"Magkahawak ang ating kamay... at walang kamalay-malay! Hik!" Kumampay ng malupit si Levi at inakbay ang matikas na braso sa katabing si Mang Pacio.
Alas-dos na ng madaling araw at hindi pa rin siya tapos makipag-inuman sa mga magsasaka. Kakatapos lang nila ng huling ani ngayong taon. Humihilik sa gilid ang kababata niyang si Pedro at nakahandusay naman sa batuhang lapag ang isa pa nilang kaibigan na si Raul.
"Ang hina naman." Sinipa-sipa ni Levi ang binti ni Pedro at Raul pero hindi kumilos ang mga ito. Ang iba pa nilang kainuman ay may sarili na ring mundo. Nilaklak niya muli ang isa pang baso ng gin na sinundan niya ng tubig. Kuntento siyang tumingala sa langit. 'Hay, life.' bulong niya na tila ba sarap na sarap sa buhay.
"Umuwi ka na, bata." Tinapik siya ni Mang Pacio sa balikat. "Huling lamay ng Lola mo at narito ka para uminom. Hindi na lumalagpas ang bente-kwatro oras na hindi ka nakakatikim ng alak. Alcoholic ka ba?"Napailing lamang si Levi sa puna ni Mang Pacio. Hindi rin kasi niya masagot kung Alcoholic nga ba siya o hindi pero gustong-gusto niya ng alak. Dise-sais pa lamang siya nang mahumaling dito. Nakakatulog kasi siya agad kapag uminom siya ng alak. Wala naman siya masyadong problema, masaya nga lang talaga kapag may tama. Mas sumasarap ang kwentuhan. Mas nagiging totoo ang mga kaharap mo.
Ilang shot pa ng paborito niyang gin ay tumayo na rin siya, pasuray-suray na tinungo ang daan patungo sa lamay ng kanyang Lola. Unti-unti ay lumiliwanag ang kanyang nilalakaran. Kinusot niya ang mga mata. Puno ng tao ang buong balkonahe na napupuno ng mga bulaklak ng nakikipaglamay. Nakapwesto sa mga lamesa ang mga pamilyar na mukha sa kanilang bayan habang sa loob naman ay mas tahimik ngunit puno rin ng upuan sa harap ng kabaong ng kanyang Lola.
Hindi mapalungkot ni Levi ang kanyang mukha. Napamura siya sa isip. Masaya siya kapag nakakainom. In fact, mas marami siyang nainom ay mas masaya siya. Tinakpan niya ang bibig habang naglalakad papalapit sa kabaong ng yumaong Lola, hindi niya kasi maiwasan ang pagngisi. Lumakas ang bulong-bulungan habang nakikita siya. Tiyak na amoy ng mga ito ang alak na kanyang nilaklak simula kahapon.
"Hi, 'La." Napalakas ang pagkakasabi niya. Napatakip siyang muli ng bibig at lumapit sa tainga ng nakahimlay na matanda. "Bakit mo naman kami iniwan? Hindi ka man lang nagsama sa paradise, ang selfish mo talaga 'no?"
"Levi!" Umugong ang nakakakilabot na boses ng kanyang ama. Hindi siya agad nakakilos. Narinig niya ang mabibigat na yabag nito patungo sa kanyang direksyon. "Lasing ka na naman." Mahina ngunit may diin na wika nito.
"Pa, nag-celebrate lang kami ng mga magsasaka." Pinilit niyang maging pormal.
"Umuwi ka. Pagkatapos na pagkatapos ng libing ng Lola mo, magpa-file ka ng candidacy."
"Pa.."
"Kung hindi mo magagawang bumangon dahil sa kalasingan, may ibang magpafile para sa iyo. Isa-substitute mo na lang bago ang deadline." Pinal na wika ng ama.
"Fck." Napamura siya.
"Ano?" Pigil pa rin ang kanyang ama, ayaw iparinig ang mga sinasabi nito sa mga bisita at kaanak nilang nakikiramay.
"Fuck." Mas malutong na wika niya. Napapikit ang ama at nag-isang linya ang labi nito.
"Juan, iuwi mo na ang Sir mo. I am very sure na nagluluksa ang paboritong apo ni Governor Grace." Mas malakas na pagkakasabi nito. Ngisi lang ang isinagot niya nang mapansing bumenta ito sa ilang mga nakarinig.
Of course that's not true. He's the fucking blacksheep of the Monasterio's Political Dynasty. Nang mamatay ang kanyang lola ay nabawasan ng isa tao kung saan umiikot ang kapangyarihan sa kanilang pamilya kaya siya ang napipisil na humawak dito. Ang nag-iisa niyang kapatid ay SK President sa kanilang probinsya dahil masyado pang bata, siya naman ang tatakbong Vice-Mayor kapalit ng kanyang Ina na tatakbo namang Mayor. Ang kanyang ama ang tatakbo na Gobernador kapalit ng namayapang ina nito.
He hates it. He hates the hypocrisy. Politics is his family's business. But not him. When he was able, he started to earn what he eats. Siya na lamang ang bumubuhay sa malaking lupain ng kanilang pamilya na minana pa nila sa mga ninuno. Wala na ang kahit sino ang may interes dito dahil mas madali nga namang lustayin ang pera ng taumbayan. Levi could vomit with the thought. He hates parties. Ang tanging kaligayahan niya ay makasama ang kanyang mga tauhan sa hacienda.
"Sir, uwi na tayo." Magalang na anyaya ni Juan, ang kanyang bodyguard na madalas niyang iniiwanan. Hindi niya lang ito inaalis dahil alam niyang kailangan ng trabaho nito dahil sa anak na mayroong sakit sa puso. Nauunawaan din niya kapag kailangan siya nitong sundan palihim dahil anuman ang mangyari sa kanya ay tiyak na papanagutin ng kanyang ama ito.
"Sir, nakikiramay po ako." Akmang isasara na ni Juan ang pinto sa kanyang silid.
"Masama ba ako?" Natigilan ang bodyuard. "Masama ba kong isipin na excited ako sa bawat lamay na pupuntahan ko?"
"Sir?"
Umiling siya. Hindi niya dapat sinabi iyon. Naisip niya lang na kung mauubos ang kanyang pamilya ay matatapos na rin ang kalbaryo ng kanilang probinsya.
---
"AAAAHHH!" Tumili si Miranda sa gitna ng sikat ng araw. Nasa gitna siya ng pilapil ng isang bukid kung saan siya tinuro ng mapa na hawak. Sulat kamay lamang iyon,
"I hate this! I super hate. Hate! Hate!"
Why does she have to suffer? Dahil lang ba hindi niya gustong sumama sa Germany ay ipapatapon siya ng ina sa probinsya nito? Sure, she had two car accidents in a month by driving drunk but she's still alive. Kailangan niyang makitira sa matalik na pinsan ng kanyang ina na isa sa nag-alaga sa kanilang magkakapatid, ang asawa nito ang kanilang family driver noon kaya pinagkakatiwalaan ng husto ng Mommy niya.
Kinuha niya ang perfume sa kanyang shoulder bag at nagspray 'non. Amoy pawis! Yikes! For sure humulas na rin ang make-up niya sa sobrang init! It doesn't matter though, her clear skin is still glowing, ang ngayon na mapusyaw na make-up ay sapat na para lumabas ang kanyang ganda.
She checked her wrist watch and it is passed lunch time! She's hungry. Bakit ba walang kumuha sa kanya sa terminal ng bus? Her Tita Yaya said they will meet her. Pagod siyang tumingin sa paligid, wala siyang nakikitang bahay, isang malaking puno sa di kalayuan ang kanyang napansin, sisilong siya roon.
She's tired as hell. She dragged herself all the way through the huge tree. Kailangan niya ng lilim. She also needs water. Natigilan siya habang lumalapit sa puno, mayroong pitsel na nagpapawis sa lamig. Dali-dali niya iyong tinungo. Ang hawak na cardigan ay inilatag niya sa lupa habang nagtutubig ang bibig, naghihintay na humupa ang uhaw.
Pakiramdam niya ay nasa disyerto siya. Hinawakan niya ang pitsel. Gusto niya itong halik-halikan dahil sa lamig non. Binuksan niya ang takip nito at dire-diretsong ininom nang hindi man lang humihinga. Ah! The cold drink is very satisfying to her body.
"P*tang ina?" She heard a baritone voice that made her drop the jug. Buti na lang at wala na halos laman iyon, it is all in her tummy now.
"Yung gin ko!" Tinungo ng lalaki ang direksyon nya. Natulala siya sa lalaking nasa harapan. He was moulded with muscles; his iron clad chest was hugging his white shirt. Damn it. Walang ganito kagwapo sa rave parties na napuntahan niya sa Manila.
"Okay ka lang?" Nakakunot ang noo ng lalaki at nanatili siyang nakatanga roon.
How could his tan be so perfect? His red lips matches his thick brows and chiseled jaw. Parang puzzle iyon na sinusubukan niyang isolve sa isip niya.
"Sino ka?" Inalog nito ang magkabila niyang balikat. Napakurap-kurap siya. He smells like rosewood, the one she could just imagine in books she reads, floral, musky scent. Unti-unting gumaan ang pakiramdam niya. She felt a pang in her stomach that it crumpled so bad. She felt pain and bitterness inside her system. And then, she just passed out before she realized she just chugged a 1 liter gin with ice in one sitting.
BINABASA MO ANG
Levi And Miranda
Short StoryThis is the output of Makiwander's Write With Me on Kumu in partnership with Wattpad.