TAYUTAY

48 4 0
                                    

MGA URI NG TAYUTAY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MGA URI NG TAYUTAY

1) ALITERASYON (Alliteration) - pag-uulit ng mga tunog-katinig sa
inisyal na bahagi ng salita.

Halimbawa:
Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang
nangyari sa kaniya kasama si Marco. (makikita, mga, mata, Maria,
masasayang, Marco)

2) KONSONANS - pag-uulit ng mga tunog-katinig sa final na bahagi ngsalita.

Halimbawa:
Ang aking pagmamahal para kay Rosal ay lalong tumatatag habangtumatagal. (pagmamahal, Rosal, tumatagal)

3) ASONANS - pag-uulit ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita.

Halimbawa:
Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan pagdating ko saamin.

4) ANAPORA - pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o taludtod.

Halimbawa:
Ikaw ang aking pangarap.
Ikaw ang bigay ng maykapal.
Ikaw ang lahat sa akin.

5) EPIPORA - pag-uulit sa huling bahagi ng pahayag o taludtod.

Halimbawa:
Ang Konstitusyon ay para sa mamamayan,
Gawa ng mamamayan,
At mula sa mamamayan.

6) ANADIPLOSIS - pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o
talutod.

Halimbawa:
Ang mahal ko ay tanging ikaw,
Ikaw na nagbigay ng ilaw,
Ilaw sa gabi na kay dilim,
Dilim man o liwanag, ikaw ay mahal pa rin.

7) PAGTUTULAD (Simile) - isang di-tuwirang paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay gamit ang pariralang tulad ng, kawangis ng, parang, gaya ng, makasing, at magkasim.

Halimbawa:
Parang hari si Tonio kung mag-utos.

8) PAGWAWANGIS (Metaphor) - isang tuwirang paghahambing ng magkaibangbagay at hindi gumagamit ng mga pariralang nabanggit sa itaas.

Halimbawa:
Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.

9) PAGHAHALINTULAD (Analogy) - ito ay paghahambing na nagpapakita ngugnayan ng kaisipan sa kapwa kaisipan.

Halimbawa:
Ang mga dalaga ay bulaklak at ang mga binata naman ay bubuyog.

10) PAGBIBIGAY-KATAUHAN (Personification) - ginagamit ito upang bigyang-buhay ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga itong mga gawi o kilos ng tao.

Halimbawa:
Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.

11) PAGMAMALABIS (Hyperbole) - lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mgapahayag kung pagkasusuriin.

Halimbawa:
a. Narinig ng buong mundo ang iyong sigaw.
b. Huminto ang pagtibok ng aking puso nang makita kong may kasama siyangiba.

12) PAGPAPALIT-TAWAG (Metonymy) - ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy.

Halimbawa:
Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas. (palasyo -Presidente ng Pilipinas)

13) PAGPAPALIT-SAKLAW (Synecdoche) - ito ay ang pagbabanggit ng bahagibilang pagtukoy sa kabuuan.

Halimbawa:
Apat na mata ang patuloy na tumititig sa kanya.

14) PAGLUMANAY (Euphemism) - ito ay paggamit ng mga piling salita upangpagandahin ang isang dikagandahang pahayag.

Halimbawa:
Sumakabilang buhay kagabi ang ama ni Nena.
(sumakabilang buhay - namatay)

15) PANAWAGAN (Apostrophe) - ito ay isang panawagan o pakiusap sa isangbagay na tila ito ay isang tao.

Halimbawa:
a. O tukso! Layuan mo ako!
b. Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.
c. Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian.

16) PAGHIHIMIG (Onomatopeia) - sa pamamagitan ng tunog o hiimig ng salitaay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.

Halimbawa:
a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng matatalimna kidlat.
b. Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.

17) PAG-UYAM (Irony) - isang pagpapahayag na may layuning mangutya ngunititinatago sa paraang waring nagbibigay-puri.

Halimbawa:
Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya langang humahanga.

18) PAGTATAMBIS (Oxymoron) - ito ay ang paglalahad ng mga bagay namagkasalungat upang higit na mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa:
Kailan nagiging tama ang mali?

19) PAGLILIPAT-WIKA (Transferred Epithet) - tulad ng pagbibigay-
katauhan na pinagsasabay ang mga katangiang pantao na ginagamit ang pang-uri.

Halimbawa:
Madilim ang kinabukasan para sa kaniya at kaniyang pamilya mulanang iwanan sila ng kanilang ama.

20) TANONG RETORIKAL (Rhetorical Question) - ito ay isang tanong na walanginaasahan sagot na ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig angmensahe.

Halimbawa:
a. Natutulog ba ang Diyos?
b. Bakit napakalupit ng kapalaran?

****
Pa click naman po ng Star. Thank you po.
👇👇👇

𝐋𝐄𝐓 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐄𝐖𝐄𝐑: 𝐕𝐎𝐋𝐔𝐌𝐄 2Where stories live. Discover now