Nang ligaw si jericho sa akin. Super close kami.
One time na suspend yung klase kasi may bagyo.
Naiwan ako pati si jericho at ang teacher namin. Nag uusap kami ni jericho habang nag aantay sa service ko.
Madami kaming napag uusapan. Bigla nyang sinabi na,
"Hug mo ako"
Ako: ngiti naman. Deep inside super duper kilig na naiilang.
(Niyakap ko si jericho, akala ko at ang gusto ko matagal pero agad nyang tinanggal)
Nag tataka ako kung bakit sibrang tagal na namin nag aantay.
Lumabas ako para i-check yung service sabi kanina pa daw nag hahatid. Kinakabahan ako kase mapapagalitan ako sa bahay.
Sinabi ko sa cashier na pahatid ako. At ayun pag dating ko sa bahay nag away kami ng tita ko.
3 weeks after,
Nag text ako kay jericho na agahan nya ang pasok kase may sasabihin ako sa kanya.
Sabi nya sige.
Kinabukasan pag dating ko sa skul andun na sya.
Sakto kami palang ang dalawa sa skul. Andun kami sa back door.
Gusto ko lang ibulong sa kanya sasabihin ko.
Super ilang na ilang na ako sabihin sa kanya.
Hanngang sa sinabi ko na "I LOVE YOU" Sabay dumaan yung terror namin teacher at narinig ata yung sinabi ko.
Kasi napalakas ang sabi ko super kabado kasi ako.
Before sabi ko sa kanya na nag i-i love you lang ako kung may commitment. So yung pag sabi ko ng I love you it meant na kami na :)
Ang awkward lang na narinig ng teacher ko kasi baka mag sumbong sa lola ko.
Bawal kasi ako mag boyfriend. Kaya ayun ang awkward super. Parehas pa kami ni jericho na nag tawanan kasi nakakahiya at awkward.