"Oh, 'san na naman tayo pupunta? Kakatapos lang ng klase ah, ano 'to? roadtrip?" Pagreklamo ko. Ito na naman mga kaibigan ko, kada tapos ng klase, kahit saan-saan kami pupunta. 'Di ko na sila gets.
"May laro yung boys today, sis! Ang pogi nilang lahat, for sure may makikita ka d'on!" Sigaw ni Alexa, nakakaloka itong babae, kahit saan-saan may makikitang gwapo, 'di naman ako interesado.
"Hoy hoy! Ika-ilang lalaki na 'yan, Alexa" Sabi ni Tina, eh interesado 'din naman.
"Wow ah, parang hindi excited" Pagbiro ko.
"Oy, tumahimik kayo, nandon na yung gym!" Sigaw ni Janice.
Pumasok kami sa gym, gym ng eskwelahan namin. Present lahat ng mga babae 'dito, sakit sa tenga yung sigaw eh. Nadamay na naman ako.
"Ang ingay, putangina. Labas tayo!" Sigaw ko, ang lakas grabe, parang mga kambing. At syempre naman, hindi mawawala yung mga bakla na grabe yung awra.
"Oy, Aila! 'Yong crush mo oh! Naka score!" Panunukso ni Janice sa'kin. Wala naman akong binanggit na lalaki sakanila ah.
"Gaga, anong crush. Pake ko d'yan" I rolled my eyes.
"Bobo, 'yong crush mo ever since elementary sis! Glow up, bhie" Sabi ni Janice habang sinampal yung balikat ko.
"What? Si Zed? I'm over him kaya" Sabi ko.
"Weh? Tingnan mo oh" Tinuro sa'kin ni Alexa si Zed. Infairness nag glow up nga, tumangkad, chinito, meron 'din pagka moreno. Type na type sa mga babae. Pero he was my childhood crush, tagal na n'on.
"Bahala kayo d'yan" Inis na sabi ko habang paalis na.
Bago ako lumabas, may lalaking naka harang sa'kin. "Oh, 'san ka punta?" Tumingin ako sa taas, ang tangkad eh, si Zed pala 'yon
"Oy, Zed. Tangkad mo na ah" Tumawa ako, eh 'yon naman yung totoo.
"Syempre, ako pa. Pero nga, bakit ka aalis?" Tanong n'ya.
"Hindi ako mahilig dito eh, medyo maingay 'din" Papaliwanag ko.
"Can't you stay? Malapit na matapos. Just watch my game, just this once, please?" He begged me with those eyes, still sparkling. 'Di ko alam ba't siya gan'to eh ngayon lang kami nagkita muli, 'di naman kami ganoon ka close.
He was an old friend, so I agreed. Bumalik ako sa friends ko and cheered for him. As he was about to shoot the ball, he looked at me first and winked at me. Guessing it was a thank you for staying? But I wished him luck, I hope they win.
It took an hour to finish, I was about to head out with my friends, plano namin kumain ng street foods.
"Hello, girls" Zed once again appeared infront of us.
"Oh, ano na naman?" Sungit na tanong ko.
"Can I borrow Aila for a bit? Kakain lang kami sa labas" He smiled, asking their permission, parang mga magulang ko ah.
"Ha? Eh kakain na san-" As I was about to finish my sentence, tinakpan ni Tina yung bibig ko.
"Syempre naman, Zed! Uuwi na sana kami, you can take her!" Tina pushed me closer to him.
"Oo nga! She's free naman, as always" Alexa winked at Zed, she made the word "always" very clearly.
"Tangina n'yo, gusto ko ng kwek-kwek" Pag-bubulong ko sa kanila, tawa nang tawa nga yung mga gaga.
Zed opened his car door for me sa passenger seat, he's still caring pa naman din, pero it's the bare minimum so parang whatever na sa'kin 'yon.
"Oh? 'San tayo papunta?" Tanong ko sakanya habang siya'y nagd-drive.
"Wolfgang's Steakhouse" Banggit n'ya, parang wala lang sakan'ya.
"Ha? Wolfgang's Steakhouse? Eh ang mahal-mahal n'on, Zed! Punta nalang tayo sa iba"
"Ano ka ba, afford ko 'yon noh" Sabi n'ya, mayaman naman sila, pero hindi ako gan'on ka kapal ng mukha. "I want to take the girl I like somewhere expensive"
Nabigla nalang tuloy ako sa sinabi n'ya, anong "like"? Parang biro lang 'yon, mapagbiro kasi si Zed 'mula pa n'ong bata kami.
"Weh? Ayan ka na naman, biro nang biro" Tumawa ako.
"Anong biro?" Thmingin siya sa'kin habang naka ngiti. "So biro lang pala yung pagka-crush ko sa'yo simula n'ong nagkakilala tayo?"
"Ha? Hindi naman required for you to like me back ah, tsaka tagal na n'on. You kept on ignoring me noon"
"Kasi nahihiya ako, malamang crush kita, hanggang ngayon, Aila" He said after he parked the car outside Wolfgang's Steakhouse.
He even continued, "I payed your school's coach para makapaglaro ako kahit hindi naman dapat ako kasali dahil hindi ako d'on nag-aaral. Lagi kitang tinitignan kasi baka aalis ka, alam kong ayaw mo sa mga maiingay na lugar. I even bribed your friends to take you there. I did all of those to get back to you, to stay in the same place with you again"
All of those para lang sa babaeng katulad ko? Hindi ko naman inaakalang gusto n'ya 'rin ako, those words coming from him made me like him again, or maybe the feelings never faded away?
- shaunrxm -
BINABASA MO ANG
Glimpses of Our Love
RomanceEach chapter indicates a woman/man's love story of their admired person. A chapter may turn out expected, some chapters may not. Each chapter also shows different people's point of view of their feelings, and some even shows their struggles in life...