THEO'S POV
"Hoy theo! Ginagawa mo dyan?" Sabay batok ni sail sa akin
"Ano ba!." Inis na sambit ko habang masamang tinignan ito
"Wow~ Ang aga mo naman panoorin si shamy!" Hula nito dahil Nakita niya ako na nangmumuni muni sa harap ng bintana ng room namin
"Papasok pa lang siya. Kaya napatingin ako sa bintana" Palusot ko pa
"Huh? Nasaan siya?" Gulat na tanong nya dahil tama sya ng hinala
"Ayun." Nakangiti kong tinuro si shamy kasama ang dalawa nitong kaibigan habang naglalakad sa court ng aming school.
Sumilip naman si Sail sa bintana "How is that right here? She's all the way over there!" Gigil na sambit nito
"You're overreacting again Sail."
"Tsk tsk tsk." Dismayadong pa itong tumingin sa akin. Paglingon namin sa bintana ay nakita namin na kausap na ni Shamy ang boyfriend nito
"Boyfriend niya yung naka number 5 batter na si Nash Samir?" tanong ni sail ng nakatingin sa mga ito, lumingon ulit si sail sa akin "Si Shamy na Goddess doon at Theo, na nakatayo dito... you two live in two different worlds." Turo pa nito sa akin at kay shamy na parang pinagkukumpara nito ang estado naming dalawa
"If you live in a different world, does that mean you can't even like her?" Malungot na sagot ko habang nakatingin kay shamy na kausap ngayon ni nash
SHAMY'S POV
Habang naglalakad kami nila Bia at Ary papunta sa aming room, naaaninag ko si nash na papunta sa amin, napairap ako dahil hindi ito sumipot sa birthday ko
"Pwede ba tayong mag usap?" Tanong nya sa akin
"Talk now" walang gana kong sagot
"Maraming tao dito" lingon nito sa paligid at sa dalawa kong kaibigan. Hinawakan nya ang kamay ko para hilain "Can you excuse us for a minute?" Tanong pa nito sa mga kabigan ko, sabay lakad namin
THEO'S POV
Habang papunta ako sa canteen nakasalubong ko ang isa kong babaeng classmate na hirap na hirap sa pagbuhat ng libro papunta sa library kaya inulungan ko ito
"Thanks theo" pagpapasalamat nito pagkatapos naming ibaba ang libro
"Wala yun"
Paglabas ko ng library nakasalubong ko si Shamy at nash na magkahawak kamay
"Can you get out of our way? Medyo busy ako ngayon " si nash na akala siguro fan nya ako
"Oh... okay!" Gumilid ako para makadaan sila tinignan ko pa silang dalawa habang naglalakad patungo ata ng rooftop
(Si Shamy na Goddess doon at Theo, na nakatayo dito... you two live in two different worlds.) Bigla ko nalang narinig ang boses ni sail
SHAMY'S POV
Pumunta kami sa hallway ng rooftop para makapag usap na dalawa
"Anong nangyari kahapon?" Galit na tanong ko
"Nagpapractice kami and i was on a roll. Nagkatuwaan hanggang nakalimutan ko ang oras." Tumingin ito sa akin dahil hindi ako nagsasalita "Dapat ay naghintay ka pa ng ilang oras pupunta naman ako agad." I rolled my eyes. ako paghihintayin mo ha?
"Hoy nash."
"Yeah?" Sagot nya habang nag ppuppy eyes
"Baka nakakalimutan mo siguro ako si Shamy Bocem. You might be confused because i... do i look easy to you!?" Sabi ko pa dito at tinaasan ito ng kilay
"No~ Masyado kang maganda para mag-isip pa ako ng iba tungkol sayo " sagot nito na parang nagpapaawang bata "kung ngayon kaya natin icelebrate your birthday that i missed yesterday. Kahit late na
BIA'S POV
Dahil pinanganak kaming chismosa Sinundan namin sila Nash
"Naririnig mo ba dyan? Mukhang pinaguusapan nila yung tungkol sa birthday ni shamy o..." tanong ni ary sa akin. Hindi naman namin kailangan yumuko para magtago ewan ko ba dito Mukhang detective ang pwesto
"Yeah, sumobra na 'yang si nash. Nakalimutan niyang tawagan si shamy dahil sa baseball at hindi ko akalain na gagawin niya rin 'yon sa birthday niya." Sagot ko dito
"True! May lakas pa syang magsabi ng "Can you excuse us for a minute?" Anong silbi ng pagiging good looking nya kung he's the worst boyfriend ever naman" si ary, totoo naman nash is the worst boyfriend ever. shamy doesn't deserve him
SHAMY'S POV
"I can't go on anymore" even my pride can't take it anymore
"Patawarin mo na ba ako ngayon?" Lumiwanag ang mukha nya dahil akala nya patatawarin ko na sya
"No, Nakikipaghiwalay na ako sayo. So get out of my way." Nakita ko ang inis sa kanyang mukha kaya umalis na ako ngunit hindi pa ako nakaka dalawang hakbang hinarangan na nya ang daraanan ko
"Bawiin mo yung sinabi mo. Then I'll get out of your way"
"Kailan mo pa ako nakitang bawiin yung sinabi ko? I won't take it back." Pagmamatigas ko
"Bakit hindi? Bigyan mo ako ng dahilan. Bakit hindi mo kayang bawiin." Kinabahan ako dahil wala akong ibang maisip na dahilan, hindi sya papayag kapag sinabi kong ayoko na sa kanya dahil wala sya laging oras sa akin na maski birthday ko kinalimutan nya. Nagisip ako ng ibang dahilan
"M- may bago na akong boyfriend. " Tinitigan nya ako ng ilang sigundo pagkatapos ay tumawa sya
"Talaga? Sino?" Oh ow sino? pwede bang ang dami nitong tanong "Tinatanong ko, sino?" Nakita ko na sa gilid ng pader ng hallway may mga picture ng myembro na hindi ko alam broadcast club ata ito naghanap ako ng pwedeng ituro doon ng may nakita akong pwede
^.^