Nagpasya si Ken na itutuloy niya ang kanyang nararamdaman para kay Cindy. Ngunit sa kanilang pag-uusap, tumanggi na kaagad si Cindy. Matagal na panahon ang iginugol ni Ken upang suyuin si Cindy. Dahil na rin sa kakulitan ni Ken, bumigay na rin si Cindy at nahulog na din ang puso sa kanya. Masayang-masaya silang dalawa, ngunit nagpasya silang hindi muna nila sasabihin sa iba.
Samantala, nagkagulo ang relasyon nila Shane at Aaron. Napasama si Aaron sa kanyang mga katropa at nasuspend dahil sa kanilang ginawang pangbubully ng kaklase. Gusto pa rin ni Shane si Aaron, ngunit nakipagbreak na si Aaron sa kanya.
Nakatext ni Ken si Shane.
Shane: Bakit ganun, Ken? Maayos na ang relasyon namin, pero biglang nagulo... (umiiyak)
ken: pabayaan mo na, maghanap ka na lang ng iba, marami namang iba diyan eh.
Shane; ang hirap eh, masakit hindi ko yata kakayanin....eh ikaw?
Nagulat si Ken. Ano kaya ang gusto tanungin ni Shane? Naalala niya nung magkagusto siya sa kanya, ngunit paano naman si Cindy?
ken: Ano, bakit?
Shane: Alam mo, matagal na talaga kitang gusto, kaya lang, nung sinabi mo sa kin na gusto mo si Nicole, hindi na ko nagpapilit sa iyo. Ngunit hindi ba, wala ka nang relasyon ngayon?
Ken: Ah, eh....
shane: Ken, parang awa mo na. ayaw ko na masaktan pa ulit.
Nataranta si Ken. Bakit ganun? Para siyang naakit sa kanya at parang hindi niya maiwasan! ngunit nakapangako na siya kay Cindy. Ano kayang gagawin niya?
Ken: Ah sige, kaya lang....
Shane: Yes! Thank you ken, iingatan talaga kita!!
Hindi na nakasagot si Ken. Paano niya pagsasabayin ang kanilang relasyon nila Cindy at Shane? Alam niyang parehong magagalit ang dalawa sa kanya kapag nalaman nila ang katotohanan. Ngunit ayaw saktan ni Ken si Shane, pero ganun din kay Cindy. Naguguluhan siya, at hindi makatulog kung ano ang gagawin...
Kumonsulta siya sa kanyang mga kaklase. Pare-pareho ang sinabi: Kung kanino ka talagang napapangiti at alam mong nabubuo ang araw mo kapag nakikita mo siya, siya ang mahalin mo, at huwag mo mahalin ung taong alam mong gusto mo lang at nagagandahan ka lang.
Napaisip-isip si Ken. Sino ba talaga ang pipiliin niya? Alam niyang pagbinreak niya ung isa masasaktan niya ito. Napagpasyahan niya na wag munang sabihin ang totoo, ngunit nagkamali siya.
Mas lalo na ngayong lumalapit si Shane kay Ken. At alam ni Ken na nahuhulog na talaga ang puso niya kay Shane. Ngunit, mahal din niya si Cindy. Pero alam ni Ken na mas mahal niya na si Shane ngayon...
Isang araw, nagdate sila Shane at ken sa isang restawran.
Shane: Ako lang ba talaga ang gusto mo?
Ken: Oo naman! Alam mo naman yan diba?
Umorder sila ng pagkain. Nagsusubuan sila, nagkwekwentuhan, masayang-masaya sa piling ng isa't isa. Ngunit sa kasamaang-palad, nagpunta si Cindy doon sa restawran at nakita sila.
Cindy: Walang hiya ka! Akala ko pa naman eh mahal mo ko? Yun pala may kasama ka ng iba! (sabay sampal kay Ken)
Ken: Hayaan mo kong magpaliwanag...
Shane; Tigilan mo yan walang hiyang babae ka! Mahal namin ang isa't isa! Lubayan mo siya!
Cindy; Ang kapal ng mukha mo! Ikaw na ngalang ang mang-aagaw ikaw pa ang mahal niya walang hiya ka!
Nagsabunutan ang dalawa. Hindi naawat ni ken ang dalawa; hanggang lumapita ng sekyu at inawat ang dalawang babae.
Cindy: Wag kang magpapakita sakin kahit kailan ken! sumama ka diyan sa babae mo!
Shane: Ken, walang hiya ka! Akala ko pa naman ako lang ang mahal mo tapos meron ka palang iba! HAyop ka!
Walang magawa si Ken. Iniwan siya ng dalawa. Napahiya siya sa mga tao doon. Umalis siya pagkatapos, at sa sobrang pagkadepress, pumunta siya sa beerhouse. nakainom siya ng madami at lasing na lasing na. Umuwi siya ng mga alas-dose na ng gabi. Ngunit sa kasamaang-palad, nanakawan siya at hinoldap. Pagkatapos ay naglakad na lang siya pauwi. MAdilim na madilim ang paligid. Sa sobrang kalasingan, hindi niya napansin ang truk at...
Nasagasaan siya! Hindi rin napigilan ng driver ng truk na huminto. Nakita niya ito nakahandusay, at duguan. Agad isinugod ito ng driver sa ospital. hindi siya namatay, ngunit na coma siya at 50:50 ang buhay niya.
Agad pinuntahan ni Shane si Ken sa ospital. Samantala si cindy ay humanap na ng iba.
Araw-araw, pinuntahan ni Shane si ken, sa pag-asang ito'y gigising pa. hanggang ng isang araw...
Ken: shane?
Shane; Ken?
Ken: masaya ko na pumunta ka dito...
shane: Oo... (umiiyak)
Ken: sori sa nagawa ko sayo. kung nasaktan kita sa patawarin mo ako...
shane: oo, ok na sa kin yun basta gumaling ka para palagi tayong masaya...
Ken: sana nga...mahal na mahal kita Shane...
Biglang tumigil ang pulso ni Ken.
Shane; Nars! doktor! Tulungan niyo kami dito! Tulong!
Dumating ang mga doktor. Ni-revive nila si ken. Umiiyak na si Shane. Alam niyang sa pagkakaaong ito baka hindi na niya ulit makita si ken...
Shane: mahal na mahal din kita Ken, alam mo sana yan...
Tumigil ang doktor.
Doc: sori po, wala na po akong magagawa.
Shane: Hindi doc, hindi! Buhayin niyo siya......
Iyak ng iyak si Shane. Niyakap niya si Ken, na patay na.
Shane: ken, mahal na mahal kita...
Nang ililibing na si Ken, nandun din si Shane, kasama ang pamilya ni ken. tinanggap naman siya ng pamilya ni ken at bago ipasok ang kabaong nahimatay si Shane.
Nanaginip si Shane:
Ken: Mahal na mahal kita shane
Shane: ako din...
Masaya silang pareho sa kanyang panaginip. nang siya ay magising napagtanto niya na walang saysay ang buhay niya kapag wala si Ken.
Lumakad siya papunta sa isang tulay. Malalim ang tubig sa ilalim nito. Bago siya tumalon, sinigaw niya: MAHAL KITA KEN!!!!!
Tumalon siya. Hindi niya alam na may nakakita sa kanya at kumontak kaagad ng tulong. Kasalukuyan namang nasa baba ang isang bangka, at nakuha si Shane ng ito'y bumagsak(.
(Itutuloy)
![](https://img.wattpad.com/cover/4310440-288-k6617b4.jpg)