Clandestine's POV
Nandito ako sa tabi ng dagat nakatira. Pauwi na ako galing sa trabaho para maka tulong ako sa magulang at nakakuha ako ng 300 pesos dahil sa pag huhugas ko roon sa fast food. Pero nung malapit na ako sa bahay parang galit na galit sila. Ewan ko ba! Siguro dahil sa akin na naman. Pumasok na ako ng bahay.
"Oh may natulong ka ba? Wala ka namang kinikita riyan eh! Mas mabuti kung sa Maynila ka nalang mag-aral." bungad sa akin ni Nanay na may uban na dahil sa pagkunsumisyon sa aming dalawa ni Vantage pero magandang idea ang sinabi niya. Gusto kong mag-aral sa Maynila!
"Tutal matalino ka roon ka narin tumira 'wag ka narin babalik dito. Doon ka na magtrabaho tsaka padalan mo narin kami, malaki naman ang sweldo mo doon eh!" Dagdag niya pa. Ha! Okay na sana, dinagdag niya pa 'yan. Tutal ampon lang naman ako kaya sila ganyan lalo na nung dumating si Vantage. Anak nila nanay Roma.
"Tsaka para may pampa-aral 'tong si Vantage." Ha! Eh public school 'tong si Vantage! Kailangan pa ba ng pera pag sa public?!
"Eh! Public naman 'yang si Vantage ah!" Sobra na 'to! Buti nalang matalino ako at scholar sa school na papasukan ko.
"Huwag nang mag reklamo! Umalis ka na bukas at laging mong tandaan araw-araw mo kaming padalahan ng pera ha?!" Hindi pwede 'yun eh pamasahe ko naman na 'yung sweldo ko siguro.
"Eh Na-" Naputol yung sinabi ko at sumigaw si Nanay.
"Wag mo akong tatawaging nanay! Mag papasukan na at wala pang pam bayad sa eskwelahan si Vantage! Sa Private ko na siya i-papasok! Lumayas ka na nga! Nakakaasar ka!" Grabe na hindi ko na kaya 'to! Sobra na. Sobra na.
"Pwes! Aalis na ako dito at hahanapin ko ang kapatid ko pero isang beses kada buwan lang ang pag papadala ko sainyo sumusobra na kasi kayo eh! Porket ampon ako ganyan na kayo! Lalo na nung dumating 'yang si Vantage na 'yan! At tatandaan niyo hindi Miseries ang apelyido ko!" Naaawa na ako sa sarili ko! Naisip ko bakit ba ako pinaampon ng magulang ko at hindi man lamang inisip ng kinalakihan ko na hanapin ang magulang ko.
"Ma naman! Ang habol mo lang kay ate ay pera! Pera ang habol mo kay ate! Kung gaganyanin niyo lang ang ate ko sasama ako sa kaniya! at hindi niyo rin ako anak kasi ni-hindi niyo nga alam na nag ta trabaho ako at nakapag-ipon na! Sasama talaga ako kay Ate at may dala akong sarili kong pera!" Bakit siya sasama eh hindi ko nga mabuhay sarili ko eh! Siya pa kaya? Paano naman 'yun? Pero nakakatuwang isipin na sa akin siya kumampi kaysa sa nanay niya.
"Ate mag empake na tayo! Maikli lang naman yata ang linya sa terminal ng bus." Talagang sasama siya.Pinipigilan na nila nanay si Vantage kasi nga siya lang ang nag-iisang tunay na anak.
"Ate tara na! Tutal na ka pag-empake ka naman na yata!" Hinahabol kami nila Nanay Roma pero sinisipa ni Vantage sila palayo. Matanda narin kasi sila nanay kaya medyo may rayuma narin. Tsaka hinihila na ako ni Vantage para maka layas agad-agad wala nang nagawa 'yung mag asawa.
***
Nasa terminal na kami ni Vantage at hindi na ako naiinis sa kaniya kasi kahit pa-paano nariyan siya para sa'kin, para suportahan ako kaso nga lang baka kasuhan ako ng magulang ni Vantage ng kidnapping.
BINABASA MO ANG
Enigmatic & Clandestine
Teen FictionClandestine Miseries is a girl with a chaotic life. She works and studies at the same time. But despite of all of that, she was determined to finish her studies to have a good job and to find his long lost brother. That is all she wanted. So simple...