Chapter 5

69 10 0
                                    

"Uhm guys what's wrong?", tanong ko.

"Sa lahat ng pwedeng upuan bakit ito ang napili mo?", tanong sa akin ni Katlyn.

"At sa lahat ng upuan ito lang ang bakante kaya hahanap pa ba ako", sabi ko sa kanila.

"At bakit ba natatakot kayo?", tanong ko.

"No one is allowed to sit in this table", sabi ni Alexi.

"Aw ganun ba edi hanap na lang tayo ng ibang mauupuan", sabi ko.

"Tama doon na lang tayo oh", sabi ni Alexa sabay turo sa mesa malapit sa bintana.

Maglalakad na sana kmai papunta sa mesang yun ng biglang may pumasok na mga estudyante. Hindi ko iyon pinansin at lalakad na sana ng bigla akong hinila ni Katlyn at nagsigawan sila na para bang nakakita ng artista.

"Oh my god they're here", sabi ni Katelyn sabay tili.

"Cass do I look presentable?", tanong sa akin ni Alexi.

"How about me Cass?", tanong ni Alexa.

"God I didn't expect na ngayon sila dadating", sabi naman ni Katlyn sabay hila sa akin.

"Guys ayos naman ang mga mukha niyo at pwede bang umupo na tayo?", tanong ko sa kanila.

Wala silang sagot sa akin kaya naglakad na ako papunta sa mesang kakainan namin. Tumingin ulit ako sa kanila pero hindi sika umaalis sa pwesto nila. Tiningnan ko ang mga bagong dating na naglalakad palapit sa mesang inupuan ko kanina. Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy ng biglang may nagsalita.

"Girl with white hair and silver eyes", sabi ng boses lalaki at naramdaman ko ang lamig ng boses nito.

Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa likod ko. Nakita ko na gulat ang lahat ng mga estudyante pati na rin ang mga kaibigan ko. Natigil ang tilian ng mga tao na kahit ang mga walang paki-alam sa mga bagong dating ay napatigil sa pagkain at tumingin sa akin.

"Uhm are you calling me?", tanong ko sa lalaking tumawag sa akin. Red hair and color black lahat ng suot nito.

"Yes", sabi niya.

"Why did you call me?", tanong ko.

"Sit here", sabi niya sabay turo sa inupuan ko kanina.

"At bakit naman ako uupo jan?", tanong ko.

"Because I said so", sabi niya at umupo sa tabi ng upuan na tinuro niya.

"At paano kung ayaw ko?", tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya naglakad ako papalapit sa mesang tinuro ni Alexa. Halos lahat ng estudyante ay nagulat sa sinabi ko. Sa totoo lang anong nakakagulat dun. Uupo na sana ako ng may humila sa damit ko.

"What the-", sabi ko.

"I said you are going to sit here", sabi niya sabay hila sa akin papalapit sa mesa nila.

"Akala ko ba bawal umupo jan?", tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot sa akin at kaya wala akong magawa kundi umupo na lang doon. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at nakita ko sila na nakaupo na sa mesa tinuro ni Alexa. Hihingi sana ako ng tulong sa kanila pero nginitian lang nila ako. Tatayo na sana ako ulit para puntahan ang mga kaibigan ko pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Where are you going?", tanong niya.

"Sa mga kaibigan ko", sabi ko.

"And why?", tanong niya.

"Kasi kukunin ko yung pagkain na pinabili ko sa kanila", sabi ko.

"Sit down", sabi niya kaya umupo na lang ako.

Tumayo siya at pumunta sa mesa ng mga kaibigan ko. Binigay nila ang pagkain na binili nila sa akin sa lalaking yun. Sa totoo lang hindi ko kilala ang lalaking ito kaya bakit gusto niya akong umupo sa tabi niya. Tiningnan ko ang mga kasamahan niya pero nginitian lang nila ako.

"Here", sabi niya sabay lagay ng pagkain sa harapan ko.

"Ah thank you", sabi ko tsaka nagsimulang kumain.

Kumain na rin sila kaya tahimik lang kami. Akala tatapos ang kainan na tahimik pero biglang nagbangayan ang dalawa niyang kasamahan. Ang iba naman ay nagkukwentuhan at ang katabi ko ay tahimik lang. Bale mga walo silang lahat at mukhang respetado sila ng mga tao rito. Matapos akong kumain ay napag-isipan ko na bumalik na ng dorm dahil nakatitig pa rin ang lahat ng estudyante sa akin.

"Uhm mauna na ako", sabi ko sabay tayo pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako.

"See you on class", sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.

Lumabas na ako at nagmadaling bumalik ng dorm. Hindi ko na hinintay ang mga kaibigan ko dahil alam ko na tatanungin nila ako tungkol sa lalaking iyon. Ng makapasok aki sa kwarto ay agad akong nagtungo sa kama ko. Sino kaya ang lalaking yun at bakit parang kilala niya ako. Familiar siya sa akin dahil mukhang siya yung nakatingin sa akin nung nasa Central Villa kami.

"Uhh unang gabi ko palang ang dami na ng nangyari", sabi ko sa sarili ko.

"Uhh sana normal lang ang takbo ng klase bukas"

"Sana hindi na kami magkita ng lalaking iyon", sabi ko sabay higa sa kama.

Anong meron sa akin at bigla akong tinawag ng lalaking iyon at sana maging maayos ang buong taong pag-aaral ko rito. Dahil sa pagod at dami ng iniisip ko ay agad akong inantok hanggang sa natulog na ako.

Behind the WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon