Prolouge

34 3 3
                                    

"Who's the person behind you?"

Argh! Bakit ba ang hirap maging college student?

Naulalas ko sa sarili ko.

May terror teacher na nga, idagdag pa itong logic question ng professor ko sa philosophy na isa sa mga dahilan ng stress ko.

Kayo ba naman bigyan ng logic bilang topic sa first semestral project.

Kung hindi lang ako scholar dito magrereklamo na talaga ko. Kahilig talaga ako pahirapan ng prof na yon! Kakaiba talaga ang trip niya pagdating saakin.

At sa pagkaka-alam ko, ayaw niya lang talaga sakin. Sino ba namang nagsabi na gusto ko siya? I feel the same way!

Ganito na ba ang mga teacher dito sa campus na ito?

Dahil sa scholar ka lang, aayawan at pahihirapan ka na agad ng mga professor? Ang hirap talaga intindihin ng mundo. Lalo na kung ang lahat ng swerte sa mundo, ipinagkait sa katulad ko.

I'm Timotifey Berlin or Timmy  nalang para di niyo ko pag isipang masculine.

Sa unang tingin sakin, pangalan at itsura palang pang mayaman na! Yes, that's true. Hindi kayo nagkakamali, pangalan at mukha nga lang ang pang mayaman.

Freshmen student ako dito sa Tolentine College. Communication Arts naman ang course ko. Scholar lang ako dito, hindi naman kami ganoon kayaman.

I smiled bitterly ng may dumaan na mga babae sa harapan ko.

Nakita ko na naman yung mga girls with such clothes na mukang kinapos sa tela ang suot. Come on! Kailan ba ko masasanay sa mga nasa paligid ko?

Mayaman sana kami. Sana.
Kung hindi lang kami iniwan ng tatay ko nung bata palang kami ng kapatid ko. Kahit sana inisip niya kung anong hirap ang dadanasin ng iniwan niyang asawa para palakihin kami.

Wala ako kahit katiting na ideya kung anong itsura ng tatay ko. As if naman na gusto ko din siya makita. Hindi namin kamukha ng kapatid ko ang mama namin. Sabi ni Mama, kahawig na kahawig daw ni Timothy yung tatay ko. Kaya nga minsan parang nakikita ko kay Tim ang tatay ko, nakikita kong gwapo siya.

Ew! Kung ano anong naiisip ko. At isa pa, wala na kong pakaialam sakanya. Bakit nasaan ba siya nung pinalaki kami ni mama? Wala. Kaya wala na kong pake' kung saan mang lupalop naroroon.

"Timmy! What do you think are you doing, ha? Kahit isang words o letter sa project mo wala ka paring maipakita sakin!" Bulalas sakin ng professor ko sa philosophy. Nabalik ako sa reyalidad dahil sakanya.

Nagsimula na naman siya. Kung wala pa nga kong maisip na plot sa story ng logic niyang question, wala siyang magagawa. Ang hirap kaya!

"Pero Sir Camata, buong semester ko naman gagawin yung project. And infact, third day of class palang po ngayon. Hindi naman po yata kayo excited sa gagawin ko diba?" Sagot ko nalang sakanya habang nakangiti ng pilit.

Sanay na yan sa pag sagot ko sakanya. Sa loob ng 3 days na pagiging freshmen ko siya lang ang ganito. Kita mo nga kung kausapin ako daig pa nanay ko.

Isa pa tong pinagtataka ko, kailangan ba talaga ng novel project sa Philosophy? Ang wierd naman kasi talaga ng taong ito. Alam nyo ba sa lahat ng block mate ko, ako lang ata ang kinaiinisan ng lalaki na yan? Pero mas nakakapagtaka kung dapat ko ba talaga siyang tawagin na lalaki. Hindi naman sa pagiging judgemental, pero para siyang bakla.

Sabi ng iba kong block mate, kaya siguro ganoon si Sir Camata dahil hindi ako mayaman. So? Kailan pa naging basehan ang estado sa buhay para rumespeto sa iba? Ano namang koneksyon noon sa pag aaral ko? Hindi sa pagmamayabang pero ang tali-talino ko kaya! Kaya nga ako naging scholar dito sa eskwelahan na hindi namin afford.

"Wag mo kong subukan Miss Berlin! Ako ang philosophy professor mo at kayang kaya kita ibagsak kahit kailan ko gustuhin." Ayan na naman po siya sa pangba-black mail niya sakin!

Kung hindi lang talaga siya professor, nung first day palang nasapak ko na itong taong ito.

Tumango nalang ako sakanya at lumabas na siya ng tuluyan sa lecture room.

Nung nakalabas na siya, agad kong hinampas ang lamesa sa harap ko dahil sa inis. Nangiraot ako sa sakit ng mapagtanto ko ang hinampas kong lamesa. Kung hindi ko lang professor yon, inisip ko na talagang saktan yung taong iyon.

Naupo nalang muna ako sa desk ko. Third day palang puro stress na inaabot ko.

Ano ba kasi ibig sabihin nito? Ang hirap intindihin! Valedictorian pa naman sana kong naturingan, hindi ba?

-A person who is always near you but you don't know. Maybe a fake or real.-

So, ano na gagawin ko ngayon? I'm so stressed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon