Fury Arrevalo was slowly falling for Arden Salvacion, her friend. But no. She can't fall for that man-gay. Yes, he is gay. How ironic. She's falling for a man who also wants a man. But can she blame herself? He was sweet, specially to her. He treats her differently from his other girl friends. Some people even thinks they were together. And she can't help but think that somehow, he also has special feelings for her.
But that jerk of a friend of hers broke her heart when he excitedly told her that he already has a boyfriend. Of course she has to stay away. And that's what she did, she distanced herself from him. Hindi na siya masyadong sumasama dito kapag alam niyang sila lang dalawa at hindi kasama ang iba nilang kaibigan. Nagdadala na rin siya ng sarili niyang lunch para hindi na siya kailangang ipag order pa ng pagkain ni Arden na lagi nitong ginagawa. It was hard for her. Lalo na't nasanay na siyang lagi niya itong kasama at animong pinagsisilbihan siya. And you know what's worse? Dahil hindi na siya palaging nakakasama dito dahil sa pag iwas niya, mas napalapit naman ito sa isa nilang kaibigan. Alam niyang wala siyang dapat ipagselos dahil wala namang interes si Arden sa babae, but still, she can't stop herself. Lalo na't maganda ito at mas interesanteng kasama. At hindi man lang ata napansin o prinoblema ni Arden ang pag iwas niya.
It was a slap to her. Napatunayan niyang wala naman talagang special feelings sa kanya ang baklang iyon. Masyado siyang nagpadala sa pinapakita nitong kabaitan. At sa isiping iyon, hindi na talaga siya umasa. Kahit na masakit, nakayanan niyang makasurvive sa unang linggong iyon ng pag iwas niya rito. Nagawa niyang tiisin ang masayang pagkukuwento nito tungkol sa boyfriend at sa pagiging malapit nito sa iba. At sa wakas sabado na. Walang pasok kaya makakapagpahinga pansamantala ang puso niya. Pinilit niya ang kaniyang sarili na huwag na munang isipin si Arden. Itinuon niya ang sarili sa ibang bagay na mapagkakaabalahan niya para madistract ang sarili, at iyon ay ang pagbobrowse sa kaniyang facebook account na matagal-tagal niya ring hindi nabuksan. Wala naman kasi siyang hilig doon, mas gusto niya pa ang magbasa ng mga libro.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pagbabasa sa isang post ng isang page ay may nagpop out na message sa kanyang screen. Nakatanggap siya ng mensahe sa hindi niya inaasahang tao. Si Dale Calderon, ang dati niyang classmate. Long time crush niya ito noon bago pa ito magtransfer sa ibang school. Hindi sila close nito kahit pa ilang taon rin silang naging magkaklase kaya nakapagtatakang nag message ito sa kanya. Binuksan niya ang message.
Dale Calderon: Hi Fury!
Nagtaka siya. Napaka friendly kasi ang dating ng mensahe nito na parang sobrang close nila. Pero napagtanto niya rin agad na friendly naman talaga ito. Siya lang iyong medyo ilag dahil una, hindi talaga siya komportable sa mga lalaki, pangalawa, naiilang siya dito dahil baka sa kunting kilos niya lang ay malaman nitong may gusto siya dito. Pagkatapos ng ilang sandali ay nireplyan niya ito.
Fury Arrevalo: Hello
Napangiwi siya ng may mapagtanto. Salungat kasi ang kanyang reply sa friendly message nito. Parang suplada ang dating ng reply niya dito. Napatampal na lang siya sa noo. Kahit kailan talaga ay hindi siya magaling makihalubilo sa ibang tao, lalo na sa hindi niya kaclose. Hindi siya magaling sa conversation.
Tumunog uli ang kaniyang cellphone, indikasyon na may natanggap uli siyang mensahe mula rito.
Dale Calderon: Kumusta? Haha.
Napahinga siya ng maluwag. Mukhang hindi naman iyon naging big deal sa lalaki. Akala niya ay naoffend ito at hindi na magreply.
Pansamantala niyang nakalimutan ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pakikipag usap kay Dale. Masaya kasi itong kausap at hindi nauubusan ng topic. Mukhang nahulaan nitong hindi siya magaling makipag usap kaya ito na mismo ang nag oopen ng iba't ibang topic. Buong weekend ay magkausap sila nito magdamag at nageenjoy siya. Hindi niya akalaing makakabiruan niya ito. Siguro kung noon pa iyon nangyari, noong panahong hindi niya pa nakikilala si Arden, masayang-masaya siguro siya. Kung hindi sana ito lumipat ng ibang eskwelahan, siguro ito ang gusto niya hanggang ngayon at hindi si Arden.