SIBHW: CHAPTER 3

44 1 0
                                    

Zander Kace Anderson POV

"Isn't she your wife??" Nanatiling tikom ang bibig ko matapos sabihin iyon ni Alonso.

Thank God you're safe.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka nag pokus sa aking pag d drive.

Flashback.

Nandito ako sa labas ng Starbucks ngayon kung nasaan si Cassandra. Mula sa kalayuan ay pinag mamasdan ko siya.

Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko ngayon. Lungkot, saya, takot. Halo-halo. Gusto ko siyang lapitan at yakapin.

*Brzzk!*

*Brzzk!*

Kinuha ko mula sa akin bulsa ang aking cellphone at sinuri kung sino ang tumatawag. Agad ko rin itong sinagot nang mapagtantong numero ito ng Doctor ni Cassandra.

"Good Afternoon, Doc."

["Magandang hapon, Mr. Anderson. Natanggap niyo na po ba ang pinadala kong document?"] Napatingin ako sa akin wristwatch kasabay nang muling pag vibrate ng aking cellphone.

Nakatanggap ako ng text message.

"Nasa labas po ako ngayon, Doc. Pero, panigurado na nasa opisina na po iyon."

Agad akong nag paalam kay Doc matapos ay pinatay ang tawag.

End of Flashback.

Narito ako ngayon sa loob ng aking opisina habang binabasa ang document galing kay Doc.

"Retrograde Amnesia..."

Just what I thought.

"What are you murmuring?" Pabagsak na umupo sofa sa loob ng aking opisina si Aze Red.

"By the way, how's Ate Cassandra? I've already met her twice pero hindi niya ako maalala..." Mababakas ang lungkot sa boses ni Aze Red.

"Retrograde Amnesia."

Panandaliang natigilan si Aze Red matapos ay napatingin sa akin.

"Since when??"

Iniabot ko sa kanya ang diagnosis report ni Cassandra. Mariin itong sinuri ni Aze Red matapos ay napa sapo sa kanyang noo.

"That's why..."

Binalot kami ng panandaliang katahimikan saka muli siyang nag salita.

"So what will you do now, Kuya? It seems that you're also part of her lost memories." Humugot ako ng malalim na buntong hininga matapos ay napasulyap sa jewelry box ng necklace na nakapatong sa aking office table.

"It left me no choice then."

Cassandra Hendrix POV

Humugot ako ng malalim na pag hinga matapos ay napasubsob sa aking desk.

Ayoko na!! Please lang hindi mai process sa utak ko lahat ng discussion namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suddenly I Became His Wife Where stories live. Discover now