PROLOGUE

22 7 1
                                    

Nakarinig ka na ba ng taong kahit nasa loob ka ng bahay ay alam ang ginagawa mo?”

“May gano’n ba?”

Nginitian ko siya, “Meron at ang tawag sa kanila ay . . . Marites”

“Aah. . .”

Alas sais pa lamang ng umaga ay dilat na ang aking mga mata at nasa kusina na agad. Kasalukuyan akong nagsasangag ng kaning lamig o bahaw upang ipang almusal.

Nang matapos magluto ay dumiretso agad ako sa banyo upang maligo. Nang matapos ay sinuot ko ang pinakapaborito kong damit sa lahat.

Isang floral na bestidang kulay berde na galing pa sa package ng aking kapatid. Naglagay rin ako ng isang full face mask sa mukha at inilagay rin ang iba’t ibang kulay na curlers sa aking buhok.

Habang nag-aayos ay dumako ang aking paningin sa aming bintana at nanlaki ang mga mata nang makita ang isang itim sa kotseng pumarada sa tapat ng bahay ng aming kapitbahay.

“Dios mio, sino naman ‘to. . . ” bulong ko sa aking sarili at isiningkit ang mga mata.

Dali-dali kong kinuha ang walis tingting namin at dumiretso sa aming garahe. Dahan-dahan akong nagwalis sa labas habang nakatingin sa kapitbahay.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang batang anak ng aking kumare at niyakap ang lalaking nagmamaneho.

“Ay, jusko!”

Napasimangot ako nang mabilis na umalis ang sasakyan nung lalaki. Hindi ko man lang nakita!

“Pst! Leah!” tawag ko sa kaniya.

Nakangiti naman itong lumapit sa akin dahilan upang mapasimangot ako. Naku, mga bata talaga! Ang aga kumire!

“Bakit, Klora?”

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at napangiwi matapos makita ang suot nito. Nakasuot ito ng isang crop top at pekpek shorts.

Inginuso ko ang kalsada at ngumisi sa kaniya, “Sino ’yon?”

Ngumisi naman ang babae sa akin at nagawa pang kumindat. “Boyfriend ko, Klo! Huwag mong sabihin kay General, ah?”

Napangiwi ako at bahagyang tumango na lamang. Kuu! Alam ko na ang mga ganiyang galawan!

Si Leah ay anak ni General. Hindi ko alam bakit General ang tawag nila kahit wala namang trabaho ’yon. Hindi rin naman naging sundalo o pulis, trip lang nila.

Nang makapasok si Leah sa kanilang bahay ay dali-dali akong pumunta sa malapit na tindahan.

“Pst!” sitsit ko sa tindera.

Umangat naman agad ang paningin niya sa akin. Inginuso ko ang bahay nina Leah dahilan upang isilip niya ang kaniyang ulo palabas ng tindahan.

“Maagang mabubuntis ’yang anak ni General!” Mahinang sigaw ko pa sa kaniya.

Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo habang mainam na nakatingin sa bahay nina Leah.

“’Kuu, bakit? At tsaka, sabi sabi ay marami talagang lalaki ’yang batang ’yan!” aniya at isinimangot ang mukha.

“At sino nga ba ’yong kasama niya? Sa tingin mo, mayaman?” tanong niya pa at ngumuso lamang ako.

Tsk, I know something you don't. I know something that no one even knows.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Know Something You Don't Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon