BakLOVE At First Sight

44 1 0
                                    

Vice's POV

Enebeyen! 1:14 palang ng umaga gising na gising na ang diwa ko. Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko at ganito nalang ako excited gumising ng maagap. Lagi nalang akong ganito... Simula nang makita ko sya..

Flashback

@Leonardo Geronimo Memorial College, Inc. (LGMC) 6:30 a.m.

"Hello? Oo. Asan na ba kayo? Kanina ko pa kayo hinihintay dito. Mga anong oras nyo balak pumunta dito, aber?... Haaay! Sige!.. Ayst! Tama na ang Harot!.. Aral muna bago Landi! Mga baklang to!"

Inis kong ibinulsa ulit ang Cellphone ko. Yung mga baklang Friends ko kasi. Ke Aga-aga ang haharot! 3rd Year College na kami at First day of class, puro Lalaki agad ang inaatupag. Tsk. Pwede namang kinabukasan nalang... Agad? Haha.

Nakabusangot akong naglakad papunta ng Campus. Pero, Papasok palang ako ng gate nang may narinig akong mga pamilyar na boses na matagal ko nang namimiss..

"Ayy Ganon? Hindi manlang kami hihintayin?"

"Parang wala tayong pinagsamahan ah?"

Nawala ang inis ko nang marinig ko ang mga boses na iyon. Emeged! Napalingon agad ako at tama nga ang hinala ko. Sila nga! Ang mga Boyfriends ko since High School. Sina Billy and Vhong! Nakangiti nila akong nilapitan at niyakap. Syempre niyakap ko din sila. Matagal rin kaming hindi nagkikita ng mga to. Mga... 3 years lang naman.

"Oyyy! Kamusta na ang Best Friend nameeen?!" Abot tengang ngiti na tanong sakin ni Vhong pagkatapos ng aming Friendly Hug.

"Eto. Maganda parin" biro ko.

"Ayy. Tara na! Baka ma-late na tayo" nagmamadaling sagot ni Billy. Lalaking to! Antagal naming di nagkita tapos gaganunin lang ako.

"Hahahahahahahaha! Basag trip ka naman kuys" -Vhong

"Ahhh. Trip lang pala ha! Paano kung trip ko lang ring iwa--"

"Papa Billy!"

"Ang gwapo mo Vhong!"

"Sabi ko na nga ba babalikan mo ako eh"

Well, andito na sila. Meet my gay friends. Buern, Matt and Aaron. 3 sila sa aming 5 na baklang magkakaibigan. Kumpara sa kanilang 4, ako lang ang parang lalaking kumilos. Pero Hobby naming mag-Boy Hunting twing magkakasama kami sa kung saang bar or sa park. Hehe.

"Buti naman at naisipan nyo ring pumasok?" Nakapamewang kong tanong sa mga bakla.

"Ayy. Sermon agad?" Sagot sakin no Buern na malanding nakatingin kay Billy.

"Onga Meme." -Aaron

Napailing nalang ako sa mga inaasal ng mga kaibigan ko ngayon. Pero, aaminin ko. My day was complete nang makita kong kumpleto kami ngayon. Kahit na nasa kabilang school si Archie, keri na din. Atleast nakakausap pa namin sya. At alam naming buo pa ang katawan nya.

General POV

Sabay-sabay na pumasok ang Team Vice na pangalan ng barkada nila Vice, Buern, Archie, Matt at Aaron na binuo ni Vice. At kasama rin nila ang mga BFFs ni Vice na sina Vhong at Billy. Pare-Pareho lang naman sila ng room kaya magkakasama parin sila.

Habang hinihintay ang bago nilang Prof., may pumasok sa kanilang Classroom na magkakaibigan na binubuo ng Tatlong magagandang babae. Sina Anne, Coleen at Karylle.

Si Anne. Kikay, Magaling magdala ng damit. Sexy. Maganda.

Si Coleen. Medyo Mahinhin. Pinakabata sa kanilang tatlo. Sexy. Maganda.

Si Karylle. Simple. Kulot ang buhok. Sexy. Maganda.

Halos lahat ng lalaki sa silid na iyon ay napa-nganga sa taglay na kagandahan ng tatlo. Isa na rito sina Vhong na nakatitig kay Anne at si Billy naman kay Coleen. Maging ang mga bakla ay napatingin rin sa kanila. Si Vice naman, habang nag-aayos ng bag ay nagtaka sa nakakabasag ear drums na katahimikan ng mga kaklase. Unti-unti nyang itinaas ang kanyang ulo at doon ay nakita nya ang isang babaeng papalapit sa kanya... Si Karylle. Natulala sya rito hindi dahil tulad ng mga beks ay nagandahan sa Ayos ng tatlong magagandang binibini ngunit dahil biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Nginitian sya ni Karylle at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nya.

Seat Plan

1st row 2nd Row Billy-Vhong-Vice K-Anne-Coleen
Buern-Aar-Matt BoyC.-BC-GC

End of Flashback

Vice's POV

Nararamdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pero ba't ganun? Malinaw pa sa sikat ng araw na BAKLANG BAKLA ako. At alam ng lahat yon. Siguro, nagulat lang ako kasi may mas magaganda na sakin sa school. Pero iba eh. Matagal na panahon ko nang naramdaman ang ganito noong ma-inlove ako kay Ivan. Pero isinumpa ko na yung panahon na yun. Wag na nating pag-usapan. Nakakainis lang.

General POV

Habang nakatitig sa kisame ng kanyang kwarto, at iniisip si Karylle. I mean yung nangyari nung First Day of School ay unti-unti nang pumipikit ang mga mata ni Vice at bumabalik na sya sa kanyang mahimbing na pagtulog.

To be continued....

May requests ba kayo or gusto nyo ng Cameos? Mag comment lang or i-tweet ako @its_me_peyaa . Salamat! :))))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon