WARNING: Typographical and grammatical Error ahead ( hindi 'to SPG, 'wag kang ano)
....
"Gusto mo ba ako?, o sadyang umaasa lang ako sa mga pinapakita mo? I want to hear the answer from you so I can know if I should stop this stupid feeling that is building inside me. Because I think I am falling for you already..."
Isang malalim na buntong hininga ang kasunod na narinig mula sa bibig ni Christine, isang dalagang manunulat na ngayon ay waring tanga na kausap ang sarili habang may paggalaw pa ng mga kamay habang iniisip kung maari niya bang ilagay ang mga naisip sa kaniyang story. Hindi niya magawang masimulan dahil may isang taong gumugulo sa isipan niya. It is hard to focus when something or someone is bothering you, right?
"Bakit kase ikaw ang laman ng utak ko ngayon? Wala tuloy akong maisulat."
Napapikit siya at napayuko sa kaniyang lamesa kung saan makikita ang tambak na bulto ng mga scratch paper, ballpen na walang takip at iilang highlighters na ginagamit niya sa pagsulat.May mahaba siyang buhok na umaabot hanggang bewang, may katangkaran, kaputian ang balat at masasabing may talino rin kung pagbabasehan ang mga awards na nakuha niya sa mga nakalipas na taon.
Sino nga ba ang tinutukoy niya? Well, isa lang naman ang taong nagpapawala lagi ng katinuan niya, nagpapabuhol ng sikmura niya at nagpaparamdam sa kaniya lagi ng kaba. Isa lang at iyon ang matalik niyang kaibigan.
Iikot na lamang ba ang istoryang ito sa pagkakagusto ng tao sa kaniyang kaibigan? Maaring oo, maari rin namang hindi.
Ilang taon na rin silang magkaibigan, simula elementarya ay kasama niya na ito hanggang ngayong magtatapos na sila ng kolehiyo. Kakat'wang isipin na nagawa niyang pag-aralan ang isang kurso na hindi niya naman noon gusto. Nang dahil sa kaibigan na gusto niyang makaIBIGan,sinundan niya ang yapak nito nang sa gayon ay makasama ng matagal sa napiling unibersidad. Isang taon rin ang nakalipas bago niya natutunang mahalin ang kursong napili, malaking pasalamat niya na lang at kahit papaano ay nagkaroon siya ng interest sa nasabing kurso kung hindi, malamang ay binagsak niya na ito.
Nasa ganoon siyang sitwasyon noong tumunog ang cellphone niya. Tinatamad man ay kinuha niya ito at sinagot ang tawag nang hindi man lang tinitignan ang caller.
"Hello?"bugnot na bungad niya.
"Where are you? Hindi ka pa ba nakaready? I told you that I'll pick you up by 11. It's already 10:50, Christine." nanlaki ang mga mata niya at tinignan ang screen ng telepono at doon napagtanto na may plano nga pala silang dalawa ng kaibigan.
"Shocks! I'm sorry, nawala sa isip ko! Just give me a minute, I'll just change my clothes."natatarantang ani nito bago nagtungo sa closet at kumuha ng damit, kung ano man ang unang nakita, iyon na ang kaniyang sinuot.
"A'right, dalian mo na lang kumilos."
"Okay, okay! Bye! Lablots!" pinatay niya agad ang tawag at mabilis na nagpunta ng banyo. 'Ba't may pa lablots,self?' Sa pagpasok niya ng banyo ay muntik pa niyang masapak ang salamin sahil sa sariling repleksyon, paanong nangyari na sobrang buhaghag ng buhok niya, tabingi ang suot na salamin sa mata at putlang-putla ang mga labi.
Nang dahil nakaligo naman kagabi, naghilamos na lang siya
Mabilis ang galaw na naghilamos ng mukha, tinanggal ang natuyong muta sa mga mata at sing bilis ng kidlat na nagpalit ng damit. Thankfully, she chose a white casual dress that is above her knees with some prints on it. It is also exposing her fair legs. Sinuklay niya lamang ang buhok niya, naglagay ng liptint sa namumutla niyang labi at nagpowder ng mukha. At last, natapos rin siya. Hinanap niya ang heels na isusuot at nagmadaling lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Fallen In love
RandomAt the age of 19, Christine Angelica V. Vargaz is already fulfilling her dreams specifically being an author. She really likes creating scenarios in her head and making them as a remarkable and outstanding masterpiece. Sa ilang taon na pamumuhay ni...