Chapter 1

726 1 0
                                    

Jane's POV
(Jane asan ka na?)

Wait. Ano. Andito ako sa bandang likod. Asan ka ba?

(Hoy! Pinagloloko mo ba ako?! Sabi ko sa harapan tayo! Punta ka na dito bilis.)

Pwede mamaya? Wait lang kasi. (Kung alam mo lang pinagdaanan ko)

(Anong wait. Kanina ka pa nag-wawait dyan! Ano bang meron dyan sa likod?!)

Ah eh. Gwapo yung katabi ko. (Sagot ko kay Wyn pero syempre pabulong lang. Mas nanaisin ko na to kaysa dun sa kanina)

(Ano? Di kita marinig!)

May katabi akong gwapo. Kwento ko na lang sayo mamaya. Asa likod ako.

(Hoy! Lakas lakasan mo naman! Hindi ko marinig!)

SABI KO MAY GWAPO--! Hindi ko na natapos yung sasabihin ko.

"SAAN?!!!!" Narinig nung mga katabi kong babae. Naghysterical na sila! Waaaaaah! Lahat sila napatingin sakin. Grabe yung mga mata nila parang mangangain.

Mukha silang takam na takam sa gwapo. Grabe. Reminder lang po sa mga nagbabasa. Kung ayaw niyo ng mga wild na kaschoolmate wag kayong magenroll dito. Lalo na kung lalaki ka and take note "Wafuuuu ka" (gwapo)

"AYUN!!!" Sabi ko sabay turo sa taas. Yung mga babae ayun mukhang tanga. Tumingala silang lahat. Habang nakatingala sila, i grab the opportunity para tumakas. Baka kaladkarin nila ako, mga wild sila eh.

Sa wakas nakalabas na rin ako dun sa gym. May program kasi yung school namin. Intramurals, nanunuod kami ng Mr. And Ms. Intrams.

*Flashback 1 hour ago*

One Message Received
Fr: Wyn ❤️
Hoy babae asan ka na? Nireservan na kita ng upuan dito sa harapan, sa bandang kanan. Bilisan mo gaga malapit na magstart.

To: Wyn ❤️
Oo na po. Gaga ka rin. Wait lang.

Papasok na ako sa gym grabe ang rami palang manunuod. Buti na lang nakaupo agad si Wyn. Papunta na ako sa harapan ng bigla akong nastampede.

Grabe yun katabi ko basa kilikili. "Kuya naman! Mahiya ka naman!" Sigaw ko sakanya. Kasi mas matangkad siya sakin shoulder level niya ako tapos nagside view pa siya bale kaharap ko yung kilikili niya, basang basa. Yung as in may shape pa yung basa bakat na bakat. May tumulak sakin! Yung napakaganda kong mukha nagdive sa kilikili ni kuya! Parang swimming pool sa sobrang basa. Ramdam ko yung basa na malagkit. Grabe! Feeling ko nahilamusan yung buong mukha ko. Kadiri! Pero infairness refreshing. Whatttt? Ano sabi ko? Refreshing?! Erase erase. Nakakadiri.

Hindi ako nakapagreklamo kasi napitpit ulit ako, para akong sandwich. Grabe ang sikip. Waaaiiiit. Parang may nararamdaman ako. Yung pwet ko parang... parang... may nanghahawak! Pinipisil pisil pa! MANYAKKKKK! WAAAAAAAAH! Tinignan ko kung sino yung kumakapa, nakasmile pa siya! Ang g*** niya! Yung smile na pang manyakis talaga. Alam niyo yun? Nakakapangilabot! Tinapik ko yung kamay niya. Sabay sabing "Manyakkkkk!"

Lord, gusto ko ng makaalis dito. Pls.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakipagsiksikan na rin ako. Wala na akong pake kung sino na yung nababangga ko. Gusto ko ng makaalis dito. Lahat na ng lakas ko ginamit ko na. Pero siguro nga malas ako. Napasubsob ako! Ang sakit! Yung babae sa likod ko tinulak ako. Ang powerful ni ateeeeeee! Hindi ko kinaya!

"AAAAAHHHHHH!" Ang lakas ng pagkabagsak ko. Tinignan ko yung mga katabi ko parang walang nakita. Hindi manlang ako tinulungan. Waaaaait! Yung varsity ng Sumo na si Sid hahakbang siya papunta sakin!!!! Ayaw kong mapitpit! Lord! Pleaseeeee! Hindi ako makatayo kasi yung isang babae naapakan niya yung damit ko. Hindi ko mahila yung damit ko. Grabe. Ilang seconds na lang. Sht. Waaaaaah! Nagpapanic na ako. Hindi ko alam gagawin ko. Napapikit na lang ako. Nakita ko na kasi yung sapatos niya. Ang lapad! Waaaaaaaaaaah! Nakaapak pa ata siya ng tae.

Lord. Gusto ko pa pong mabuhay. 😭

Last 2 seconds of my life
I love you readers (kung meron mang nagbabasa nito)

Dito na nagtatapos. 😭😭😭

The END
1

2

"Ahhhh" Ayan na ang mabigat na paa. Ang sakit. Ouch. Aray!

Wait. Parang wala naman akong nararamdaman. Pero parang may kamay. May nagbuhat sakin. SAVIOR! I'm alive! Thank you Lord! Buhat buhat ako ni kuyang-hindi-ko-kilala-a.k.a-SAVIOR

Nung makita ko yung mukha niya. Naamaze ako. Sht. (Sorry napamura pa ako) Ang gwapo. 😍 Pokerface lang siya pero bat parang ang lakas ng appeal niya. Hindi ko na idedescribe. All in all Gwapo.

Sa sobrang mangha ko sakanya hindi ko narealize na bandang likod niya ako dadalhin. Nung marealize ko feeling ko Ginag*** ako ni kuya o sadyang t**** lang siya. Nakita niya ba akong papunta sa harap hindi papuntang likod! Ano to?! From the start. Magsisimula ulit ako papuntang harapan. Dadaanan ko ang iba't ibang obstacles para makarating sa pinapangarap kong upuan kung saan mapayapa. Walang basang kilikili, hindi masikip, walang manyak, walang nanunulak, at walang nangaapak.

Nung marealize ko yung mga bagay na yun bumaba ako sa pagkakabuhat sa akin ni kuya. "WAIT LANG! Bat tayo dito sa likod?! Hindi ako makakapanuod ng maayos!"

"You're welcome" yun lang yung sinabi niya. Nasa tabi ko parin siya. Pokerface.

"Thank You" yun na lang nasabi ko. Pero hindi man lang siya lumingon. Dibale ng andito ako sa likod atleast may kasama akong gwapo. Hihihi :3

Konsensya: Gaga Kalandian nanaman!

Ayyy sorry sorry. Erase erase. Siguro nga mas maganda na 'to kesa dun sa stampede. Ang wawild nila!

*ringggg* *ringggg* (Calling Wyn)

*End of Flashback 1 hour ago*

-------------
Hi. May nagbabasa ba nito? Hahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ate Kuya at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon