Kabanata 1

0 1 0
                                    

Maganda ang mundo.

Ang kalikasan na napupuno ng berdeng desenyo.

Ang dagat na napupuno ng iba't ibang nilalang na pang-tubig.

Ang himpapawid na kung saan makikita ang tila cotton candy na ulap at sasakyang pang-himpapawid.

Maganda talaga ang mundo. Ngunit ang mga nakatirang may pag iisip lang ang hindi.

Ang iba'y para bang nasisiyahan pa sa nangyayari sa kapaligiran. Ang iba nama'y nalulungkot na lamang sa mga nangyayari.

Ako?

Hindi ako nasisiyahan sa nangyayari sa mundong ito. Nalulungkot ako sa sitwasyon nito ngayon. At walang magawa kung hindi obserbahin na lang ang aking paligid dahil isa lamang akong mababang uri ng tao, walang kapangyarihan.

Ngunit balang araw gusto kong baguhin itong tinutuluyan kong mundo o kung hindi kaya ay itong bayan na lang na ito ang babaguhin ko.

Ngunit paano ko nga ba mababago itong lahat kung mas marami pa rin ang gumagawa ng ikasisira ng mundo sa mga nag aalaga nito?

"Ikay, anak, pakitulungan mo na nga ako dito!" Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang sigaw ni Tiya mula sa loob.

"Opo, tiya, nandiyan na," malakas kong sagot. Muli ko pang pinag masdan ang paro-parong nakadapo sa mga bulaklak ng nakangiti bago ako pumasok sa loob upang tulungan si tiya.

Nakita ko ito na may dala-dalang malaking kahon at dalawang malalaking bayong.

Agad ko itong dinaluhan dahil halatang hindi na nito kayang buhatin lahat. Kinuha ko sa kaniya ang dalawang bayong at inalalayan siya sa kahon.

"Bakit hindi niyo ho ako tinawag agad, tiya?" Tanong ko dito. Nilagpasan namin ang receiving area papunta sa living room at doon inilagay malapit sa may estante ang mga dala namin.

Nag unat ito ng likod. "Hay! Ang sakit sa likod," daing nito at tinignan ako. "Anong hindi kita tinawag? Kanina ko pa sinisigaw ang ngalan mo dine pero ano? Hindi mo narinig. Ikaw talagang bata ka, ano bang pinag kakaabalahan mo sa garden na iyon ha?"

Ngumiti lang ako at humingi ng tawad dito at niyakap ito. Bahagya ko pang hinilot ang likod niya upang maibsan ang sakit nito. "Pasensya na po, tiya. Sobrang nagagandahan lang po ako sa mga bulaklak, nakaka-gaan sila ng pakiramdam, subukan niyo po minsan silang pagmasdan."

Bumuntong hininga ito at niyakap din ako. "Oo na, nakung bata ka, uutuin mo pa ako."

Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Humiwalay na ako dito at nagpaalam na sa kuwarto muna ako.

"O siya sige. Lumabas ka mamayang tanghalian at ipaghahanda natin sila Ma'am ng makakain nila." Sabi nito sa akin.

"Opo, tiya."

Pumasok na ako sa maid's quarter at ginawa na ang kailangang gawin.

Simula nang umalis kami sa bayan ng del rio, kung saan talaga kami nakatira, ay dito na kami napapad ni tiya. Buti na nga lang may kakilala siya rito kung hindi ay baka hanggang ngayon nangangapa pa rin kami.

Si Ma'am Loella ang amo namin dito. Ito ang kumupkop sa amin mula no'ng wala kaming mapuntahan, ito rin ang sinasabi ni tiya na kakilala raw niya. Mabait si Ma'am Loella sa amin, kahit kailan hindi niya sinigawan ang sino man sa mga nag tatrabaho para sa kaniya. Kaya nga ang laki ng pasalamat ko dito dahil kahit ako ay ayaw niyang mag trabaho ako dahil nga daw bata pa ako at hindi ko pa kaya.

Ngunit lagi kong sinasabi dito na kaya ko at nakakahiya naman kung hindi ako tutulong e nakikitira lang naman ako dito. At dahil mapilit ako hinayaan na lamang niya ako na magtrabaho ng mas magaan kesa sa ibang trabahador dito.

Ako ang taga-dilig ng mga halaman sa graden ng bahay na ito. Lagi rin ako doon kapag wala ng gagawin na trabaho.

Ngayong labing anim na taon na ako ay dinagdagan ko ng kaunti ang trabaho ko, oo, ako ang nagdagdag dahil kaya ko naman. Minsan naglilinis na rin ako ng mga kuwarto dito at kahit ang Comfort Room at Bath room nila ay nililinis ko na rin.

Lumabas na ako ng aking kuwarto nang alas-onse na ng umaga. Sa mga oras na ito ay nag-luluto na si tiya at ibang katulong para sa kakainin ni Ma'am Loella.

"Ako na maghihiwa ng sibuyas, tiya." Presenta ko dito nang makita kong marami pa itong pinakukuluan.

"Sige nga't matulungan mo na ako dito." Sabi niya kaya nginitian ko siya at kinuha na ang sibuyas at kutsilyo.

May sumiko sa akin kaya napatingin ako dito. Si ate Linda.

"Hindi ka talaga mukhang muchacha, beh. Mas mukha kang madam," sabi niya sabay tawa nito. Napangiti ako.

Madalas ako nitong biruin na mukha akong mayaman at hindi isang hamak na katulong lamang. Dahil daw sa makinis at maputi kong balat.

Natatawa na lang ako kapag sinasabihan niya ako ng ganoon. Natutuwa ako na may nakakakita pa rin ng kagandahan ko, at siyempre kagandahang asal na rin.

"Ikaw talaga, ate, tigilan mo na nga ako." Sagot ko dito habang nakatinigin sa hinihiwa dahil baka sa kadadalan ni Ate Linda ay iba mahiwa ko.

"Hmp! Bilib me, beh. Ganda mo."

Tumawa ako. "Believe me po, ate at hindi bilib me."

"Oo na, ikaw na." Iminuwestra pa nito ang kaniyang kamay na parang binibigay ang korona sa akin.

"Hoy, kayong dalaw tama na ang chismisan. Pababa na ang Madam, magmadali!" Bigla kaming natahimik na dalawa nang sumilip si Mrs. Magda sa ginagawa namin.

Ito ang mayordoma ng mansyon. Siya ang may pinakamataas na posisyon sa amin. Ang namumuno sa lahat ng katulong.

Maayos ang pamamalakad ngunit ubod naman ito ng sungit. Laging kaming dalawa ni Ate Linda ang pinapagalitan niya.

"Pasensya po, Mrs. Magda." Sabay naming sabi ni Ate Linda habang nakayuko.

Umasik ito bago kami lagpasan para tignan din ang iba. Ginaya rin ni Ate Linda ang pag asik ni Mrs. Magda habang nakasunod ang tingin namin dito.

"Ang sungit talaga ng matandang 'yan! Nakakapanggigil na, lagi na lang tayo ang pinapagalitan! Ang hina na nga ng boses natin pero lintik na tenga 'yan ang talas pa rin ng pandinig!" Mahina nitong reklamo habang inilalagay na ang putahe sa mga plato. Pansin ko sa kaniya na mahilig itong pagandahin at desenyohan ang mga pagkain kaya lagi ding pinupuri ni Ma'am Loella ang mga luto nila tiya.

"Hayaan mo na lang siya. Tsaka tama naman siya na hindi dapat tayo mag usap pag oras ng trabaho. Nakakabagal lang iyon sa ating ginagawa." Depensa ko kay Mrs. Magda. Hindi rin tama na magsalita ng kung ano-ano laban sa isang tao gaya ng ginagawa ni Ate Linda kanina.

Pero teka sinabihan ko rin ng masungit si Mrs. Magda kanina 'di ba? Pasensya, Mrs. Magda kung gano'n.

—————————————
—————————

Thank you for reading!

To Fix You (Red String #1)Where stories live. Discover now