#1 Your Promise

13 2 0
                                    

"Mama, naniniwala ka po ba sa werewolves?" Hinahanda ko ang mga bedtime story books ng aking anak ng biglang siyang nag tanong.

"Hmm... maybe," sagot ko sa anak ko.

"Bakit po, Mama? Nakakita kana po ba ng werewolves?" nagtataka niyang tanong.

Tumango ako bilang sagot. Nakita ko ang gulat at exciment sa kaniyang mukha. "Talaga po, Mama? Ano pong istura nila? Maganda po ba sila?"

Natigilan ako sa tanong ng aking anak, at may na ala-alang pangyayari. Tumabi ako sa kaniya at umupo, sinenyasan ko siyang tumabi sa akin na kaagad niya namang tinugon.

"Halika, 'wag muna nating i-read 'yung story books mo. May iku-kwento ako sa'yo." Ipinahilig ko ang kaniyang ulo sa aking dibdib at nag simulang mag kwento.

-

Kakaligpit palang ni Afina sa kaniyang hinigaan ng may tumawag sa kaniya, "Mahal ko!"

Agad na lumingon si Afina sa pintuan ng bigla itong bumukas.

Sumilay ang matatamis na ngiti ni Aoko ng makita ang kasintahang nakatayo sa tabi ng kama, "Handa kana ba?"

Ngumiti si Afina at agad na tumango.

"Okay, halika na." ani ni Aoko at hinawakan ang malambot na kamay ni Afina at mahinang hinila ito.

Si Afina at Aoko ay magkasintahan. Nagkakilala sila sa kabilang bundok na pagmamay ari ng kanilang reyna habang sa kabilang bundok naman ay pagmamay ari ng hari na dating tinitirahan ni Aoko.

Malapit nang gumabi ng makarating sila Afina at Aoko sa kanilang destinasyon. Agad na namangha si Afina dahil sa ganda ng tanawin. Nasa itaas sila ng bundok, niyaya niya si Aoko dahil may magandang sasabihin ito sa kaniya. Pero, wala siyang ka alam-alam kung sa'n siya nito dadalhin.

Inilapag ni Aoko ang hapin para sa kanilang pagkain, pagkatapos niyang ihanda ang kanilang pagkain sila ay umupo na.

"Ang ganda rito. Nakapunta kana ba dito dati? Hindi mo sinabi sa akin, edi sana nakasama ako." Tanong ni Afina na may bahid na tampo.

"Oo, pero isang beses palang, no'ng hinanap ko ang agimat." Natatawang sagot ni Aoko.

Tumango si Afina at kinuha ang nilahad ni Aoko na pagkain.

Nagsimula silang kumain at magkwentuhan. Napuno ng tawanan ang gubat dahil sa mag-kasintahan.

Humupa ang kanilang tawanan ng may kinuha si Aoko sa kaniyang bulsa. Inilabas nito ang singsing na may dyamanteng kulay asul, kasing kulay ng mga mata ni Afina.

"Mahal ko, hindi man ito kasing garang pag aalok ng kasal kagaya ng iba pero ipinapangako kong ito ay magiging espesyal na araw sa buhay mo. Afina, mahal ko, ipinapangako kong aalagaan at mamahalin kita habang buhay. Afin-?" bago pa man matapos ni Aoko ang sasabihin sumagot agad ang kasintahan.

"Oo, oo papakasalan kita." naiiyak nitong sambit.

Bakas ang gulat at saya sa mukha ni Aoko, "Talaga, talaga? Papakasalan mo ako?" Hindi nito makapaniwalang tanong.

Tumango si Afina. Tumayo si Aoko at nagsisi-sigaw, natawa naman si Afina sa ginawa ng kaniyang kasintahan na magiging asawa na niya.

Biglang umupo si Aoko sa harap ni Afina at sinuot ng singsing na kasyang kasya sa daliri niya pagkatapos no'n ay hinalikan niya si Afina, "Pangako, pangako hindi kita bibiguin. Palagi lang akong nasa tabi mo, hindi kita iiwan."

Pinahid ni Afina ang luhang nasa pisnge ni Aoko at ngumiti ng matamis habang pinaglapat ang kanilang noo, "Aasahan ko iyan."

Linigpit na ni Aoko ang kanilang pinagkainan at hapin para umuwi. Habang naglalakad sila pauwi napansin ni Aoko na parang may gustong sabihin si Afina, pero hindi niya magawa kaya tinanong niya ito, "Mahal ko, may nais kabang sabihin?"

Napatol sa gulat si Afina at agad na umiling, "Wala naman..." sagot nito.

"Sigurado ka?" Tanong ulit ni Aoko.

Bumuntong hininga si Afina, "Mahal, ano kasi eh..."

Tumaas ang kilay ni Aoko na para bang hinihintay niyang ipagpatuloy ni Afina ang kaniyang sasabihin.

"Buntis ako," pag aamin ni Afina.

Parang lumabas ang kaluluwa ni Aoko sa kaniyang katawan na agad namang bumalik dahil sa sinabi ni Afina, "T-totoo?" nauutal nitong tanong.

Alanganing tumango si Afina. Bigla namang kinarga ni Aoko si Afina dahilan para mapasigaw ito sa gulat. Isiniksik ni Aoko ang ulo sa leeg ni Afina at sinabing, "Ito ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko."

Hindi ko namalayan na tumulo pala ang aking luha agad ko itong pinahid para hindi makita ng anak ko.

Hindi alam ng magkasintahan na iyon din pala ang huling araw na sila ay magkakasama.

Pagkauwi nila Aoko at Afina agad silang naligo at naghanda para sa pagtulog. Hihiga na sana si Afina ng makarinig sila ng sigaw galing sa labas ng kanilang bahay.

Agad na lumabas si Aoko para tignan ang kaguluhan, dali dali itong bumalik at inalalayan si Afina patayo, "Bakit? Anong meron?" nagtataka nitong tanong.

"Mga kalaban." may kinuha ito sa drawer na maliit na bag at hinila papalabas si Afina, dumaan sila sa likod para hindi sila makita ng kalaban.

Sumunod naman si Afina sa kasintahan, "Iyan ang susi sa mundo ng mga tao diba? Anong gagawin mo diyan?"

Naglakad sila sa madilim na gubat hanggang sa makarating sila sa katapusan nito na may malaking puno.

"Inumin mo ito," inilahad ni Aoko ang bote na may lamang tubig na kulay dilaw.

Agad naman itong ininum ni Afina at nakaramdam ng kakaiba, unti unting nawawala ang kaniyang puting buntot at tenga, pinalitan nito ang pang taong tenga. Gulat na napatingin ito sa kasintahan, "Iyon ay ang mahika para tayo ay maging tao, bakit mo pina-inom sa akin iyon?!" gulantang nitong tanong.

Hindi siya pinansin ni Aoko bagkus ay kinuha niya ang susi sa maliit na bag at ipinasok iyon sa maliit na butas. Bumuka ang puno at lumabas ang nakasilaw nitong liwanag, umiling si Afina na para bang alam na niya ang gagawin ni Aoko, "'Wag mahal ko, hindi ko kaya."

Lumapit si Aoko kay Afina at niyakap ito ng mahigpit, "Kayanin mo, para sa magiging anak natin, kayanin mo." hinalik-halikan nito ang kaniyang noo.

Tumugon si Afina ng yakap at umiyak, "Diba sabi mo 'di mo ako iiwan na dito kalang sa tabi ko, diba?"

Pinahid ni Aoko ang mga luha ni Afina at hinalikan ito ng mariin sa labi, "Hindi nga kita iiwan, nasa puso mo lang ako palagi, babantayan kita mula rito." Itinulak niya ng mahina si Afina papuntang liwanag galing sa puno.

"Paano ang anak natin? Iiwan mo kami, papakasalan mo pa ako, diba? Akala ko ba maaasahan kita?!" mas lumala ang pag-iyak ni Afina.

"Kailangan nila ng tulong, mahal ko," saad nito.

"Ako?! Paano ako, kailangan din naman kita, ng anak natin!?" nanlabo ang tingin ni Afina dahil sa kaniyang mga luha.

"Babalikan kita, pangako." yinakap ulit nito mahigpit at hinalikan ang mga mata nito. Lumuhod siya sa harapan niya at hinalikan din ang tiyan nito, "Babalikan ko kayo."

Naka rinig sila ng kaluskos sa kanilang likod at sigaw, nataranta silang dalawa. Tinulak ni Aoko si Afina, pero ngayon ay may halong lakas na,
"Pumasok kana!" sigaw nito.

Yumakap ulit ng mahigpit si Afina kay Aoko at binigyan ito ng halik, "Mahal kita, Mahal ko."

"Mahal din kita," sagot nito. Pumasok na si Afina sa liwanag at humarap kay Aoko, binigyan niya ito ng matamis na ngiti na tinugunan din naman ni Aoko, ngiti na 'di niya na muling masisilayan.

Mas lumala ang pag tulo ng aking luha, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ang aking anak.

Ini-ayos ko ang kaniyang paghiga at kinumutan ito, at hinalikan ang noo, "Wanna know something, anak? I am Afina, and your father is Aoko. Your father never returned as he had promised."

-

Written at : 05.08.22

B E L L A B L U E

Libra_ry (Blue's Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon