Reflection on the Window

1.3K 72 43
                                    

CrooCroo's Corner: Hi! Okay, first time kong gumawa ng HORROR story. XD. Well, I have to admit, hindi galing sakin yung main plot nya. Kinwento lang sakin 'to ng best friend ko. (HI THEABEYBS! :D). Pero I hope magustuhan nyo, I really just want to share this to you. :)

Dedicated to kay aileenfia09 kasi idol ko talaga sya sa mga ganitong genre. :D. Basahin nyo rin lahat nang stories nya. Kikilabutan talaga kayo. :D

------------------------------------------------------------------------

"Hello, Mary Ann's Babysitter Service! How may I help you?"

"Uhmm, hello? This is Mrs. Evangelio and I want a babysitter for my child. Me and my husband is celebrating our 2nd anniversary and we want a babysitter for our 2 year old baby girl."

"Sure po! Just give me your full name, adress, contact number, details and we'll be there as fast as you can!"

Ito ang normal life ko. Ako si Mary Ann. Isa akong college student pero nagpapart time ako as a babysitter. Hindi ito ang first time ko sa pagba-babysit. Nakailan na rin ako at lahat yun naging enjoyable naman. Malaki rin ang kita ko dito. Nakaka 2k ako every raket.

Ngayon, may book na naman ako. Buti na lang hindi nasagi ang iba ko pang schedule as a college student.

Pumunta na ako sa address na binigay sakin ni Mrs. Evangelio at kumatok sa pinto nila. Mukhang pinaglumaan na yung bahay nila. Alam nyo yun panhespanyol na bahay pero maganda?

It gives me the creeps.

 *Knocl.Knock.Knock.*

"Buti naman dumating ka na, Mary Ann. Ito nga pala si Thea." sabi ni Mrs. Evangelio sakin. Then itinuro nya ang isang cute na baby girl. Ito ata si Thea, ito ata yung ibababy sit ko. Ang cute naman nya. 

"Oh sige, Mary Ann, aalis na kami ha. Ikaw na bahala sa baby gurl namin." Sabi nina Mrs. Evangelio at tuluyan na ngang umalis.

~

Nilagay ko ang cellphone ko sa may center table at tinungo si cute na baby girl.

"Hi baby! What's your name?"

"Chea pow. Hihihihi." Nabubulol pa nyang sabi.

"Ahhhh, hi Thea. ^^"

"Ache, ache!" Tapos may tinuturo syang isang container. Maliit lang yung container at kulay gold pa. Paglakad ko papunta sa container, tsssss. ice cream lang pala.

"Baby, gusto mo ng ice cream?"

"OPO! OPO! OPO!" Palundag-lundag pa na talon ni Thea.

Binuksan ko na yung ice cream. Ayy teka, wala pa palang kutsara.

"Baby? San nakatago ang mga kutsara nyo?"

"Sa basement po.'' Pagkakasabi pa lang nya nung basement, kinilabutan na ako.  

"Kuha lang ako ng kutsara sa baba, baby."

At pumunta na ako sa stairs papunta sa basement. Patay ang ilaw, sobrang dilim. Hinanap ko yung switch nung ilaw. Pagkakapa ko, binuksan ko kaagad at ang tumambad sa aking ay isang lumang bintana. Maliit lang sya. Hinanap ko yung drawer na may kitchen utensils at kumuha ako ng dalawang kutsara. Bumalik na ako kay Baby Thea.

"Ache! Kuha mo kong baso!" 

"Asan ba nakalagay yung baso?"

"Sa basement po." Tapos nginitian nya ako. Creepy.

Reflection on the WindowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon