sabihin. "Ahh... Okay po."

"Reporter ka, hindi ba?"

"Journalist po."

Ikinumpas nya sa hangin ang kamay. "Aru, parehas lang 'yon."

Nagsimula akong sumubo ng kanin at ulam, medyo gutom ako kasi hindi ako masyadong nakakain kanina ng agahan kasama si Alex.

Lying to him didn't feel good so I was a bit uneasy in front of him.

"Kain po tayo," Aya ko sa babae.

"Hija, nandito ka ba para mag-usisa pa tungkol sa mga Elizondo?" Ngisi nya. "Baka hindi mo naitatanong, klasmeyt ako nyang si Veronica noon."

What she said caught my interest.

Okay... Maybe she could be of help, chismosa sya at taga rito. May general information about the Elizondo's, particularly, the life of Veronica. Sabi nga ng iba dyan, there is a bit of truth in every gossip.


I quickly picked up my bag and searched for my recorder. Nagpaalam ako sa ale na baka kung pwede, i-record ko ang pag-uusap namin. Para may record ako, baka sakaling pwede kong balikan sa susunod.+

"Kaibigan nya po kayo?"

Mapakla syang tumawa. "Kung kaibigan ni Veronica dito sa bayan namin ang hahanapin mo, baka abutan ka ng katapusan ng mundo, wala kang makikita."

"Masama po ugali nya?"

She clicked her tongue and shrugged. "Hindi naman, pero strikta. Aristokrata. Di tulad ng mga pinsan nya noon, dito sya sa bayan nag highschool. Masyado 'yong seryoso noong kabataan namin, hindi nakikihalubilo sa mga kaklase nya. Wala ring gustong makipagkaibigan, yung dating kasi ng babaeng 'yon medyo nakakasindak."

Scarlet Murder Files: The Elizondo CaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon