Yoona's POV:
"Sino kaya may hawak nung isang pares nito?"
Hawak ko ang keychain na bigay sa akin ni mama mula nung iniwan niya kami.
Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit ng isang batang naiwan ng isang nanay. Napakasakit. Si Papa nalang ang natitira sa akin. Siya na lang ang kaisa-isang tao na nagmamahal sa akin ng buo.
Ni minsan, hindi niya naisip na iwan ako, pero bakit si Mama, oo? May nagawa ba kaming mali ni Papa? Naging masama ba kong anak sa kanya? O baka naman, di na niya kami mahal?Andami-daming tanong ang napasok sa isipan ko. Pero nasaan ang sagot? Haisst.
Mababaliw na ko kakaisip dito eh. Kulang nalang kausapin ko na sarili ko.***
Andito ako ngayon sa Jeju Island.
Ang ganda talaga ng lugar na 'to. Ang kwento sa akin ni Papa, dito daw siya unang sinagot ni Mama. At, dito rin daw nag-propose si Papa sa kanya.Nakakatuwang isipin ang mga moments na katulad nun. Pero, kahit ilang beses ko pa i-daydream ang mga yun. Imposible ng maibalik. Imposible ng matupad. Imposible ng maramdaman ulit.
Naalala ko tuloy yung time na iniwan kami ni Mama. Tumigil ang mundo ko nun. Makitang may bitbit na malalaking maleta si Mama at humahagulgol si Papa sa iyak at nagmamakaawa na wag kaming iwan ni Mama.
Flashback:
Nasa kuwarto ako ng mga oras na yun. Gabi na. At nakakarinig ako ng ingay sa baba.
Bumaba ako ng hagdan, hindi pa ko masyadong nakakababa ng biglang nakita ko ang mga maleta na bitbit ni Mama.
Sinubukan ko nalang muna na sumilip at wag magpakita sa kanila.
"Ma, wag ka nang umalis. Wag mo kaming iwan ng anak mo"
Nagulat ako sa sinabi ni Papa. Di ko nalang namalayan na tumutulo na pala yung mga luha ko.
Niyakap ko nalang si Zoe (teddy bear ko)
At saka na ko nagiiiyak ng di nagpo-produce ng ingay. Ayoko kasing gambalahin ang away nila. Gusto ko nalang makinig."Di ko na kaya Pa, ikaw na bahala kay Yoona"
Lumuhod si Papa. At nagulat ako sa ginawa niya. Nagmamakaawa siya kay Mama na wag na siyang umalis pero ayaw talaga ni Mama.
Nung mga oras na yun, napaisip ako..
Bakit aalis si Mama? Di niya na ba kami mahal? Di niya na mahal si Papa? Di na niya ko mahal? Ansama niyang Mama! Ansama niya!"DI MO NA BA KAMI MAHAL MAMA?"
Nagulat naman sila Mama at Papa dahil sa sigaw ko. Napalingon nalang sila bigla sa akin.Umakyat si Mama sa hagdan papunta sa kin at umupo sa tabi ko.
"Anak, makinig ka kay Mama..."
Hindi natuloy ang sinasabi ni Mama kasi bigla akong nagsalita."Bakit mo kami iiwan? Di mo na ko mahal? Bakit? Kasi bad girl ako minsan? Promise mama di na mauulit. Promise! Wag mo lang kami iwan!"
Sabi ko sabay yakap kay Mama. Bumitaw naman siya agad at hinarap ako sa kanya.Hinawakan niya ang both cheeks ko at hinalikan ako sa forehead,
"Anak, love na love ka ni Mama. Sobrang sobrang sobra kitang mahal. Kaya lang, kailangan ko tong gawin eh"
Sabi ni Mama. Napatingin naman ako kay Papa na nasa baba at hanggang ngayon ay naiyak pa din at nakaluhod."Di mo na ba mahal si Papa? Kaya ka aalis?"
Napatigil naman si Mama sa tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa kin, at kahit hindi na niya sagutin ang tanong ko, alam ko na ang sagot.May hinugot bigla si Mama mula sa bulsa niya,
Isang Keychain, kulay red na shape broken-heart. Kalahating heart lang kasi yung shape niya, nasaan kaya yung isa?
"Anak. Itago mo to ah. Iyan ang pamana ni Mama sayo. At ito, (sabay bigay nung broken-heart na keychain) ito ang magdadala sayo papunta sa tadhana mo. This will lead you to your Dreams and to your Destiny, at ang misyon mo, hanapin ang kapares niyan, dahil kung sino man ang may hawak nun, yun ang magiging katuwang mo sa buhay."
Pagkasabi ni Mama nun, tumayo na siya at bumaba.
Sinusubukan pa rin siyang pigilan ni Papa. Naaawa ako para kay Papa. Minsan lang ako makakita ng lalaki na totoong minahal ang isang babae. At yun ay si Papa.
Dahil ayaw ko ding mawalan ng Mama, sinubukan ko din pigilan si Mama, nasa may gate na siya ng bahay pero hinihigit ko pa rin ang damit niya.
"Mama, wag mo kaming iwan. Di mo na ba kami Mahal? Di mo na ba ko mahal? Pwes ako Mama, mahal na mahal kita. Mama wag mo kong iwan"
Sabi ko habang higit-higit ang damit ni Mama. Pero dahil bata lang ako at wala akong kaya, nagawang kumalas ni Mama sa pagpigil ko sa kanya.Time stopped....
Parang tumigil ang oras nung mga times na yun.Ang makita kong may hawak ang Mama ko na malaking Maleta at umiiyak habang papaalis ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay ko.
Mawala na ang lahat! Maguho na ang lahat! Masira na ang lahat!
.
.
.
.
.
Wag lang ang pamilya ko. Pero hindi eh, NASIRA PA DIN :'(End of flashback
Hawak ko pa rin ang keychain at pinaglalaruan
"Sino kaya ang may hawak ng kapares nito? Sino kaya yung taong yun na makakatuwang ko sa buhay?"
After 10 years
Eto na ko ngayon, sikat na Actress at Model.
Fans doon, fans dito, fans sa kanan, fans sa kaliwa.
Member ako ng isang sikat na Kpop Group dito sa Seoul, South Korea, isa rin akong Award-Winning Actress bawat year, at isa rin akong sikat na sikat na model na sandamakmak ang ine-endorse.
Di sa gusto kong magmayabang ah. Kaya lang, iba talaga ang pakay ko eh. May isa akong malaking inspirasyon kaya nakakamit ko ang mga bagay na tulad nito.
Naisipan ko lang na mag-audition sa ganitong klaseng trabaho para mahanap ko si Mama...
Yes, I'm still expecting na babalikan niya kami at mabubuo ulit ang pamilya namin. Sana naman di ako mukhang tangang nage-expect dito. Sana nga.
And sa dami ng accomplishments ko sa buhay, kilala na ko sa buong Asya. Ewan ko lang kung buong mundo kilala ako. Basta ang alam ko, buong Asya lang.
And from that, alam ko na alam na rin ni Mama ang takbo ng buhay ko ngayon. At sana proud siya para sa akin. Dahil yun lang ang gusto ko marinig mula sa mga magulang ko...
Ang masabihan nila ko ng...
"I love you anak. Proud kami sayo"
Yun lang, mahirap bang maibigay yun? Narinig ko na yun kay papa eh. Kay mama nalang ang hinhintay ko, at sana dumating.
YOU ARE READING
Key Chain
RandomKeychain They don't care what may happen to their life, all that really matter is to find the other half of their KEYCHAIN