1. It Will Rain

7 1 0
                                    


“I love you!”

“I love you, too.”

“I love you, more!”

“I love you, most.”

“Okay, hon. You win,” nakataas ang dalawang kamay na sabi ni Ace.

Napangisi ako, “I told you, hon, mas mahal kita,” ngiting-ngiting sabi ko, sabay yakap sa braso niya.

‘Kay sarap nga namang balikan ng nakaraan, kung saan sa simpleng sabi mo ng mahal kita ay pareho tayong mangingiti na. Ngayon, hanggang dito lang ako at panonoorin ka na sumasaya sa iba. Masakit, pero ngingiti ako nang pilit.

Tumalikod na ako sa kanila at nagsimula nang humakbang palayo, kasabay nang pagpatak ng mainit na likido mula sa mga mata ko ay ang marahas na pagbagsak ng ulan. Napangiti ako nang mapait, “Marunong kang maki-sabay,” mahinang saad ko sa kawalan habang tuluyan nang nababasa ang aking kabuuan.

Lumipas ang mga buwan, nabalitaan kong katulad na rin kitang naiwan. Gusto kong tumawa, kung bakit ‘kay bilis naman yata at kayo'y natapos na?

Isang araw bumalik ka at heto naman akong si tanga, na walang alinlangang tinanggap ka. Katulad ng dati ay muli kong narinig sa aking mga kaibigan ang katagang, “Sheia, marupok ka,” tatawa na lamang ulit ako, pamba-balewala sa sinasabi ng iba, dahil basta't kasama kita, ako'y buong-buo na.

Lumipas ang ilang buwan, muli kong naramdaman ang pagbabago sa ating samahan. Gaya ng dati, hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin, sa takot na ako'y muling maiwan mo din.

Kataka-taka pero isang araw ang dumating na wala ka na naman sa aking piling. Hawak ka na naman ng iba at heto, ako ay lilisan na. Muling tatalikod, kasabay ng pagpatak ng ulan ay iiyak.

Isang malamig na hapon, mukha mo ang aking nasilayan. Muli kang nagbabalik. Pero, sinta, wala na akong madama. Muli kitang pinatuloy sa aking buhay, sa huling pagkakataon. Umaasang may pagbabago pang mangyayari sa pagitan nating dalawa. Pero, baka nga mali na ipagpatuloy pa ang pagpa-pakatanga. Heto ka na naman, muling nagpapaalam.

Sheia... I'm sorry. I loved you, but —”

“No, you don't,” tinignan ko siya nang diretso sa mata, “..you never did, Ace.”

“Why can't you be mine for life?” naiiyak na sabi ko.

“I'm sorry, Sheia. I can't be your permanent one,” mahinang saad niya.

Napatawa ako nang bahagya sa narinig. Napalingon ako sa labas ng restaurant na kinaroroonan namin. Muli na namang bumabagsak ang ulan. Sa huling pagkakataon, muli niya akong sasabayan. Inalala ko ang bawat panahon at oras na iginugol ko sa lalaking ito sa harapan ko. Mga panahong ang pag-iisip ko ay napupuno ng samu't saring katangahan, ni-hindi ko napansin na nauubos na ako.

Unti-unting nauupos, dahil ang lahat-lahat ay naibigay na sa 'yo. Pero hanggang dito nalang siguro.. Pagod na ako, mahal ko.

Mayroon talagang mga panahong sasaya ka nang sobra, pero hindi mai-iwasan ang kapalit na sakit na madarama. Maaaring maaraw ngayon, bukas ay uulan na.

“Then, I'm sorry, Ace..” nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya pero ang bibig ay nananatiling nakatikom.

Tumalikod ako, handa nang iwan ang lahat ng tungkol sa kan'ya, ang lahat ng kalokohang namagitan sa aming dalawa, ang lahat ng sinayang kong panahon kasama siya. Heto ako, aalis na at hindi na muling babalik pa.

“I can't be your pansamantala.”









A/N: Thoughts mo kay Sheia? You can drop it on the comment section. I hope you enjoyed reading “It Will Rain”, people! Thank you!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now