Chapter 01- Trouble

9 1 0
                                    

**Alexis**

"ALEXIS!!!! BUMABA KANA!! PALAGI KA NALANG LATE!!! ANUBA?!! DI KABA NAHIHIYA??! HA?!! PALALAYASIN TALAGA KITA RITONG BATA KA!!! PANG-ANIM NA LETRA NANAMAN NATANGGAP KO GALING SA GURO MO!!!" Bunganga ng tiya ko.

Pshhhh!! Di paba sila sanay sakin?? Papatayin ko talaga yung guro na yun. Wala namang kwenta kung mag lecture. Puro Buhay lang naman niya sinasabi sa harapan, d naman kami interesado.

"Papasok na po tiya. Highblood palagi tsk! K bye" Pang-aasar ko sa kanya. Umagang-umaga laki ng bibig.

"Anong sabi mo? Wala ka talagang gal-gdhdjdhdb" sinaraduhan ko ng pinto. Ayun asar na ata talaga yun.

Walking distance lang naman yung bahay namin papuntang school pero tinatamad talaga akong pumasok. Napaka boring kasi ehh! Katulad nalang yung subject na history?? Ano namang konek sa pag a-apply ng trabaho natin yung lintek na history na yan? Dagdag pa yung teacher namin na minsan relasyon nila ng nobyo niya kinwento samin.

Errr!!!Masama na naman pakiramdam ko. Ang init sa loob talaga na di ko maintindihan yung init niya na parang niluto yung laman loob ko. Nagsimula to nung pagtungtung ko ng dise-otso gulang na ako. 6 days after nung birthday ko, sobrang init talaga nun na di ko maintindihan na halos gusto ko nalang mag lublub sa tubig.

~~flashback~~

"La la la la hmm mmm mmm" hum na kanta ko, tapos nako mag jogging. Sobrang aga pa at paakyat na ako nung napatigil ako.

"T-tiya?? Ti-ya?! A-arrghhhh!!!!" Sigaw ko at napahiga sa sahig habang nakahawak sa dibdib at tiyan.
" Alexiss??? Jusko kang bata ka! Napano ka?!" Gulat na sigaw ni tiya na nawala ata ang antok.

"Sob--rang init sa loob!!! Arghhhh!!!"

" Napano kaba kasi???! T-teka! Kukuha ako ng tubig!"  Dali daling kuha ng tubig na sabi niya.

Sobrang init talaga! Nakahiga pa rin ako at naliligo na ng pawis sa buong katawan ko. Biglang humangin ng malakas! May buhawi ata, di ko alam. Napaluha ako bigla, ang sakit! Yung likod ng leeg ko at dalawang palad ko parang napaso rin sa sobrang init. Ano ba nangyari?? A-arrghhhh!!!

"Ito-ito!! Inom ka dali!!" Binangon ako ng konti ni tiya at pinainom ng tubig pero walang epek pa rin!! Pagtapos kong uminom, di ko na alam nangyayari. Sabi ni tiya nawalan daw ako ng malay. Hinawakan niya katawan ko pero hindi naman daw mainit, eh kase nasa loob ko yung init na parang nasa loob yung impyerno sa sobrang init.

~~flashback end~~

Nasa hallway na ako at papasok na. Mainit pa rin pakiramdam ko. Minsan sa ibang parte katulad ng sa likod ng leeg ko, dalawang palad ko, at sa bandang dibdib ko. Pinagpapawisan pa rin ako na parang natatae.

"Oh, what do we have her" biglang salubong na sabi ng englisherang di naman marunong.

"Here—hindi her, tsk ano nanaman ba to bianca?"  Napatawa yung mga kaibigan niya sa likod pero sinamaan niya ng tingin

"I don't care!! Tsaka, you look like a ugly right now! Your so eww and yuckss right gurls??"  Maarteng sabi niya. Sino ba teacher nito? Ang bobo grabe!

"Yeah/indeed"

d–.–b Pati kaibigan niya. Bobo! Late na ako!! Mainit pa rin pakiramdam ko. May mga pangit pang nakaharang dito.

"Ano ba? Late na ako. Tsaka sino ba teacher niyo ha? Sabihin niyo sakanya paturo kayo ng english. Pangit na nga, bobo pa. Tabi!!" Sabi ko sabay daan sa gitna nilang lima. argh! Nagsisimula nanamang uminit ng sobra katawan ko.

Grrr. Biglang hinawakan niya ng mahigpit braso ko
"Sino may sabing padaraanin ki--"
"ANO BA!!!" Galit na sigaw ko at tinulak siya pero nagulat ako nung bigla nalang tumilapon sa pader c bianca at nawalan ng malay. Tumingin ako sa mga kaibigan niya na takot ring nakatitig sakin.

"P-pula yung mata niya. M-monsterr!!! Halimawww!!!"
"Lumayo na tayo rito dali!! Kunin natin si bianca tara na!!!"
"Ahhhhhh!!!!!"

Napatulala ako. A-anong nangyari? Bakit nag--kaganun? Biglang nawala yung init ng katawan ko. Ako ba gumawa non kay bianca? Bat––bat nangyari yun? A-anong meron?



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Elemental of Magic AcademiaWhere stories live. Discover now