3 The Pendant

10 1 0
                                    


Teytus' POV

Pumasok na si Miss Nieza sa classroom namin, at sa kalagitnaan ng kanyang pagtuturo may malakas na sigaw na bumulabog sa mga tao na nandito sa loob ng paaralan. Nagsilabasan na ang mga guro at estudyante upang maki usisa kung ano na ang nagaganap sa labas. Nakita namin ang isang bangkay ng babae na nakahandusay sa grounds ng paaralan, at dahil nasa 2nd floor ang room namin kitang kita namin ang nangyayari sa baba, pero bumaba ako dahil gusto kong makita ng malapitan ang bangkay, pagkatapos kong makisiksik sa mga nagkukumpulang estudyante, nakita ko rin ang nakakakilabot na mukha ng bangkay nakadilat pa ang mga mata nito at nakabuka pa ang bibig, nagkaroon ng maliit na 'crack' sa kanyang ulo dahil na rin siguro sa napakalakas na pagkabagsak, patuloy na umaagos ang dugo mula sa kanyang ulo at iba pang parte ng katawan.

Umalis na ako dahil hindi ko na kayang tingnan ang bangkay. Nagsidatingan na ang mga pulis at mga imbestigador . walang silbi. Bakit? dahil halata namang binabayaran lang ng paaralan ang mga imbestigador at mga pulis para malinis ang pangalan ng unibersidad na ito. Maya maya lang ididiclare na nilang SUICIDE daw ang pangyayari. Sanay na kami pero maraming tanga dito kaya nagpapaniwala rin silang suicide nga.

"suicide ang nangyari. tumalon ang babaeng ito mula sa rooftop."- sabi ng isang imbestigador.

hhmm tumalon nga ba? kung suicide nga ang pangyayari bakit sumigaw ang babae? diba kung magpapakamatay ka man hindi ka na siguro gagawa ng napakalaking ingay pero ang babaeng iyon ang sumigaw pa ng napakalakas.

naglalakad na ako pabalik sa classroom.

"hey! babalik ka na ba sa room? pwedeng makisabay?"-Vids

"okay sure"-ako

pagpasok namin, wala pang tao sa loob. uupo na sana ako sa upuan ko ng may nakita akong isang bagay, isang pendant na may nakasulat na 'Old Bridge'.

"Ohhhh Myyyy!! kanino ba tong pendant na to?! old bridge? name ng university? yuck! ang cheap nito. sino ba naglagay nito dito?"-Vids

"nakakuha ka rin?"-ako

"yeah... bakit? may ganito ka rin?"-Vids

"Oo.."-ako

Chineck ko ang iba pang upuan pero mukhang kami lang dalawa ang may ganun.

"Vids, favor lang wag mo muna sanang ipa alam o ipakita sa iba ang tungkol dito sa pendant na to."-ako

"Hhmm ok sure! no problemo with that."-Vids

*kringggg* *kringgg*

time na. uuwi na muna siguro ako.

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Killer KnocksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon