first real crush

80 1 0
                                    

Mika

Sa pag daan ng panahon, ganu padin ang buhay ko
Tahimik, makulit

Napag alaman kong sec. 3 sya pano? Kasi may mga kaklase syang pamilyar sakin

May event ngayon
Syempre hindi mawawala sa eksena ang one of school pride
"Palakpakan natin ang CORO ANGELITOS"
sabi ng MC
nagpalakpakan naman kami
Isa isa lumabas sila at pumunta sa kanya kanyang pwesto
wala kang itulak kabigin, bilang babae masasabi kong
gwapo sila

Lumabas na ang kaisa isang lalaking kilala ko ng personal
Hindi ko alam kung bakit pero parang
Ang ganda tingnan ng suot nya sa kanya
Alam ko hndi ko sya crush at tinuro ko lang sya dahil nakukulitan ako kay erich
Pero bakit...
Yung puso ko, habang nag peperform sila, parang, mabigat na parang natatae ako na ewan
Ang gwapo nya
Iniling ko ang ulo ko

Mayabang yan! Masama ang ugali nyang, mapanlait basta!! Masama yan!!!
..............................
Lumipas ang panahon
Nakita ko nalang ang sarili ko na palaging nakatingin sa kanya
at namamangha sa pisikal nyang kaanyuan

"Class quite may sasabihin si Sir Johari"
Sabi ni Maam Valera ang eng. Teacher namin
"ok class, kung meron ditong gustong sumali ng volleyball team pumunta lang sakin para magpalista okay?"
Hindi ako interesado since wala akong kaht anung alam sa larong yun
"May hika ako sayang"
Sabi ni Lhiza
"Gusto mong sumali?" Tanong ko sa kanya
"Di pwede eh"

"Parang gusto kong sumali, kaso minsan nakakatamad gumising ng maaga tapos mag practice sa quadrangle"
Sabi ni Mae
Teka...
Anu daw?
Diba pag volleyball player athlete ka ng school
Meaning makaka daan ka sa main gate
Para naman akong naalarma
"Oo tapors kasabay nyo pa mag practice yung Coro"singit ni erich
Coro???
Meaning....

"Mae, san room ni Sir Joharri? Tara palista tayo"
Parang nagulat naman sila sa pinag sasabi ko
Pero wakompake!!!
Practice
coro...
Umaga!!
Main gate
:D sounds great!!!
..............................

Matapos ang ilang buwan na kasali ako sa team
Heto ako... wala padin alam sa paglalaro
Well,may natutunan naman na ko kahit pano pero sobrang konti

"Ok, magkampihan na kayo tapos mag uumpisa na tayo"
Eto na nga ba ang kinatatakutan ko
ang practice match

Hindi kami magkakampi ni Mae
Sa kabila sya

Patuloy ang pag papa sahan ng bola
Hanggang sa

Ayun sya...
Isang kita ko lang sa kanya parang ang saya na
parang tumitigil ang mundo ko
Ewan ko ba
Siguro oras na para amining
CRUSH KO SYA

"MIIIKK!!!!"
naalimpungatan ako sa sigaw ng lahat
Nakita ko nalang ang bola papalapit sakin kaya naman dahl magaling ako
Agad agad ko itong iniwasan
Tumakbo ako pakaliwa at laking tuwa ko ng wala akong maramdamang sakit
Nung tingnan ko ang teammates ko literal nananlalaki ang mata nila at pare parehong nakatingin sa isang direksyon, at pati na din ang ibng tao sa quadrangle
Nang sundan ko ng tingn ang tinitingnan nila
Nahawa ako sa panlalaki ng mata
si Maam Simangca
MAPEH teacher namin
Lagot na!!!
Natamaan sya sa mukha
"Sorry po"
Hinging dispensa ni Mae dahil sya ang tumira
"Tingnan natin ang galing mo sa klase"
Mapagbantang sabi ni Maam tapos naglakad paalis
Lagooot!!!
Tiningnan naman ako ng masama ni Mae
Then i mouthed sorry
.....................

Oo na, alam ko..
Guilty ako

"Kahit gano ka kagaling sa larong napili mo, wala yang talab dahil kaya kitang ibagsak"
Pasaring ni Maam Simangca
Sa room ako at si Mae lang ang nakaka alam na sya ang pinaparinggan at ang dahilan nito
Pero dahl dalawa lang naman kaming naglalaro sa buong klase may mga nakaka kutob na din

PUPPY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon