Prologue

69 0 0
                                    


Philippines, 1977

"Kap Miso! Kap Miso!"

"Sisiw lang sayo 'yan Kap! Kaunti na lang mapapatumba mo na!"

Napangisi ako habang sabay-sabay akong hinihiyawan ng mga crew member dito sa barko. Muli kong ipinako ang paningin ko dito sa lalaking kaharapan ko, both of us tightly gripping each other's hand while resting our elbows on the table.

We were engaged in an arm wrestling match. The objective was to pin each other's arm onto the surface of the table. However, I preferred to conserve my strength, so I relied more on technique to win these kinds of matches.

And for the umpteenth time, nanalo akong muli nang hindi gumagamit ng lakas.

Dahil do'n, narindi nanaman ako nang sabay-sabay na nagsisigaw ang mga crew member, na para bang hindi pa sila sanay na palagi akong nananalo. Meanwhile, my opponent, who was also one of my crew members, chuckled in defeat and took a swig of his drink.

"Iba talaga ang lakas at talino ng ating leader. Nino man walang makakatumba." Napasinghal ako sa sinabi ni Rod, ang isa sa mga crew member na siyang cannoneer dito sa barko, habang malawak itong nakangiti at may hawak din na bote ng alak.

Kinuha ko na lamang din ang bote sa tabi ko na naglalaman ng lambanog at nilagok iyon. Kalauna'y nagpatuloy na rin sa pag iinom at pagsusugal ang iba sa kabilang banda, habang masayang nagkukwentuhan.

Ito ang madalas naming libangan dito sa barko. Ang magsugal, mag inom, at magsaya. It served as our celebration and reward for ourselves for successfully doing our job as pirates.

Isa akong pirata, at ako ang pinuno ng lahat ng mga kasama ko dito sa barkong ito. 'Kap Miso' ang madalas nilang itawag sa akin. Tinitingala at ginagalang ako dito sa barko. With my leadership skills, navigational expertise, and sheer charisma, I not only earned a double share of the loot we plundered but also gained the respect of my crew members.

As pirates, we are feared as the savages of the sea. We are known for being evil and brutish, for our job is to treasure hunt, conquer the high seas, robbed ships, and launched attacks on coastal towns. Violence was needed in order to get what we wanted.

Piracy is a criminal activity that ruthless people like me engage in, but in actual fact, we are just ordinary people and are not far from those in the government who have intentions.

After two days...

Pagdaong ng barko namin dito sa isang baybaying bayan ng probinsya ng Quezon, ang mga mamamayan rito ay mabilis na nagsitakbo at nagsitago sa takot nang makita kami.

Inumpisahang habulin ng mga kasamahan ko ang mga tao dito at malupit na pinag-gugulpi at pinagtatabak. Sigawan doon at pagmamakaawa dito ang maririnig sa buong paligid.

"Maawa ho kayo! Ito lang ang mayroon kami," nakataas ang dalawang palad na pagmamakaawa ng matandang babae katabi ang isang binatilyo habang dumadaloy ang luha mula sa kanilang mga mata.

"Maawa na ho kayo!" Biglang lumuhod ang matanda sa harap ko 'saka hinawakan ang magkabila kong binti. Napakunot ang noo ko at pinilit ko siyang tadyakin hanggang sa bumitaw siya sa akin. Ngunit sadyang makulit at muling humawak sa binti ko para magmakaawa.

Bumuntong-hininga ako at aktong kukunin ang patalim sa bulsa ko nang magsalita si Rod. "Kap, wala nang makukuha dito. Doon na tayo sa kabila," saad ni Rod habang may hawak na sako na naglalaman ng mga ari-arian na aming na-plunder dito sa mga bahay ng baybaying bayan.

Kap MisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon